Chapter 18

854 70 23
                                    


Chapter 18

PASIMPLENG nilingon ni Eloisa ang kotse upang masiguro na ang kanyang anak ay hindi kita sa labas. Her son is quite tall for his age.

"Where are your eyes glancing with, Eloisa?" Bumaling siya kay Callum na nasa kotse rin ang tingin. Napalunok siyang inayos ang kanyang pagtayo. Kinakabahan sa uri ng tingin ni Callum sa kotse. "Hiding something from me?"

Marahas siyang umiling at mas lalong bumilis ang tibok ng kanyang puso nang humakbang ito papasok sa loob ng kanilang bakuran. "Stay away, Callum." Bagama't kalmado ay naghuhurimando ang kanyang puso niya sa takot sa bawat hakbang na ginagawa nito.

"I've fucking done that, Eloisa." Nanginginig ang boses nito sa pagpipigil sa galit. Mapakla itong natawa. Bagama't banayad ay alam niyang naghihimutok na ito sa hindi niya malamang dahilan. He looks so mad for no reason. "I've kept my distance from you, giving you space. Kahit ang hirap gawin. But not today."

Narinig niya ang pagbukas ng kotse at parang kulog na tumibok ang kanyang puso at kasabay niyon ang panlalamig ng buo niyang katawan. Dahan dahan na dumako ang mga mata ni Callum sa gawi ng passenger seat at ganoon na lamang ang paglambot ng emosyon nito nang makita ang anak.

And just like that, Callum dropped on his knees. Staring at the young boy in front of him softly. His eyes turning red and watery with so many emotions. Anger, sorrow, regret, longing, joy and love. Hindi siya makapaniwala na napakarami ng emosyon na nababasa niya sa mga mata nito dahil lang sa nakita nito ang kanyang anak.

Now, she couldn't hide him anymore. It's probably because she kept him secret from them. Cole's son and the only grandson of the family.

Lumapit ang kanyang anak sa kanya ngunit ang mga mata nito ay na kay Callum rin. Nalilito at nagtatanong.
"Mom?"

"Calyx, go back inside the car." Hindi niya gustong malaman ng anak sa ganoong paraan. Kakausapin niya ito mamaya at aaminin ang lahat.

"Stay." Mahinang usal ni Callum na nangungusap ang tingin sa kanyang anak. Tumulo na rin ang luha nito. "I want to look at you more."

"Callum, please." Aniya. "Not right now. Hindi maganda ang nangyayari dito sa bahay at gusto ko lang ilayo ang anak ko panandalian."

"When?" Bumadha ang galit nito nang bumaling sa kanya, kasabay niyon ang mga luhang tumulo sa mga mata nito. Ang mga mata ay matalim at alam niyang para iyon sa kanya. "Kailan mo ako haharapin? Kapag nandoon ka sa Amerika?"

"What's wrong with you?!" Naguguluhan niyang tanong rito. "If you want to tell Cole about him, then go! Ilabas mo siya sa ama niya para nang sa gano'n masira ang relasyon nilang mag-asawa."

Mapakla itong natawa. Nasa ganoon silang sitwasyon nang lumabas si Rio at Cheska at dinig niya ang pagmura ng kuya niya. Dumako ang tingin ni Callum kay Rio at kung nakamamatay lang ang talim na tingin nito ay kanina pa walang buhay ang kuya niya.

Hatred is what she sees in his eyes. Muli nitong binalingan ang kanyang anak at ayon na naman ang paglambot ng emosyon nito. Napuno ng nakapabigat na tensyon sa pagitan nila sa mga sandaling iyon.

"Masaya ka na ba, Rio?" Tanong nito sa kapatid niya. "Nakaganti ka na sa akin. Are we even now? How can you fucking look at him without feeling guilty? How can you face him knowing that you are denying him a father?"

Kapag-kuwa'y tumayo ito at walang emosyon na tumingin sa kanya. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang pagkirot ng kanyang puso sa kakaibang emosyon na iyon ni Callum. Bagama't sanay na siya roon ay ibang iba ang nakikita niya sa mga mata nito.

"Hindi ka pwedeng umalis at kapag umalis ka, sisiguraduhin ko na kahit saan ka magtago ay mahahanap kita. You can't run away from me, not this time, Eloisa. Not now that we have a son."

A Trace of YouWhere stories live. Discover now