Chapter 3WALANG imik si Eloisa at hinihintay na magsalita ang kanyang mga magulang na na kay Calyx ang tingin. Nasa sala sila at ramdam niya ang tensyon sa kanilang apat. Maliban sa kanyang anak na tanging ang paglalaro lamang sa switch ang ginagawa.
Napakabigat ng tensyon sa kanilang apat at hindi niya alam kung sino ang unang puputol niyon kaya naman tumikhim siya. "I am sorry." Bumaling siya sa kanyang anak na nakaheadset. Hindi nito maririnig ang kanilang usapan.
"El," sambit ng kanyang ama. Iyon ang palayaw nito sa kanya. "Why didn't you tell us about him. Why did you run away?"
"Hindi ko rin alam." Maiiyak na aniya. "I only found out about him after two months."
"Why did you run away?" Muling tanong ng kanyang ama. "Bakit mo pinutol ang koneksyon mo sa amin? Just because of Cole you decided to cut us all of in your life? Did you even think just for second what we would feel about it?"
"I'm sorry." Hindi na niya napigilang umiyak. Lumapit siya sa kanyang mga magulang at hinawakan ang mga ito sa kamay. "Pa, Ma. Kung maibabalik ko lang ho ang nakaraan ay babaguhin ko ho ang naging desisyon ko. Pero hindi ho ako nagsisisi na binuhay ko si Calyx. Siya lang ang naging liwanag sa mundo ko ng mga panahong nahihirapan ako. When I found out about him, I cried. I was so scared. Wala kayo sa tabi ko, I was only twenty-one. Nagsisimula pa lang akong lumaban, pero—"
"Bakit hindi ka humingi ng tulong sa amin?" Putol sa kanya ng kanyang ina na hindi na rin napigilan na umiyak. Kaagad na tumayo si Rio upang buhahin si Calyx at inakyat ito sa itaas upang bigyan sila ng pribadong pag-uusap. "Hindi ba kami mahalaga sa'yo?"
"No, Ma." Giit niya. "I was wrong! I made a mistake. Mahalaga kayo sa akin. Sobra sobra, kaya natatakot sa magiging reaksyon niya kaya mas pinili kong magpakalayo. I was so broken that I didn't want to drag you in to it. I am sorry." Niyakap niya ang kanyang ina at nagpapasalamat naman siya sapagkat tinugunan naman nito ang kanyang yakap.
Naramdaman rin niya ang paghaplos ng Papa niya sa kanyang likuran.
"Don't do it again!"
"I won't."
"God, I missed you so much, anak."
"Na missed ko rin po kayo, Ma, Pa."
Sandali pa silang nagyakapan at nagkuwentuhan. Bago ibaba ni Rio ang kanyang anak. Dahil linggo ay walang kasambahay na umasikaso sa kanila. Kaya naman siya at ang kanyang ina na ang nagluto ng kanilang pananghalian, habang ang kuya at Papa niya ay kalaro na ang anak sa likuran ng kanilang bahay.
Mula sa bintana ay tanaw niya ang tatlo na masayang nagpapakain ng mga manok. Hindi niya napigilan ang mapangiti sa tagpong iyon. Masaya siya sapagkat natanggap ng kanyang mga magulang ang kanyang sitwasyon. Nakakabigla man ay kaagad siya ng mga itong pinatawad.
Pumayag rin ang kanyang mga magulang na huwag ng mag-iskandalo lalo na ngayon na nakaupo pala ang mga Saavedra sa posisyon. Ang ama ni Cole ay Mayor ng kanilang bayan at Congressman ng lungsod ang Lolo nito.
Ayaw ng kanyang ama na maging tampulan sila ng balita lalo na at mausbong ang kanilang plantasyon. Bagama't malaki ang kita ng kanyang mga magulang ay hindi naisipan ng mga ito na palakihin ang kanilang bahay. Kung ano ang kanyang naiwanan noon ay siya rin ang kanyang naabutan. Ang tanging nadagdag lamang ay mga lupa, pananim at mga hayop upang mas palaguin ang kanilang negosyo.
Napag-alaman niya na may poultry, piggery farm at fishpond rin ang kanyang kuya sa nabili nitong lupa kung saan nagsu-supply ito ng mga manok, baboy at itlog sa mga regular customer. Bagama't hindi na magkaibigan ang pamilya nila at ni Cole ay suki parin nila ang mga ito.
YOU ARE READING
A Trace of You
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...