Chapter 26NAKAUPO siya sa pang-isahang sofa habang sina Cole at Lauren ay nasa mahaba, magkahawak ang kamay at nag-aalangan kung sino ang mauuna. Maging siya ay hindi alam kung ano ang sasabihin sa mga ito. Naroon lamang siya upang sagutin ang mga katanungan ng mga ito o tanggapin ang galit na gustong ibato sa kanya ni Lauren.
Hindi na ito bumalik pa kagabi sa habag at tanging sila na lamang ang sumalubong sa pasko. Ang rason ni Cole ay dahil pagod ito at kailangan ng magpahinga pero alam niya na hindi iyon ang dahilan.
Bumuntong hininga siya nang wala sa dalawa ang gustong mauna. "I know the existence of Calyx shocked you both. Marami kayong gustong sabihin sa akin at masama ang loob niyo kung bakit nagawa kong itago si Calyx sa inyo. I had my reasons and if I told you about it, I don't think you would understand. Gusto ko lang protektahan ang anak ko."
"So, hanggang mo sana siya planong itago?" Seryosong tanong ni Cole. "Hindi ba at babalik ka ulit sa Amerika. Does that mean you're not planning to introduce him to us at all? El, hindi mo ba kami mga kaibigan? Akala ko ba hindi tayo maglilihim sa isa't isa?"
"I know. Wala akong balak na depensahan ang sarili ko. Handa akong tanggapin ang galit niyo dahil walang kapatawaran ang ginawa ko."
"Hindi kami galit." Nanlulumong sambit ni Lauren. "Hindi lang namin maintindihan kung bakit hindi mo sinabi sa amin. Kami na dapat ay tutulong sa'yo at aalalay. You know how sad we were last night. Knowing that you were alone out there. Ako nga kahit nakaalalay si Cole sa akin ay nahihirapan parin ako. Paano ka pa na itinaguyod siya na mag-isa."
Hindi niya maiwasang mapangiti sa pag-aalala ni Lauren. Masaya siya na mayroon siyang kaibigan na katulad nito. Tumayo siya at lumapit kay Lauren saka ito niyakap. Hindi na rin niya napigilan ang kanyang luha.
"Hindi ka ba nahirapan na palakihin si Calyx?" Tanong naman ni Lauren sa kanya. Hindi nito naitago awa sa emosyon nito. "It must be hard raising him alone."
"He's a good boy." Paniniguro niya.
Totoong mahirap maging isang Single Mother. Lalo na ang isang katulad niya na kaka-graduate pa lamang ng kolehiyo at sasabak pa lamang sa mundo. Kung tutuusin ay hindi pa niya alam alagaan ang kanyang sarili, kaya naman nabigla siya nang malaman na buntis siya.
Gayunpaman hindi niya naisip na ipalaglag ang kanyang anak dahil wala naman itong kasalanan sa pagkakamali niya. Hindi naging madali para sa kanya ang palakihin si Calyx dahil kailangan niyang kumayod para mabuhay sila.
Hindi naging madali ang dalawang taon sa kanya, salamat na lamang sa mag-anak na Pilipino na siyang umalalay sa kanila ni Calyx sa nakalipas na dalawang taon noon ay hindi siya gaanong nahirapan.
Speaking of. She should call them and greet them.
"I will bring his baby album sometimes. Para naman makita niyo kung gaano siya ka-cute no'ng bata siya." Buong pagmamalaking aniya.
"I like that you named him almost after Callum. Pero bakit hindi mo siya isinunod sa pangalan namin?" Kapagkuwa'y tanong ni Cole.
Natigilan siya saglit at nag-isip ng sasabihin rito. Paano nga ba siya magsisinungaling kay Cole gayong maging siya ay hindi rin alam na si Callum ang ama ni Calyx. "Long story."
"Anyway, past is past." Singit naman ni Lauren. "Of course, ikakasal nga naman sana si Callum dati kay Cheska. Kung ako rin naman ang nasa katayuan mo ay hindi rin ako magpapakita."
"You should've shown yourself." Hindi parin paawat si Cole. "Edi sana hindi na nahirapan pa sila. Hindi lang si Callum at Cheska, pati narin si Rio."
"You're right." Sambit na lamang niya. Pero sa kanyang isip ay hindi iyon ang dahilan kung bakit mas pinili niyang itago si Calyx.
YOU ARE READING
A Trace of You
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...