Chapter 8
NASA isang café siya sa bayan ng San Isidro at hinihintay ang pagdating ni Lauren. Nakaupo siya sa loob habang sumisimsim ng kanyang kape. Sinadya niyang hindi mag-agahan sa bahay upang sabayan si Lauren dahil alam niya magtatampo ito sa kanya. Ilang minuto lang ang lumipas nang pumasok ito.
Nakasuot ito ng puting maternity dress at kahit tumaba ito ay lutang na lutang parin ang ganda. Hindi naman kaila sa lahat na maganda ang kanyang kaibigan. Napaka-inosente nitong tingnan at busilak rin ang puso nito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit nagustuhan ito ni Cole.
Mabilis siyang tumayo sa kinauupuan upang hugutin ang bakanteng upuan para kay Lauren. Inalalayan rin niya ito dahil hirap na itong umupo. Nagpasalamat naman ito sa kanya. "You'll understand kapag ikaw naman ang nagbuntis."
Natigilan siya at pilit na ngumiti. Lauren has no idea she already has an eight years old boy. A son to her soon-to-be-husband. Hindi niya maiwasang makonsensya.
Tumingin ito sa kape niya at ngumuso. "Sabi ko ako ang manlilibre sayo. Dapat ay hindi ka muna nag-order."
Napailing siya at natawa. "You're still the same. Gusto mo ikaw palagi ang nanlilibre. I only ordered coffee, you can order the food."
Umingos ito. "Dahil ako ang nag-aaya. Siyempre, dapat ako ang manlibre."
Sabay silang natawa. Doon ay nagsimula ang kanilang kwentuhan tungkol sa kanilang mga naging buhay sa loob ng siyam na taon nilang walang komunikasyon. Tinanggal niya ang ibang detalye na mayroon ang kanyang anak at tanging ang sa kanya lamang ang kanyang ikinuwento.
Si Lauren ay pareho niyang nakapagtapos ng HRM, ngunit ngayon ay nagmamay-ari na ito ng beauty salon at massage parlour dito sa kanilang bayan. Simula nang magbuntis ito sa panganay na anak ay huminto na ito sa pagtatrabaho at nagbusiness na lamang sa tulong ng pamilya Saavedra.
Napag-alaman niya na siya ay ninang pala ni Coleen na panganay na anak ng dalawa at ang kuya ang siyang tumayo sa simbahan para sa kanya. Hindi rin itinago ni Lauren kung gaano nadismaya ang Lolo ni Cole nang ilabas nito ang panganay at pangalawa at lalo na ngayon na ang pinagbubuntis na naman niya ay babae.
Gusto raw talaga ng Lolo ni Cole na may magdala ng pangalan ng mga Saavedra at nasasaktan ito sa tuwing binabalewala ng Lolo ni Cole ang mga bata. Tuloy ay hindi niya maiwasang kabahan para sa kanyang anak. Tiyak na napakalaking pressure sa kanyang anak kung sakali man. Hindi niya nanaisin ang ganoong buhay kay Calyx at mas gugustuhin niya na maging isang normal na bata lang ito.
Or just like Calyx always said, 'I want to be a farmer, like Lolo!'. Mas gugustuhin niya ang simpleng buhay para sa anak.
It's true that Congressman Saavedra wants a Grandson. Kilala ito sa pagiging istrikto at pagpapahalaga sa pangalan ng Saavedra na ayon sa mga tao ay matagal ng namalagi sa kanilang lugar.
Hindi rin lingid sa lahat na hindi pabor ang matanda sa naging relasyon ni Cole kay Lauren ngunit dahil mahal ni Cole ang kaibigan ay ipinaglaban ng dalawa ang relasyon kaya marahil natagalan ang mga ito na magpakasal. Kailangan pa ng basbas ng matanda at sa kagustuhan nitong mauna si Callum.
Kinakabahan siya sapagkat hindi naman ka-lebel ng Saavedra ang kanilang yaman. Bagama't may farm sila at mga inaalagaang hayop ay hindi iyon sapat sa mga ito. Kaya baka ang anak lamang niya ang pag-interesan ng matanda at baka siya ay bayaran para sa kanyang pagdadala at pag-aalaga ng siyam na taon sa anak.
"Kaya ba nakipagkasundo ang Congressman sa mga Delmundo."
Tumango ito. "They are the richest after all. Ano pa ba?" Hindi maitago ang inis sa mukha ni Lauren. "I mean, Cheska is nice. I like her. Pero iyong nangyari two days ago ay hindi katanggap tanggap sa akin. I hope your brother is ok."
YOU ARE READING
A Trace of You
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...