Chapter 10

681 57 10
                                    

Chapter 10

NANG siya ay makauwi sa kanilang bahay ay dumeretso siya sa kanyang kwarto upang magpalit ng suot. Itinago niya sa kanyang cabinet ang t-shirt ni Callum at nahiga sa kanyang kama. Nakatingin siya sa kisame at iniisip ang nangyari kanina.

She felt bad for Callum and she hates herself for doing that to him. Thinking of someone else while making out with a man is the worst thing to experience ever. Pakiramdam niya ay ginamit niya ito para sa pansariling nais. Pero tao lang naman siya at nagpakatotoo sa kanyang nararamdaman.

"Ugh!" Sumipa siya sa hangin dahil sa inis na kanyang nararamdaman. Napasabunot pa siya sa kanyang buhok.

Nasa ganoong sitwasyon siya nang pumasok si Calyx at salubong ang mga kilay nito. Napakurap siya sapagkat bigla ay lumutang ang imahe ng salubong rin na kilay ni Callum sa kanyang isip.

"Hey, what's up?" Tanong niya. Siniguro niya na hindi nito makikita ang pagkabahala sa kanyang mukha.

"Mom, I want to go explore outside. But Lolo said I can't without your permission." Bumaling siya sa labas kung saan naroon ang kanyang Papa na hindi rin alam ang gagawin sa sitwasyon iyon.

Napabuntong hininga siya. "Because it's dangerous outside. You don't know anyone so.."

"There's kids outside, Mom. I want to play with them." Ngusong anito.

"What about your games in switch?"

Marahas itong umiling at ngumuso. "I want to hit a can, Mom. Looks fun hitting it."

Kunot noo siyang bumaling sa kanyang Papa na bumulong sa hangin ng 'tumbang preso' at siya naman ay namamanghang napatango.

"Aahh." Baling niya sa anak.

Noong siya ay bata pa lamang ay iyon rin ang kanilang madalas na laro ni Cole. Mapuno kasi sa kalsada nila at malimlim kaya maraming mga bata na gusto roong maglaro. Tumayo siya sa kanyang kama at lumabas. Sinundan naman siya ng kanyang anak at Papa.

Sa kalsada ay mga batang naglalaro ng tumbang preso at ang iba ay tinawag ang kanyang anak nang ito ay makita.

"Mom?"

"How can you talk to them if you don't understand tagalog?" Tanong niya at umaasa na maiintindihan nito ang ibig niyang sabihin.

"You can come with me." Hinila siya ng anak. Nag-aalangan man ay pumayag na lamang siya. Sinuotan niya ito ng facemask upang walang makakilala sa mukha ng kanyang anak.

Umupo siya sa ilalim ng puno at pinapanood ang kanyang at mga batang naglalaro. Nakakamangha na kahit hindi nito naintindihan ang sinasabi ng mga kalaro ay madali nitong nalaman ang mechanics ng laro at humahalakhak sa tuwing natutumba ang lata.

Nang ang kanyang anak ang maging taya ay hindi niya alam kung maaawa siya o matatawa sapagkat mas inuuna nitong ayusin at ilagay sa linya ang lata bago nito habulin ang mga batang tumatakbo.

Napangiti siya at pinagmamasdan ang nakakunot na noo ng anak at hindi niya alam kung bakit si Callum kaagad ang una niyang nakita sa ekspresyon ng anak. Kahit na ganoon rin ang mukha ni Cole kapag may hindi ito nagugustuhan ay ang ekspresyon niyon ang naglalayo sa hawig ng kanyang anak at ni Cole. Mukhang nakuha nito iyon sa Tito niya na palagi na lang nakakunot ang noo.

Napaingos siya nang muling bumalik sa kanyang isip ang nangyari kanina dahil lamang sa nakita niya ang pagkakahawig ni Callum sa anak. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lamang ang galit nito. O sadyang hindi nito nagustuhan ang pagbanggit  niya sa pangalan ni Cole sapagkat ito ay mag-aasawa na.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now