Chapter 6NANG matanaw niya ang kinaroroonan nina Cole at Lauren na ngayon ay kausap na ang iba nilang mga kaibigan. Ayaw sana niyang makipagkamustahan muna sa mga ito, ngunit dahil gusto na niyang umupo ay mas pinili niyang lapitan ang mga ito.
Ngumiti siya at niyakap si Lauren. "Hey."
"Oh my God, El!" Tinugunan ni Lauren ang yakap niya at napalunok siya nang maramdaman niya ang tiyan nito.
Naging pilit ang kanyang pagtawa saka niya hinaplos ang tiyan ni Lauren. "How far are you?"
"Only 6 weeks to go!" Hinila siya ni Lauren palayo sa mga kaibigan nila na mukhang nabigla na makita siya. Sumunod naman si Cole.
"That's great!" Bumaling siya kay Cole nang abutan siya nito ng champagne na kaagad niyang tinanggihan. "Oh no, thank you. I already had one." She only took a sip though. "I don't want to go home drunk." And she doesn't want to do something that will ruin her friendship with them. She knew how she was when drunk.
"Why not stay? I'll book a room for you." Bumaba ang kanyang mga mata sa palad ni Cole na nasa bewang ni Lauren. "Na miss kitang kainuman.
Eloisa looked him in the eyes. Gusto niyang makita kung ano ang nasa isip nito. Dahil kilala na niya si Cole ay alam niya ang mga ekpresyon na ipinapakita nito sa bawat emosyon na nararamdaman.
Nakapagtataka na hindi manlang niya makitaan ng konsensya sa mukha nito sa nangyari sa kanila siyam na taon na ang nakararaan. Gusto niyang ipaalala rito ang gabi na kanilang pinagsalihan, ngunit wala siyang mabasa sa mga mata nito, maliban sa saya na siya ay makita.
Hindi niya maiwasang masaktan sa pagbabaliwala ni Cole sa nangyari sa kanilang dalawa. Kahit pa sabihin niyang pinagsisihan nito ang nangyari sa kanila ay hindi tama na umasta ito na parang walang nangyari sa kanila.
"Eloisa, sige na." Sambit ni Lauren. "Gusto ka rin namang kamustahin sa nakalipas na taon. What happened to you? Like, girl, you just dissappeared. Cut all the contacts and the social media. Did something happened that night?" Mga tanong ni Lauren na hindi niya alam kung masasagot ba niya.
Muli niyang tiningnan si Cole upang malaman kung ano ang magiging reaksyon nito sa tanong ni Lauren, ngunit maging ito ay nagtatanong rin ang mga mata.
"We could talk about it over a drink." Suhestiyon nito na muling inaabot sa kanya ang champagne.
Marahas siyang umiling at ngumiti. "I can't. Kasama ko kasi si kuya and I was looking for him. Do you happen to know where Cheska's room is?"
Nagkatinginan ang dalawa na halatang hindi nagugustuhan kung ano ang gusto niyang ipahiwatig.
"Don't worry, alam ko kung ano ang nangyari sa kanila. I was just preventing it to happen. Ayaw ko ng gulo sa pamilya niyo at ng mga Delmundo."
"El, we are sorry." Sambit ni Lauren na pinisil ang kanyang mga kamay. Sinsero ang paghingi nito ng tawad sa kanya. "Everything just went wrong after you left and—"
"Wait, what?" Naguguluhang tanong niya. Walang sinabi sa kanya ang kanyang pamilya tungkol roon. Ayon sa kwento ng kanyang mga magulang ay limang taon ng hiwalay si Cheska at ang kuya niya.
Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang pagpigil ni Cole kay Lauren gamit ang kamay nito. Bahagyang hinila ni Cole si Lauren at tiningnan lamang ni Lauren ang kanyang kaibigan bago ito muling tumingin sa kanya. May pag-aalangan ito sa ekspresyon. "Hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo, pero kasi.."
Hindi na nito natapos pa ang sasabihin nang may kamay na humawak sa braso niya. Nang balingan niya ito ay nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang kuya. Ngunit ang mas ikinagulat niya ay ang suot nitong black long sleeve polo na tanggal ang butones. Ang buhok nito na nakapusod ay kung saan saan na nakaturo.
YOU ARE READING
A Trace of You
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...