Chapter 28

765 56 12
                                    

A/N: Happy New Year!

Chapter 28

NAGING maayos ang kanilang pagsasama sa iisang bubong ni Callum. Hindi niya alam kung sa kanya ba umaayon ang lahat o kay Callum na panay ang pagpapakita nito ng pag-aalaga sa kanya. Simula nang matapos ang pasko at lumipas ang dalawang araw ay hindi pumalya si Callum na iparamdam sa kanya ang lambing.

Para siyang yelo na natutunaw sa mga yakap at halik ni Callum. Para siyang prinsesa kung ituring nito. Maging ang kanilang anak ay napupuna si Callum at minsan ay maging ito ay ginagaya ang ama.

Katulad ngayon, na siya ay kakagising lamang at bumungad sa kanyang umaga ang tray ng almusal na pinaghandaan ng mag-ama na may malapad na ngiti sa mga labi. It was just a simple bacon, egg and toast bread but her heart was beaming in so much happiness. Tumataba ang kanyang puso sa iisiping ang kanyang anak ay lalaking isang maginoo.

All thanks to Callum.

She took a bite from the bacon and hum in happiness. Napapalakpak ang kanyang anak at ipinagmamalaki nito na ito ang naglagay sa plato niya. Bumaling siya kay Callum na sumang-ayon naman sa anak.

"Thank you." Sambit niya sa dalawa. "Next time wake me up so that I could cook breakfast for you guys."

"Sure, Mom!" Mabilis na lumabas si Calyx sa kwarto upang balikan ang naiwan nitong paglalaro sa mga laruan at naiwan silang dalawa ni Callum.

Umupo ito sa kama at pinanood siyang kumain dahilan para mailang siya. "Quit staring at me."

"Why? You're beautiful."

Umirap siya, ngunit ang kanyang puso ay parang sasabog na. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya magkakaganoon sa mga salitang binibitiwan ni Callum, lalo na kung ang mga tingin nito sa kanya ay mas nakapagdadagdag ng pagpapakatotoo nito sa nararamdaman.

"Hanggang kailan ako matutulog mag-isa sa kwarto?" Tanong nito sa kanya. "Calyx is eight, he should get his own bedroom. Why don't you move in with me and let Calyx keep this room?"

"May isa ka pang kwarto, kung gusto mo doon nalang siya?" Hindi naman siya seryoso sa sinabi niya, gusto lamang niyang makita ang reaksyon ni Callum at hindi naman siya nabigo nang makita ang pagsimangot nito. Natawa siya sa hitsura ni Callum. "Bakit ba gusto mo akong lumipat sa kwarto mo? E hindi pa naman natin naaayos ang lahat? I mean, yes, we are okay, but we are not in a relationship. It's kinda weird, Callum."

"Then marry me." Sabi nito dahilan para mapaang siya. "Let's skip the dating thing. May anak na tayo and I want you and Calyx to have my surname. Let's make if official."

"Kakakasal lang ng kapatid mo. Masusukob tayo." Natatawang aniya pero si Callum ay hindi parin maalis ang seryosong ekpresyon. Hindi ito nagbibiro sa kanya at alam naman niya iyon. Pero dahil hindi mapakali ang kanyang puso sa sinabi nito ay kailangan niyang magpanggap na wala lang sa kanya ang binitiwan nitong mga salita.

"How about we tell them we are engaged?"

"Callum."

Dumukwang si Callum upang gawaran siya ng halik sa labi. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata at malalim na napabuntong hininga. Ramdam niya sa halik ni Callum ang desperasyon nito sa kanilang relasyon na hindi nila mapangalanan.

Though, she is sure about her feelings for him, she doesn't have the guts the tell him yet. Hindi niya alam kung paano sasabihin kay Callum na nagbago na ang kanyang nararamdaman para kay Cole at nabaling na iyon rito.

Bagama't alam niya ang magiging reaksyon nito ay gusto pa niyang makasiguro at ayaw niyang madaliin ang lahat. Isa pa ay iniisip pa niya ang kanilang visa ni Calyx na ilang linggo na lamang ay mawawalan na ng bisa.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now