Chapter 40NANGINGINIG at kuyom ni Callum ang kanyang kamao habang tinatahak ang daan patungo sa kinaroroonan ng kanyang Lolo. Mula sa labas ng private room nito ay may nakabantay na dalawang lalaki at alam niya na alipores ang mga ito ng matanda.
Madilim ang kanyang paningin at mayroon lamang siyang isang misyon sa mga sandaling iyon. Pagod na siya na magpanggap na kakampi nito, hindi na niya kaya pang umupo lamang sa isang tabi at hindi kausapin ang matanda.
After what happened and what he just heard from the phone, he knew what to do. He is done with his Grandfather. Wala na siyang pakialam pa kung malaman nito na siya ang may pakana ng lahat kung bakit ito nasa ganoong posisyon.
He recorded everything that was going on. The conversation Eloisa and Ingrid had and the man who shot Cheska. Isa iyon sa ikinagagalit niya at kahit ayaw niyang ibaba ang tawag ay kinailangan niyang gawin upang tawagin si Rio na kaagad naman bumalik ng sabihin niya kung ano ang nangyari.
Tinawagan rin niya si Aidan na siyang naroon at alam niyang makakasunod sa kung saan papunta ang mga dumukot sa kanyang mag-ina. Mabuti na lamang at naglagay siya ng tracking app sa cellphone ni Eloisa kaya madali lang para sa kanya na malaman kung saan ang lokasyon nito.
Pagkatapos niyang komprontahin ang Lolo niya ay uuwi na siya. Hahayaan niya si Roxanne na asikasuhin ang lahat at wala na rin siyang magiging pakialam pa kung malaman ni Cole ang ginawa niya. Ang mahalaga sa kanya sa mga oras na iyon ay malaman na ligtas ang kanyang mag-ina.
Hindi naman siya pinigilan ng mga lalaki sa harap ng pinto ng Lolo niya nang siya ay huminto sa harap ng mga ito. Sinusubukan niyang kalmahin ang kanyang sarili dahil ayaw niyang pigilan siya ng mga ito. Sa likod niya ay naroon sina Keira at Eros na siyang umasta na bodyguard niya kung sakali man na siya ay magka-problema.
He doesn't know his Grandfather anymore, he doesn't know what he'll do to him after he confessed everything that he had done.
His blood was boiling inside him, his heart beat is faster than normal. He can feel the monster in him trying to get out. And once he gets inside this damn door, he will unless it. Wala na siyang pakialam pa.
Binuksan ng isang lalaki ang pinto. Ang katawan ng mga ito ay puno ng tattoo at talaga namang nakaka-intimidate ang hitsura, ngunit hindi niya alam kung bakit panatag siya kahit pa hindi naman ganoon kalaki ang katawan ng dalawa niyang kasama.
"Isa lang." Sambit nito nang magtangka si Eros na sumunod sa kanya.
Bago pa siya makapasok ay hinawakan ni Eros ang kanyang braso. "Don't do anything stupid, Callum. His still your Grandfather."
"I can't promise you anything, Eros. He harmed my family." Malamig ang kanyang boses at marahas na binawi ang kanyang braso.
Dahil malakas ang kanilang boses ay narinig iyon ng dalawang bodyguard at tinangka siyang harangin nang mga ito. Ngunit bago pa siya hawakan ng lalaking nasa kanan niya ay kaagad rin itong nawala sa kanyang paningin, kasabay ng malakas na pagbagsak nito sa sahig at ang malakas nitong daing.
Sumunod naman ang isa na kung hindi siya nagkakamali ay malakas na tumama ang katawan sa pader bago bumagsak. Hindi na niya nagawa pang balingan ang mga ito dahil ang kanyang matalim na paningin ay nasa Lolo niya na prenteng nakaupo at nagbabasa ng diyaryo.
"Can't you believe this, Callum?" Angil nito na ibinaba ang diyaryong hawak kung saan naroon ang mukha. "Kailangan mong gumawa ng paraan upang patahimikin ang mga columnist na ito?! Bakit sila nagsusulat ng kasinungalingan? Hindi ba nila alam kung sino ang binabangga nila?"
It was actually him who sent that information to one of friend in the tabloid industry. He paid hundreds just to make him release it. Hindi iyon isang kasinungalingan.
YOU ARE READING
A Trace of You
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...