Chapter 13
TODAY is the day that her unrequited love will finally get married. Ang araw na kailangan niyang ngumiti upang maipakita sa dalawa na siya ay masaya para sa mga ito. Alam niyang matagal na niyang natanggap na hindi na siya mamahalin pa ni Cole, na ang gabing pinagsaluhan nila ay naibaon na nito sa kaibuturan ng alaala nito.
She is geniunely happy for them. She loves them both and will continue to support their love until the very end. Kahit na hindi na siya makikita ng mga ito, kahit na magiging alaala na lamang sa kanilang tatlo ang kanilang pinagsamahan ay babaunin niya iyon sa kanya hanggang siya ay bawian na ng buhay.
She looked at herself in the mirror one last time. Nakasuot siya ng satin old rose dress na siyang color scheme ng kasal ni Cole at Lauren. Spaghetti straps ang disenyo at nagpapasalamat siya dahil sa sobrang konserbatibo ng kanyang suot. Hindi lutang ang kanyang dibdib ang skirt ng na hapit sa kanya ay hanggang tuhod niya.
Lauren was the one who picked the dress for her. Tinawagan pa niya ito upang hilingin na huwag ng isuot iyon, ngunit ito ang gusto nitong isuot niya sapagkat imbitado raw si Johan sa kasal at gusto nito na maganda ang unang pagkikita nilang dalawa. Natawa na lamang siya at wala ng nagawa.
Inayos niya ang nakapusod na buong, siniguro na walang naiwan. Maayos rin ang kanyang simpleng light makeup at sinuot niya ang jewelry set na iniregalo sa kanya ni Cole noong 18th birthday niya. Simpleng itim na istileto rin ang ipinares niya sa kanyang kasuotan.
Napabuntong hininga siya saka humarap sa kanyang anak na hindi naalis ang tingin sa kanya. Nakanguso ito sapagkat gusto nitong sumama sa kanya. Kahit gustuhin man niya ay hindi pwede sapagkat marami ang makakaalam na ang kanyang anak ay isang Saavedra.
"What do you think?"
"Ugly!" Pinag-krus pa nito ang kamay.
Natawa siya. "Am I ugly?"
"Can I come?"
Umiling siya at nilapitan ang anak. "No baby, stay here and be a good boy, ok? After this, we will go to amusement park we called perya." Sabi niya. Dahil magpapasko ay isa sa nakagawian ng kanilang bayan ay ang Christmas Carnival kung saan pupunta ang mga tao upang magsaya.
"Can I go to labas and laro with the kids?"
Muli siyang natawa sa pagsubok na managalog ng kanyang anak. Tatlong araw na nitong kalaro ang mga bata sa labas at tinuturuan siya ng mga ito na magtagalog at kahit papaano ay sumusubok naman ito na matuto.
Tumango siya at hinaplos ang ulo nito. "Yes, but wear your facemask, ok?"
"Why do I have to wear it, Mommy? It's not like the air is polluted. I like the smell of the air, because it's fresh."
"I know. I just want you to be safe."
Hindi na nagreklamo pa ang kanyang anak at mabilis na lumabas. Ilang minuto ay bumaba na rin. Sinalubong siya ni Rio na siyang driver niya papunta roon. Kahit kasi inimbitahan ito ng dalawa ay ayaw nitong makisalo lalo na at naroon si Cheska at Callum.
Speaking of Callum, it's been two days since that day. Since he left with a cryptic message she couldn't understand. Kahit anong gawin niya ay hindi niya maintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin.
Kailanman ay hindi sila nagkasama at ito pa nga ang umiiwas sa kanya. Kaya hindi niya alam kung bakit nasabi nito ang ganoon sa kanya. Kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nito at sinabi sa kanya na matagal na nitong natawid ang linya sa pagitan nila. Ang kanyang Mama naman ay panay ang pilit na huwag ng alalahanin pa ang sinabi nito at baka dahil lang sa galit parin ito sa kanyang kuya kaya siya ang pinagdidiskitahan.
YOU ARE READING
A Trace of You
Narrativa generaleAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...