Chapter 37

704 58 9
                                    

Chapter 37

"MOMMY!"

Masayang sinalubong ni Eloisa ang kanyang anak na kakalabas lamang sa classroom nito. Niyakap niya ang anak na mukhang na-miss siya ng sobra.

"Did you missed me that much?"

Pumupungay ang mga mata na tumango ito sa kanya. "I missed you a lot, Mom."

"Did you make any friends?"

Nakangusong umiling ito. "They couldn't understand me."

Bumaling siya kay Tanya nang makita niya ito mula sa gilid kanyang mga mata. Ito kasi ang guro ni Calyx. Tumango ito. "Pero madali siyang matuto. Nakikinig ng maayos sa klase at hindi nadidistract. You raised him well." Anito saka napabuntong hininga. "Kung lahat sana ng estudyante ko ay kagaya ni Calyx, edi hindi sana ako nahihirapan ng ganito."

"Ginusto mo 'yan." Biro niya sa kaibigan. "Thank you for keeping an eye of my son."

"Ano pa at naging magkaibigan tayo." Anito na kanya namang nginitian.

Nagpaalam na sila kay Tanya.

Napagdesisyunan nila ni Callum na ipasok si Calyx sa pampublikong paaralan upang mas matuto itong magtagalog at makibagay nang sa ganoon ay lumaki ito na hindi minamata ang mga tao.

Hindi naging madali ang desisyon na iyon, lalo na at si Calyx ang apo ng Mayor at nakikitang tagapagmana ng pamilya Saavedra. Bilang nag-iisang lalaki na siyang magtutuloy ng pangalan ng mga ito.

Magdadalawang buwan na ang nakalipas nang magpasya silang mamalagi na rito sa Pilipinas. At may anim na buwan siya upang ayusin ang kanilang permanent residency ni Calyx. Gayunpaman, ang kanyang anak ay kailangang manatili ng sampong taon sa Pilipinas upang makuha iyon.

Magdadalawang buwan na rin si Calyx sa paaralan at dahil nahuli ito kumpara sa mga kaklase. Mabuti na lamang at nakuha niya ang lahat ng mga dokumento ng anak sa paaralan nito sa Amerika kaya hindi siya nahirapan na ipasok ito.

Hawak niya ang anak patungo sa kotse na ibinili sa kanya ni Callum nang sa ganoon ay hindi siya mahirapan sa tuwing siya ay lalabas.

Speaking of Callum, he hasn't been home since their last date. Dahil sa nauudlot na hearing ng Lolo nito ay hindi ito makauwi dahil kinailangan nitong bantayan ang matanda sa ospital. Umuwi kasi si Cole dahil kailangan nitong bantayan si Lauren na malapit ng manganak.

Kaya naman kahit gusto ni Callum na umuwi ay hindi nito magawa dahil kailangan nitong bantayan at asikasuhin hindi lang ang matanda, pati narin ang mga nagsampa ng reklamo sa Lolo ni Callum.

Tanging sa cellphone na lamang sila nagkakausap ni Callum at doon ay ipinaliwanag sa kanya ni Callum ang lahat ng mga nangyayari at kung bakit nito kailangan iyong gawin. Bagama't hindi siya sang-ayon sa ginagawa nito lalo na at hindi ito alam ng pamilya Saavedra ay wala na siyang nagawa pa kundi ang hayaan na lamang si Callum sa ginagawa.

Nakikisimpatya siya sa mga babaeng biktima ng matanda ngunit ang kanyang inaalala ay ang magiging reaksyon ni Cole kapag nalaman nito ang palihim na ginagawa ni Callum. Natatakot siya na baka masira ang relasyon ng magkapatid dahil doon.

'It's going to fine'. Iyon ang palaging sinasabi ni Callum sa kanya sa tuwing sinasabi niya ay ang kanyang pag-aalala rito. Na maingat ito at sa tulong hindi lang ni Aidan, maging ang abogado nito ay matatapos rin ang lahat.

Pero paano nga ba matatapos kung ang Lolo mismo nito ay dinadahilan ang sakit sa puso at ang katandaan kaya palagi na nauudlot ang hearing. Hindi naman naitago sa kanya ni Callum ang inis sa matanda kapag inaatake ito pagpasok palang sa court room.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now