Ayokong ayoko talagang pumapasok. Nakakabugnot kasi mga estudyante dito. Para bang ngayon lang sila nakakita ng babaeng naglalakad sa hallway.
Kung makatingin sakin, parang mga asong bahag ang buntot pero at the same time andun yung admiration. Then I remembered, ako nga pala si Kim Anderson.
Matunog ang pangalan ko sa school. Hindi naman magiging matunog ang pangalan ko sa school at hindi naman ganito ang trato sakin kung wala akong ginawa, diba? Pero kahit na anong pilit kong alalahanin kung may ginawa ba 'ko noon na dahilan kung bakit kinatatakutan at ilag sakin ang mga estudyante--- wala talagang pumapasok sa isip ko.
Sabi ni Ella sakin, dahil daw sa mga mata ko. Nadinig nya daw na pinag uusapan ako nung ibang Sophomore at iyun daw ang dahilan. May kakaiba daw sa tingin ko.
Si Ken naman, nadinig nya sa Junior year na yung aura ko daw ang dahilan. Yung aura ko daw ay parang sinisigaw na 'back off, bitches!' o kaya, 'dude, you can't beat me.'
Ewan ko sa kanila. Wala namang dapat katakutan sa 'kin. Normal na estudyante lang din naman ako tulad nila. But why do they have to make a big fuss about my eyes and aura? Sila lang ang umiisip ng mga bagay na dapat nilang katakutan.
Habang papalapit ako sa room, palakas ng palakas ang ingay na nadidinig ko. For sure, fangirls na naman yun ni Kiel at Ken. Tsk.
The noise subsided, malamang ay dahil sa nakita na naman nila ako. Napagsabihan ko na kasi sila no'n na wag na wag akong makakarinig ng tili kapag nasa paligid ako. For Pete's sake, nasa school kami at wala sa concert so I don't see the need of giggling nor shouting.
Napadako ang tingin sa 'kin ni Kiel, isa sa mga kaybigan ko. Ate ang tawag nya sakin, and I call him Bunso. We're not blood related, pero ganun kung ituring namin ang isa't isa.
"Ate!" tumakbo sya palapit sakin at niyakap ako nang mahigpit. "Sabi ko na't dumating kana, tumahimik sila bigla eh." Natatawa nyang sabi.
"The Heartless Princess is here na pala." Pigil tawang sabi ni Ella.
Isa pang nakakabugnot yan. Iisip na lang sila ng ibabansag sakin, 'Ice Princess' pa talaga? Napaka jeje ng walangya, eh.
"May sinasabi ka?"
Narinig ko ang mangilan ngilang pagsinghap sa paligid.
Nasundan ito ng mga bulong bulungan.
"Omygosh, nagalit ata sya sa sinabi ni Ella."
"Oo nga, hindi nya dapat ginagalit si Kim kahit magkaybigan sila. Nako."
"Kung ako kay Ella, tumatakbo na ko palayo."
Ang OA talaga ng mga to. Nagtanong lang ako akala nila galit na ako. Seriously? Ugh.
Napansin ko naman na nagpipigil ng tawa ang mga kumag dahil sa nadinig din nila. Napailing na lang ako at dumirecho sa room. Nadinig ko pang sumigaw si Kiel ng "Later nalang, girls!" bago tuluyang pumasok.
Isang oras na ang lumipas, pero wala pa din si Tristan. Ang dakila kong best friend.
Minu-minuto kung icheck ko ang cellphone ko kung nagreply na ba sya sa text messages at chat ko, pero nadi-dissappoint ako sa tuwing nakikita ko na sila Ken lang ang nagrereply. Thru group chat kasi kami nag uusap. Hassle kasi kung magbubulungan kami dito. Masisita pa kami ni Sir Reyes. G na g pa man din to sa section namin. Paano, hakot award kami. Kada may competition, section namin ang nananalo. Kaya for sure, isang maling galaw namin, may maipipintas na samin yan.
Nag chat ako sa gc.
Me: Isa nga sainyo mag cr, tapos tawagan nyo na.
Kiel: Wala akong load, Ate.
BINABASA MO ANG
The Girl He Never Noticed
Short Story"Star light. Star bright. Will you grant my wish tonight? Star light. Star bright. Please, bring back the time. Star light. Star bright. Let me do what is right. Star...