Chapter 12
HINDI siya kinibo ng kanyang kuya kinabukasan nang pumasok ito sa kanyang kwarto at tawagin ang kanyang anak na masigla namang sumama sa kapatid. Napabuntong hininga na lamang siya nang makalabas ang dalawa. Mula sa kanyang bintana ay sumulyap siya upang panoorin ang dalawa na sumakay sa ATV bike ng kanyang kuya. Dinig niya ang hiyaw ng kanyang anak nang humarurot ang sasakyan palabas.
Nalulungkot na bumaba si Eloisa at tumungo sa kusina kung nasaan ang kanyang ina at mga kasambahay nito ay abalang naghahanda ng pagkain.
"Kakain ka na ba?" Tanong ng kanyang ina na lumapit sa kanya upang halikan siya sa pisngi. "Goodafternoon."
Hindi niya nasagot ang kanyang ina sapagkat ang kanyang atensyon ay napukol sa basket na nasa lapag ng mesa. Sa loob niyon ay naroon ang isang malaking rice cooker at kaldero na amoy na niya ang bango ng sinigang. Tumingin siya sa orasan at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita na mag-aalas dose na pala.
"Ma, nasa bukid si Papa?"
Tumango ang ina saka nito nilagay ang mga baso at plato sa loob ng malaking basket. "Marami kasi siyang aanihin sa sagingan ngayon at nadagdagan rin ang mga trabahador niya kaya kailangan niyang manatili doon. Mamayang hapon rin ay aani siya sa palayan."
"Sino ho magdadala ng basket?" Namamanghang tanong niya. Sa sobrang laki kasi ng basket ay hindi ito makakaya ng kanyang Mama.
"Ayon nga, kaya ginamit ng kuya mo ang ATV ay para sana tayo ang magdala sa bukirin."
"Sige ho." Naisip niyang doon na rin kumain para makasama naman niya ang kanyang Papa.
Pinagtulungan nilang mag-ina ang pagsakay ng basket at water jog sa backseat. Pinauna niya ang kanyang ina sa loob ng sasakyan saka siya bumalik sa bahay upang kunin ang kanyang cellphone.
Tumungo siya sa gate upang buksan iyon para sila ay makalabas. Bagama't nasa likuran lang ang kanilang mango at banana farm ay nasa highway naman ang pinaka-entrata ng farm at naroon rin ang kubo kung saan alam niyang tumatambay ang kanyang Papa.
Nasa daan na sila at mapansin ang pamilyar na sasakyan. Nakita niya ang pagsulyap ni Callum mula sa loob ng sasakyan nito at nang malampasan niya ang SUV ay tumingin siya sa rearview mirror kung saan nakita niya ang pag-ikot ng sasakyan nito.
Salubong ang kilay na bumaling siya sa kanyang ina na abala naman sa hawak na cellphone. Marahil ay nagpadala ito ng mensahe sa kanyang Papa upang ipaalam na sila ay parating na.
Pinaharurot ni Eloisa ang pick up truck ng kanyang kuya patungo sa farm. Napamura siya nang makitang nakasara ang gate kaya naman huminto siya sa harap upang buksan iyon. Hindi niya binalingan ang kotse na huminto sa tabi ng pick up truck.
"Callum." Dinig niya ang hindi pagkatuwa sa tono ng kanyang ina at doon niya hinarap ang hindi inaasahang panauhin. Nakasuot ito ng itim na t-shirt na halos humapit sa kabuuhan ng katawan nito kaya naman ang hubog ng mga kalamnan nito ay kanyang napapansin.
Her brother told her to avoid Callum at all cost. Kung anuman ang dahilan nito ay hindi na mahalaga. Hindi talaga siya lalapit na rito lalo na ngayon na alam na nito ang kanyang lihim na nararamdaman para kay Cole.
"It's been awhile, Tita Jen."
Hindi umimik ang kanyang Mama na kunot noong lumipat ng tingin sa kanya. Nagtatanong ang mga mata nito sapagkat si Callum ay nakatitig rin sa kanya. Napalunok siya dahil animo'y para siyang daga na nahuli sa patibong at hindi alam kung paano kumawala.
"W-What are you doing here, Callum?" Tanong niya nang hindi maalis ang tingin ng Mama niya sa kanya.
"Hindi kasi kaya ni Lauren na bumyahe dito mag-isa." Anito saka iniabot sa kanya ang isang paper bag. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang damit niyang napinturahan. "Naiwan mo raw kaya nakiusap siya sa akin na ipadala sayo." Mas pinili nitong magsinungaling.
YOU ARE READING
A Trace of You
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...