Chapter 34

682 57 10
                                    


Chapter 34

GABI na nang magising si Eloisa dahil ginising siya ng kanyang kuya. Ang kanyang anak ay wala sa tabi niya at naririnig niya ito sa sala kung saan masaya itong nagku-kwento sa kung sinuman. Kunot noo siyang bumaling kay Rio na malalim na bumuntong hininga.

"It's Callum."

Mabilis siyang tumayo sa kama at lumabas kung saan naabutan niya ang mag-ama na naglalaro. Ang mga mata ni Callum ay kaagad na dumako sa kanya at para silang magnet na mabilis na lumapit sa isa't isa. Mahigpit nilang niyakap at dinadama ang pangungulila. Limang araw pa lamang silang hindi nagkikita ngunit parang ilang taon ang lumipas.

Marahil ay ganoon siguro kapag nagmamahal ang isang tao, kahit ilang segundo, minuto o oras ang hindi pagkikita ay animo'y matagal silang nawalay sa isa't isa.

Ang mga labi ni Callum ay nasa kanyang leeg at dama niya ang mga halik nito sa kanya roon. "I missed you so much."

"I missed you too." Aniya rito.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

Hindi siya sumagot. Alam niya na ang dahilan niya ay masyadong mababaw para hindi ipaalam kay Callum. Karapatan nito na malaman kung ano ang kanyang desisyon.

"Magiging maayos rin ang lahat, hindi mo kailangang umalis."

"I know."

Bumitaw sa kanya si Callum at hinanap ang kanyang mga mata. Puno ng kislap ng pangungusap ang mga mata nito. "Eloisa, I want you here with me. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung malayo kayo ni Calyx. I've waited for nine years, I can't do it anymore."

Hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi. "You won't. Nandito ako. Ikaw ang mahal ko at hindi ko hahayaan na  paghintayin ka ng gano'n katagal. Babalik ako sa Amerika para mapanatag lang ang loob ni Mama, pero lagi mong tatandaan na ikaw ang uuwian ko."

Marahas itong umiling. Hindi kumbinsido sa kanyang sinabi. Disedido ang emosyon nito. "I am going to be selfish, just this once. Hindi kakayanin ng puso ko, Eloisa. You and Calyx have to be here with me, where you belong."

Malalim siyang napabuntong hininga at tumango na lamang. Hindi niya alam kung paano niya makukumbinsi si Callum, ngunit naiintindihan niya ito. Maging siya ay nag-aalangan ring bumalik at mawalay kay Callum. Hindi nito alam kung gaano niya kagusto na manatili rin sa tabi nito.

"So?"

"I'll stay."

Sumilay ang malapad na ngiti sa bibig ni Callum at saka siya nito siniil ng mariing halik na buong puso naman niyang tinugunan. Hindi niya alam kung bakit pagdating kay Callum ay natutunay ang lahat ng mga desisyon niya.

"Get a room, you two!"

Napasinghap siya nang marinig ang boses ni Cole dahilan para putulin niya ang halikan nilang dalawa ni Callum. Inis na napaungol si Callum at sinamaan ng tingin ang kapatid nito na nasa pang-isahang sofa.

"Nandito ka pala?" Napapantastikohang aniya.

"Oo, kanina pa. Sa katunayan ay akala ko ako ang una mong makikita dahil kaharap lang ako ng kwartong nilabasan mo. Pero si Callum kaagad ang nakita mo." May bahid ng selos ang tinig nito, marahil ay dahil bilang kaibigan niya sanay ito na palaging una niyang nakikita.

Kapansin pansin ang eyebags nito sa mga mata at animo'y kulang pa sa tulog. Ni hindi rin nito alintana ang mga nagtutubuang balbas sa panga nito. Marahil ay nai-stress ito sa nangyayari sa ex-Congressman. Bumaling siya kay Callum na kataka-takang normal ang hitsura, hindi niya nakitaan ng kahit na anong stress o pagod sa mukha nito.

A Trace of YouWhere stories live. Discover now