I keep pacing back and forth. Habang nasa kamay ko ang phone at tinatawagan si Tristan. Alas-nuebe na ng gabi pero wala pa din kaming balita sa kanya.
The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.
Di-nial ko ulit ang number nya sabay upo sa sofa. Napapagod na din akong maglakad ng pabalik balik.
"Pick up the fucking phone."
The number you have dialed is either—
I give up. Naka fifty missed calls na ko sa kanya. Kung ayaw nyang sagutin, bahala sya!
Punyeta. Hindi manlang ba nya naisip na may nag aalala sa kanya? Ano ba naman yung mag text, chat o kaya tumawag sya, diba? Hayop naman eh, best friend nya ko pero yung simpleng bagay na pagpapaalam di manlang nya magawa.
Padabog akong umakyat sa kwarto at ibinagsak ang pinto. Hindi na din ako nag dinner dahil wala akong gana. Wala din naman si Mommy dahil nasa business trip sa Canada. Si Daddy naman, namatay dahil sa Stage 4 Cancer grade 2 pa lang ako. Kaya kami nalang ni Mommy ang natira, only child lang kasi ako.
Humiga na ako sa kama at pinatong ang phone ko sa tyan. Napatitig ako sa glow in the dark na stars at moon sa kisame ko. Napaka ganda talaga. Ang sarap abutin.
Inistretch ko ang kanang kamay ko. Parang ang lapit lang at madaling maabot. Pero sa reality, sobrang layo at imposibleng abutin. Parang sya— si Tristan.
Napatawa ako ng mapakla. Parang dalawang minuto lang ang lumipas nang hindi ko sya iniisip, heto at pumasok na naman agad sya sa isip ko. Grabe, tinamaan nga talaga ako.
Mahal ko si Tristan Santos. Oo, inlove ako sa best friend ko. Mag best friend na kami since elementary, grade five to be exact. First year high school naman ng marealize ko na, tang'na, inlove ako sa bestfriend ko. Bakit?
Hindi ko alam.
Nakakatanga siguro, pero sa totoo lang hindi ko talaga alam.
Basta nagising nalang ako na mahal ko na sya. Na higit pa sa best friend ang tingin ko sa kanya.
Bwisit naman kasi yung gagong yun eh, napaka sweet masyado!
Araw araw syang may dalang Chuckie na tig-31 pesos. Alam nya kasing favorite ko yun. Binibigay nya yun pagkakitang pagkakita nya sakin. Pampa-energy ko daw. Tapos, pagka recess na, magugulat na lang ako yung order kong pagkain may kasamang Chuckie ulit. Yun pala, pinapalagay ni Tristan sa ref ng canteen para malamig pag ininom ko ng break.
Kapag magkasama kami, lagi nya kong inaakbayan. O kaya, pinapatong nya yung kamay nya sa ulo ko which turns me on. Mas gusto ko yung ganun kaysa sa holding hands.
Madalas pa na sya yung naglalabas ng payong. Kahit kasi may bitbit akong payong hindi ko ginagamit kasi tinatamad ako. Kapag naman malapit ng mag time at wala pa 'ko sa school, pupunta sya sa bahay. Mahirap kasing makahanap ng jeep na masasakyan papunta sa school. Susunduin nya ko at ihahatid gamit ang bike nya.
Tapos, bukod sa sweet sobrang bait pa. Kaya paborito sya ng mga teacher, eh. Isang utos lang kasi, susunod agad. Minsan, sya na din yung nagkukusa.
Hindi sila mayaman, may kaya lang. Pero wala naman akong pake dun, eh. Hindi naman sukatan ang yaman para mahalin mo ang isang tao. Tanga lang yung mga ginagawang batayan yon.
Lima silang magkakapatid, sya ang panganay. Si Tita nalang din ang meron sa kanila dahil may ibang pamilya na si Tito. Hindi sapat ang kita ni Tita sa paglalabada kaya nagtatrabaho din si Tristan.
Sino ba naman kasi ang hindi mai-inlove sa gano'n di ba? Tapos araw araw mo pang kasama. Alam mo pa lahat ng tungkol sa kanya. Kung ituring ka pa, parang prinsesa.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...