Chapter 32NATAHIMIK ang buong paligid at hindi makapaniwala sa sinabi ni Aidan. Ang Mayor ay binabasa ang papel na iniabot ni Aidan rito. Lumapit si Cole sa ama upang silipin kung ano ang nasa papel. Ang ibang mga kasama ni Aidan ay tinungo ang Congressman upang pusasan. Dinig nilang lahat ang pagwawala nito kaya hindi nagawang lumapit ng mga ito sa matanda.
Napansin niya ang pagtungo ng kanyang mga magulang sa kinaroroonan ni Calyx na kaagad ng mga itong inilayo sa gulo.
"That's not true." Ani Cole na matalim ang tingin kay Aidan. "My Grandfather is not the type to do these things."
"Patong patong na kaso ang isinampa ng mga tetistigo laban sa Congressman." Panimula ni Aidan.
"We have people that are willing to testify against you Congressman Saavedra. Women who survived your abuse, r*pe, women he paid to keep quiet. Photos of all the women and children he murdered to hide his secret affairs.""Lies!" Umalingawngaw ang boses ng matanda. "Kung sinuman ang iyang mga testigo niyo ay mga sinungaling! How can I get them pregnant when I am this old?"
"Actually sir, matagal ng case ito. This happened way back decades ago. When you were still the Mayor of San Isidro. Itong mga kasong ito ay naibasura dahil walang sapat na ebidensya, ngunit isang babae ang nakaligtas sa krimen." Imporma ni Aidan. "Bilang proteksyon sa katauhan ng anak niyo at apo, hindi ko sila papangalanan. But you've been secretly looking for them and ordered someone to kill them."
"This was the time when Mom was still alive." Walang emosyon ang boses ng Mayor na matalim ang tingin sa matanda. "You cheated on Mom?!" Nagtatagis ang bagang nito.
"Huwag kang maniwala sa mga iyan! Who did it? Is it one of my enemies?" Asik nito kay Aidan.
"Sir, wala hong kinalaman ang mga nakalaban mo sa politiko. Actually, they have the right to know about these, since dinaya mo rin ang balota."
"You." Nang-gagalaiti itong humarap sa kanya. "Ikaw ba? Is this the threat you were talking about? Ikaw ba ang naglabas ng kung anu-ano?"
Humarang si Callum upang protektahan siya sa matanda. "Don't blame her for all the things you did in the past. You cheated on Grandma, drove her to her death, killed innocent lives, stealing and whatnot! Ikaw ang naglaglag sa sarili mo kaya huwag mong ibaling kay Eloisa."
"Dahil sa kanya kaya nagkanda-sira sira ang lahat! Kung nakinig ka lang sana sa akin ed-"
"You want me to be like you?" Putol ni Callum sa Lolo bago sarkastikong natawa. "Kaya nga ako nagdesisyon na umaway sa politiko ay dahil ayaw kong maging katulad mo. Labas si Eloisa sa mga plano ko. Ikaw rin ang dahilan kung bakit hindi ko itinuloy ang kurso na gusto mo. It's not what I want and thank God I listened to my gut."
"How dare you desrespect me, Callum?!" Nagtatagis ang bagang na anito. Kaagad na lumapit ang nurse nito nang sandali itong nanigas at humawak sa dibdib.
"Just take him." Ani ng Mayor dahilan para sumunod ang mga ito. "I don't want to hear this anymore."
"You can't do this to me, Carlisle! I'm your father!" Sigaw ng matanda nang ito ay mapusasan.
"You have the right to remain silent, anything you do or say can or will be used against you in court of law" Saad ni Aidan. "You are given the right to have your attorney when being interogated. You understand the rights I just said to you?"
"Go to hell!" Singhal ng matanda sa kanya bago ito dalhin sa labas. Sumama ang nurse nito upang masiguro na hindi ito maaatake sa daan.
"I'm sorry, Mayor." Sambit ni Aidan bago bumaling kay Callum. "Pero sa mga oras na ito, hindi ko ho muna kaibigan ang anak niyo. This case is important to me since it's the case that my Father failed to solve before he died. I am sure, ito rin ang magiging sagot sa biglaan niyang pagkamatay."
YOU ARE READING
A Trace of You
General FictionAlam ni Eloisa na hindi matutuhugunan ang kanyang lihim na pagmamahal sa kanyang kaibigan. Kaya naman nang magkaroon siya ng pagkakataon ay ginamit niya iyon upang makasama ito kahit isang gabi lamang. Paglipas ng siyam na taon ay muling babalik sa...