Chapter 9PUMASOK ang sasakyan ni Callum sa isang mataas at kulay itim na gate at bumungad sa kanya ang modernong estilo ng isang bahay sa loob ng isang subdivision. Simple lang iyon. Marahil ay tatlo lamang ang kwarto nito sa itaas, ngunit kumpara sa ibang mga bahay na katabi nito, ay malawak ang bakuran nito.
Huminto ang kotse sa garahe at bumaba si Callum na umikot sa passenger seat upang siya ay pagbuksan. Nang siya ay bumaba ay tumingin siya sa upuan at hihingi sana ng tawad kay Callum ngunit parang wala lang rito na nadumihan niya ang upuan nito.
"Let's head inside."
Pinagbuksan siya nito ng pinto at iminuwestra ang loob. Nauna siyang pumasok at inilibot ang mga mata sa loob ng bahay. Napakurap siya nang makitang walang gamit na naroon, bukod sa kaunting appliance ay walang laman ang bahay.
Nagtatanong na bumaling siya kay Callum na sa kanya ang tingin. "I want my future wife to be the one to do a makeover in this house. The way she wanted it."
Tumango siya. "Edi marami ng plano si Cheska sa bahay mo niyan." Sabi niya tutal naman ay si Cheska ang papakasalan nito.
Naging masama ang tingin nito sa kanya. "Can we not mention her right now?"
"Why not?" Namamanghang tanong niya. "Siya ang pamamangasawa mo, di'ba?"
Hindi niya pinansin ang pagbuntong hininga nito. Hindi na rin ito sumagot pa at sumunod siya rito sa itaas. Binuksan nito ang pinto kung saan tumambad sa kanya ang kama na siyang nag-iisang naroon. Walang kahit na ano.
"You can use this room. Sa baba lang ako."
"Clothes?" Tanong niya na iminuwestra ang kabuuhan.
Bumaba ang tingin nito sa basa niyang damit at may kung ano na gumuhit sa emosyon nito habang nakatitig sa kanyang dibdib na kaagad namang nawala kasabay ng pag-iwas nito ng tingin sa kanya. "Nandiyan sa loob ng pinto ang walk in closet. You can use whatever you want."
"Ok." Isinara niya ang pinto at ini-lock iyon upang masiguro na hindi ito makakapasok. Nagtungo siya sa walk-in closet upang kumuha ng maisusuot.
Wala siyang natipuhan roon bukod sa itim na T-shirt na may pangalang Saavedra sa likuran dahil parang iyon lamang ang luma sa mga damit na naroon. Dahil naka-bestida siya ay kailangan niya ng pang-ibaba ngunit maluluwang ang shorts ni Callum. Mabuti na lamang at mahaba ang damit kaya naman kahit hindi na siya pwedeng magsuot ng shorts ay ayos lamang.
Nababad siya sa sink dahil sa pintura sa kanyang kamay. Hindi niya lahat natanggal ngunit sapat na para hindi mangamoy ang kanyang kamay. Pagkatapos niyo ay nagtungo siya sa shower upang maligo. Ginamit rin niya ang sabon at shampoo ni Callum.
Nang siya ay matapos ay ginamit niya ang tuwalya ni Callum upang tuyuin ang katawan saka iyon ipinilipit sa kanyang buhok upang matuyo naman ang kanyang buhok. Tiningnan niya ang kabuuhan sa salamin upang masiguro na ang suot niyang t-shirt ay mahaba at hindi makikita ang hindi dapat makita sa kanya bago siya bumaba.
Naabutan niya si Callum sa kusina na abalang naghihiwa ng kung ano. Basa na ang buhok nito kaya malamang ay natapos na itong maligo. Nakasuot ng grey jogger at wala itong suot pang-itaas. Kaya naman lantad na lantad ang matipuno nitong katawan sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang tattoo nito sa tagiliran, kung saan may nakasulat na see you in my dream pababa.
"Like what you see?"
Napaigtad siya. "No!" Tikhim niya.
Nakangising humarap sa kanya si Callum. At hindi niya napigilang ibaba ang mga mata sa dibdib nito nang makita ang kaliwang dibdib nito na may tattoo na susi kung saan ang dulo niyon ay letrang E.
YOU ARE READING
A Trace of You
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...