Chapter 38
NANGINGINIG at hindi mapakali si Eloisa habang hinihintay ang resulta ng kanyang pregnancy test kit na ngayon na nakapatong lamang sa lababo. Ang kanyang dibdib ay napakalakas ng tibok at napakalalim rin ng kanyang paghinga. Kinakabahan siya sa magiging resulta.
Bagama't alam niya na magiging masaya si Callum sa balita na madagdagan ang kanilang munting pamilya, ay hindi niya alam kung iyon ba ang tamang panahon para magdalang tao.
Ang pamilya Saavedra ay nasa isang pagsubok na hindi alam kung malalampasan pa. At sa tingin niya ay hindi naaayon ang pagbubuntis niya sa mga nangyayari. Kaya naman hati ang nararamdaman niya sa sitwasyong iyon. Lalo na at wala si Callum sa tabi niya na siyang mas matutuwa sa balita.
Lumipas ang ilang sandali nang pikit mata niyang kunin ang PT. Nanginginig ang kanyang kamay at hindi niya alam kung imumulat ba niya ang mga mata upang tingnan ang resulta.
Napalunok siya ng dahan dahan niyang imulat ang mga mata at tingnan ang hawak na PT.
And there it was. The two line telling her she was indeed pregnant. Parang bomba na sumabok ang kanyang puso sa nakita at hindi niya maiwasang mapaluha. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya, ngunit alam niya na masaya siya.
Hindi siya makapaniwala na may anghel na nasa sinapupunan niya. Haplos niya ang kanyang tiyan at hindi parin siya humihinto sa pag-iyak. She was happy but scared at the same time.
"El, what's the result?"
Pukaw ng ina ni Callum sa labas ng nakasarang pinto. Kumakatok ito at alam niya na halo rin ang nararamdaman nito. Kaagad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at marahas na bumuga ng hininga. Nakatungo siyang lumabas ng pinto at sa doon ay naroon ang mag-asawa.
Mahigpit ang kuyom niya kung saan naroon ang PT at nag-aalangan na ipakita sa mga ito ang resulta.Humawak sa magkabilang braso niya ang ginang. "Is it positive?"
Tumango siya at hindi niya inaasahan ang pagtili nito at mahigpit na yakap sa kanya. "Oh my God! Oh my God! Carlos, may apo na naman tayo!"
Dinig niya ang mahinang pagtawa ng Mayor na lumapit sa kanya at niyakap rin siya. "Congratulations, hija. I'm sure Callum will be happy to find out he's going to be a Dad again."
"Pwede ho bang huwag muna nating sabihin?"
Natigilan ang mag-asawa sa kanyang tinuran. Ang malapad na ngiti ng ina ni Callum ay unti unting nawala at napalitan ng pagkalito. "Bakit hindi?"
"Ayaw ko lang ho siyang ma-distract kapag nalaman niya na buntis ako. Baka kasi iwanan niya ang Lolo niya doon at umuwi dito, ayoko ho na makagulo sa kanya."
Bumuntong hininga ang Mayor at tumango. "I understand. Sa atin muna ang balitang ito. Mahal, alam kong excited ka na ipaalam kay Callum ang pagbubuntis ni Eloisa. Let's just focus on Cole and Lauren's baby first, ok?"
Nalulungkot na tumango ang ginang at ilang segundo ay tipid na ngumiti sa kanya. "Nirerespeto ko ang desisyon mo, Eloisa. Pero sana ay huwag mong paghintayin ng matagal ang balitang ito para kay Callum. It will mean so much to him. He missed so much of Calyx life and he would be very happy to atleast experience that on his second child."
May kirot sa kanyang puso nang sabihin iyon ng ginang. At hindi niya maiwasang makonsensya na itago iyon kay Callum. Ngunit buo ang kanyang pasya na huwag munang sabihin kay Callum lalo na ngayon na abala ito sa pagbibigay ng hustisya sa mga biktima ng Lolo nito.
"Hindi ko naman ho itatago ng matagal, Ma. Ayaw ko lang na makagulo sa kanya ngayon."
"Ok. We'll keep it a secret."
YOU ARE READING
A Trace of You
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...