Chapter 25
TAHIMIK na pinanood ni Callum ang kanyang mag-ina na mahimbing na natutulog sa kanyang kwarto sa mansyon. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan ng kanyang veranda habang sumisimsim ng kape.
Hindi niya makalimutan ang nangyari kagabi at labis siyang nababahala sa mararamdaman ni Eloisa. Natatakot siya na maging dahilan iyon ng mas lalong paglayo nito sa kanya.
He was trying to gain her heart little by little. With the help of his son, he sure was almost there. Their moment in her room that day says it all. Malapit na niyang makuha ang puso ni Eloisa. Kaunti na lamang. Ngunit dahil sa sakim niyang Lolo ay hindi niya alam kung saan magsisimulang muli.
Nagagalit siya sapagkat mas inuna nito ang pansariling kapakanan kaysa sa kanilang kaligayahan. Noon pa man ay ganoon na ang ugali ng kanyang Lolo. Noong sila ay mga bata pa, kahit na ayaw nila ay sinusunod nila ito. Ngunit iba ngayon na may anak na siya at kasama niya si Eloisa. Handa siyang itayo ang kahit na ano, maging ang relasyon niya sa Lolo maprotektahan lamang ang kanyang mag-ina.
Hindi naging maganda ang pasko ng kanyang mag-ina sa poder ng kanyang pamilya. Bagama't natanggap ng mga magulang niya ang balita na siya ay may anak kay Eloisa ang Lolo niya ay binastos at prinesyohan si Eloisa at hindi iyon katanggap tanggap sa kanya.
Napukaw siya nang marinig ang katok mula sa nakasarang pinto niya. Ibinaba niya ang tasa na hawak niya sa mesa saka tinungo ang pinto. Bumungad sa kanya ang kanyang ina na sinilip kaagad ang kwarto niya. Malapad ang ngiti nito nang makita ang kanyang mag-ina.
Napakurap siya nang hinila siya nito palabas ng kwarto. "Pupunta ako ng mall, alam mo ba kung ano ang gusto ni El at Calyx na mga regalo?"
"Mom, it's fine. I already bought Calyx his gifts."
"E magkaiba naman tayo. Huwag mo na akong pigilan. Apo ko si Calyx."
Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumango na lamang. Kilala niya ang kanyang ina at kapag desidido ito ay hindi ito magpapaawat.
"Ipinaghanda ko sila ng makakakain. Nandito pa ang Lolo mo kaya dito nalang sila sa kwarto kumain." Saad nito saka siya hinalikan sa pisngi. "Ipapanhik mo nalang kay Manang pag-gising nila."
"Thanks."
"Bye!"
Pinanood niya ang kanyang ina mula sa hallway, hanggang sa ito ay mawala sa kanyang paningin. Pagkatapos niyon ay bumaba siya upang puntahan ang kanilang kasambahay upang ipaalam ang pagkain ng kanyang mag-ina.
Nagsalubong ang kanyang kilay nang makita ang kanyang Lolo na katatapos lang mag-agahan. Habang ang nurse nito ay tinitingnan ang blood pressure ng matanda. Hindi niya pinansin ang Lolo at nagtuloy-tuloy lamang sa paglakad.
"Magandang umaga, Callum." Bati sa kanya ng pinakamatanda nilang kasambahay dahilan para makuha nito ang lahat ng atensyon ng iba.
Bakas sa mga ito ang kasiyahan para sa kanya, sa kaalaman na siya ay may anak na. Ngumiti siya sa mga ito. "Good morning, ladies! Ano ang menu natin ngayong umaga?"
"Nagpaluto ang Mommy mo ng kiddie meal para sa mga bata. Ano ba ang gusto ni Calyx?"
"Hindi siya mapili, lahat ay kinakain niya."
"E si Eloisa?"
"Light breakfast. No carbs." Sagot niya. "Kung ano ang kay Eloisa ay iyon na rin sa akin. Pero mamaya na ho niyo ihanda. Tulog pa po ang mag-ina ko."
Lahat sila ay bumaling sa marahas na pag-ingos ng kanyang Lolo. Dahil magkatabi lang ang kusina at dining room ay dinig ng kung sinuman ang kanilang usapan.
YOU ARE READING
A Trace of You
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...