Chapter 10
3rd Person's POV
"Nice inunahan pa tayo," react ni Phinea. Gusto na ni Fider ibaon ang sarili sa kinauupuan."Fider, may girlfriend ka na. Huwag mo ako iiwan!"
Niyakap ni Jasper si Fider at sinabing huwag siya iiwan ni Fider. Nasa kabilang side si Destiny ni Fider kaya tinulak niya ang ulo ng kapatid palayo sa lalaki.
"Jasper, i love you pero kapag inagaw mo sa amin si Fider itutusok ko itong tinidor sa kamay mo," ani ni Destiny at tinaas iyong tinidor. Pinulupot ni Lucky ang braso sa leeg ni Lucky siyempre hindi iyon iyong tipo na nasasakal na ang kapatid.
"Little bro maghanap ka ng sarili mong toy. Huwag mo kaming agawan," ani ni Lucky. Hinawakan ni Jasper si Fider sa baso at sinabing siya na lang pakasalan ni Fider. Hindi niya kaya mag-isa at wala si Fider.
Naibuga ni Dahlia ng iniinom. Tiningnan ni Paris ang kaisa-isa nilang anak na lalaki.
"Jasper, umamin ka nga. Bakla ka ba?" tanong ni Paris. Umapila si Paige.
"Kaisa-isa na lang natin na lalaki iyan! Huwag naman," ani ni Paige. Sumigaw si Jasper at sinabing joke lang iyon. Straight siya.
"Bibigyan ko pa kayo ng apo mga 12," ani ni Jasper. Nasamid si Jackson. Tinapik ni Lucky ang balikat ng kapatid na lalaki.
"Maganda iyan kapatid. Punuin mo ang mansion na ito ng bata at ipaalaga mo lahat kay dad," ani ni Lucky. Ngumiti si Jasper ng malapad.
"Wala sa mga anak mo ang alam ang word na family planning," ani ni Jackson. Tumawa si Dahlia at sinabing anak niya din ang mga ito.
"Haist, feeling ko ang tanda ko na," ani ni Paige habang hawak ang pisngi.
"Parang kahapon lang kapag nagdi-dinner tayo nagu-usap usap tayo about sa schedule natin for the next day. Sino ang maghahatid sa school ng mga bata, sino ang susundo at a-attend ng parents meeting ngayon nag-uusap na tayo about sa family planning at sa nais na future ng mga bata," ani ni Paige. Tumawa si Fider at sinabing hindi pa naman mukhang matatanda sina Paris na totoo naman.
Magaganda pa din ang mga ito at mukhang mga hindi tumatanda like mukhang kaedaran pa din nila ang mga ito. Tumawa si Jackson at sinabing magaganda pa din sina Paris.
"Ehem," ani ni Paris. Ngumiwi sina Phinea at sabay-sabay na napa-yuck. Nag-feeling teenager ang mga parents nila.
"May pasok tayo ngayon. How about celebrate tayo Fider! Treat ko. Inom tayo ng juice sa cafeteria at kumain ng ice cream," ani ni Jasper. Napatanong si Fider kung para saan iyong celebrate.
"Siyempre! Brother-in-law na kita kaya dapat i-celebrate natin iyon," ani ni Jasper. Natawa si Fider at sinabing sige.
"Wala kayong problema sa babae since mukhang one of the kind iyan si Fider. Malaking problema niyo iyang si Jasper. Wala kayong laban diyan," ani ni Desiree. Tumawa si Phoebe at sumang-ayon. Napa-pokerface si Lucky at Destiny.
Sa tingin ba ng mga kapatid nila hindi nila alam iyon. Hindi na sila napapansin ni Fider kapag nasa paligid si Jasper. Maya-maya bumuga ng hangin ang dalawa na kinatawa nina Paige. Narinig nila usapan ng mga anak nilang babae.
Si Jasper ang pinaka-rival nina Destiny at Lucky halata iyon. Ang masama wala silang magagawa. Iisang lalaki ang kapatid nila na si Jasper, spoild ito sa parents nila at siyempre iisa itong lalaki kamukha pa ng daddy nila sila maka-against sa mga gusto nito. Kahit sila ay gustong-gusto si Jasper. Posible silang magpatayan mga babae ngunit imposible nila masaktan physically ang kapatid nilang lalaki. Bukod sa weak ito may natural soft side sila pagdating sa kapatid na lalaki.
—
Ayon nga nag-celebrate sila ni Jasper at Fider sa cafeteria noong breaktime nila. Official brother-in-law na nga daw ni Jasper si Fider.Sinakyan na lang ni Fider kahit hindi niya alam kung anong reason bakit kailangan pa i-celebrate iyon. Himalang wala si Destiny at Lucky doon mukhang nakinig talaga ang mga ito noong sinabi ni Jasper na boy's bonding iyon walang girls.
"Bukas na pala alis natin. Kinakabahan ako kasi first time ko kasi malayo kina mommy. Isang buwan pa iyon at isama pa iyong sa competition," ani ni Jasper. Sinabi ni Fider na walang dapat ikabahala si Jasper.
"Sabi din naman nina mom na tuwing event ay pupunta sila para panoorin ka. Makikita mo sila at isa pa naniniwala ako na mananalo ka doon like kakaiba ang mga nagagawa mong painting," ani ni Fider. Hangang-hanga si Fider sa talent ni Jasper. Ngumuso si Jasper at sinabing kinakabahan pa din siya.
Matapos ng sila magkwentuhan ni Jasper sa cafeteria at kumain nagpaalam si Jasper na puputahan niya lang iyong mga miyembro din ng art club ng university nila. Tinawag kasi ng mga ito si Jasper. Napaalam na din si Fider. Maglalakad-lakad na lang muna siya dahil ang dami niyang kinain kanina. Ang daming binili ni Jasper.
Napakunot noo si Fider matapos mapansin na karamihan sa nga estudyante nadadaanan niya ay nakatingin sa kaniya. Napataas ng kilay si Fider.
Inayos ni Fider ang salamin at pilit na dinedma na lang ang tingin sa kaniya ng mga estudyante na nandoon. Naglalakad si Fider patungo sa school building kung nasaan ang classroom niya nang makatanggap siya ng text galing kay Destiny.
Nasa rooftop daw siya. Luminga-linga si Fider habang nakatingin sa itaas ng mga building. Napako ang tingin ni Fider sa faculty building. Nakita niya doon si Destiny na winawagayway ang phone niya.
Umikot si Fider at naglakad patungo sa faculty building. Naghintay si Destiny sa rooftop at nakatingin sa phone niya.
Nakapako ang tingin niya sa screen. Mukha iyon ni Fider ng walang salamin at naglalaro ng basketball. Dalawang litrato iyon iyong isa ay may salamin.
Hindi nagugustuhan ni Destiny ang nababasa niya sa official page ng university. Sumikat agad si Fider marami ng babae ang nagkakainteres sa lalaki.
"Anong mukha iyan Destiny? May problema ba?" tanong ni Fider. Sinara niya ang pinto ng rooftop at lumapit kay Destiny na nakasandal sa railing.
"Nakita mo na iyong naka-post sa school page natin?" tanong ni Destiny. Pinakita niya iyon kay Fider. Napataas ng kilay si Fider at sinabing hindi siya nagbubukas ng social media.
Mga litrato niya iyon. Naiinis si Destiny. Tumawa si Fider at tinanong kung nagseselos ito.
"Huwag mo na ulit tatanggalin iyang salamin mo," ani ni Destiny. Natawa si Fider at niyakap ang katawan ni Destiny.
"Hindi ako pwede mangako. Balak ko sumali sa varsity team after ng competition ni Jasper."
Magkapantay ang mukha nila ni Destiny at nakahawak si Fider sa railing. Nasa pagitan ng mga braso ni Fider si Destiny na napaismid.
"Anong kinagagalit mo hanggang tingin lang sila," ani ni Fider. Hinawakan ang dulo ng buhok ni Destiny. Napatigil si Destiny matapos halikan iyon ni Fider habang nakatingin sa kaniya.
"You hate it?" tanong ni Fider. Agad na sumagot ng no Destiny. Ngumisi si Fider at hinalikan si Destiny na agad naman sumagot. Humiwalay sandali si Fider. Magkadikit ang noo nila at nakita ni Fider na hinahabol ng tingin ni Destiny ang labi niya.
"Wala bang umaakyat dito?" tanong ni Fider na bahagyang hinahabol ang hininga. Sinabi ni Destiny na wala. Walang tao sa building dahil sa teacher's meeting.
![](https://img.wattpad.com/cover/357636680-288-k806460.jpg)
BINABASA MO ANG
The Twin Wants To Devour Me
General FictionBook 1- My 3 Wive's obsession Book 2- The Twin wants to devour me Book 3- Strange tides Book 4- Hopelessly, Devoted to you R-18! R-18! R-18. Read with your own risk! "Mommy! Nandiyan na ba si nanay Fe! Ilang days ko na siya nakikita!" May mga yaba...