Chapter 39
3rd Person's POV
Kumpirmado ni Fider na kaklase niya nga si Venice. Nakita niya si Jasper. Agad na may pumalibot at sumalubong kay Venice pagpasok nila ng classroom."Fider, sino ba ang babaeng iyan? Nagtse-cheat ka ba kay ate? Pagkapasok na pagkapasok 'nan dito ikaw agad ang hinanap. Tinanong kung pumasok ka," ani ni Jasper. Napangiwi si Fider at sinabing hindi.
"Childhood friend ko dati sa probinsya," sagot ni Fider. Masama ngayon ang timpla ng mukha ni Destiny at Lucky. Ayaw nila sa babaeng iyon.
Nilingon nila si Fider na parang wala lang na inaya na sila kumain. Umupo sila sa mga upuan na nandoon at nagsimula na kumain si Fider. Kita nilang gutom na gutom ito. Tinanong ni Jasper kung kamusta ang try out.
"Badtrip sa akin ang captain ng varsity team. Dinamay lahat ng rookies. 6 hours ang try out buti na lang dumating si coach dahil kung hindi baka hangganh ngayon hindi pa ako kumakain," ani ni Fider. Napa-what si Jasper.
Sunod-sunod ang pagsubo ni Fider. Ngumunguya nitong dinampot ang noteboom niya na nasa ilalim ng table at binuksan.
"May quiz tayo mamayang 3pm diba? Hassle hindi ako nakapag-review," ani ni Fider. Wala siyang matinong notes. Hindi siya nakagawa ng outline ng lesson nila kagabi.
Isang buwan siya hindi nakapasok. Maghahabol siya panigurado. Sinabi ni Jasper na may notes siya. Ginawa niya iyon kagabi at nakapag-review na siya.
"Here," ani ni Jasper. Agad na kinuha iyon ni Fider at nagpasalamat. Nakatingin si Venice kay Fider na kumakain at may hawak na notebook.
Hindi 'man lang siya nito tinitingnan. Kita nina Jasper na busy talaga si Fider. Ni hindi nito maalis ang tingin sa papel habang kumakain.
Sa isip ni Jasper alam niyang makakaya iyon ni Fider. Sabay-sabay na sila nina Destiny at Lucky na kumakain.
"Ang hassle. Bukas may program hindi ko pa nagagawa ang speech ko," ani ni Jasper. Sinabi ni Destiny na ang daming oras ni Jasper maglaro sa phone pero gumawa ng speech wala itong oras.
"Magkaibang bagay naman iyon at isa pa si Desiree may kasalanan. Lagi ako inaaaya," ani ni Jasper. Tumawa si Lucky at sinabing hayaan ni Destiny si Jasper na ipahiya ang sarili niya sa stage.
"Kapatid ko ba talaga kayo?"
"Venice! Ayos ka lang ba?" tanong ng mga kaklaseng lalaki ni Venice. Nahulog kasi ang hawak na lalagyan ng tubig ni Venice at bahagya siyang natapunan.
"Ayos lang ako. Nabasa lang ako ng kaunti," sagot ni Venice. Tiningnan ni Venice si Fider na patuloy pa din sa pagkain at pagre-review. Naiinis si Venice. Hindi 'man lang siya nito tiningnan.
Pilit na ngumiti lang si Venice matapos makitang pinunasan ng mga kaklase nilang lalaki ang paa niya para sa kaniya.
Nahulog iyong hawak ni Destiny na tinidor. Umisod ang upuan at yumuko. Kinuha niya ang tinidor. Tumama ang ulo no Destiny sa malambot na bagay— pag-angat niya ng tingin nakita niyang nakaharang iyong isang kamay ni i Fider sa table at doon siya nauntog.
"Gamitin mo iyong tinidor sa plato ko. Hindi ko naman ginagamit. Itabi mo na iyan," ani ni Fider. Binawi niya ang kamay niya at hinawakan niya ang kutsara.
Akala niya nasa reviewer ang atensyon ni Fider. Nagpatuloy ang lalaki sa pagbabasa. Napangiti na lang si Jasper dahil doon. Hindi inaalis ni Fider ang atensyon niya sa kambal kahit pa busy ito.
Sinabi ni Jasper na may scholarship din ang mga player. Hiwalay iyon sa scholarship ng university nila. Hindi kailangan ni Fider sobrang mag-effort sa academics.
"I have my own priorities at responsibilities. Hindi ko pwede pabayaan ang academics," ani ni Fider. Natawa si Jasper at sinabing huwag abusuhin ni Fider ang sarili niya.
Natawa si Fider at tumingin. Wala akong balak abusuhin sarili ko. Pinagpatuloy ni Fider ang pagkain habang nagre-review.
"Hatid ko na kayo," ani ni Fider. Nagpaalam na sina Destiny na babalik sa room nila. May mga projects din kasi sila kailangan gawin.
"Hindi na. Malapit lang room namin dito. Pahinga ka na lang diyan," ani ni Lucky. Sinabi ni Fider na ingat silang dalawa at susunduin sila after class.
Lumabas na sina Destiny ng classroom. Inayos ni Fider ang salamin at nagpatuloy sa pagre-review. Kasalukuyang may kausap naman si Jasper na mga kaklase nila.
"Fider? Totoo kasali ka sa varsity team?" tanong ni Venice. Umupo ito sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Fider. Napatingin si Jasper na kaharap ang mga kaklase niya na babae.
"Yeah, bakit?" tanong ni Fider at tumingjn. Sinabi ni Venice na uncle niya iyong coach at captain iyong pinsan niya. Sinabi niyang nakakatuwa lang.
"Balak ko din sumali sa cheerleading squad ng university na ito. Sa tingin mo matatanggap ako?" tanong ni Venice. Tiningnan ni Fider muli ang nire-review at sinabing maganda si Venice sure si Fider na matatanggap ang babae. Namula si Venice matapos marinig iyon. Hindi iyon nakita ni Fider dahil masyado na itong focus sa pagre-review miya. Nagpanggap na lang siyang nakikinig at interesado sa kwento ni Venice about sa carreer niya.
Dumating na ang professor nila kaya lahat nagbalik-balik na sa upuan. Ibinaba na din ni Fider ang hawak na notebook at nakinig sa lesson.
Lumipas ang mga araw. Nagsimula na din si Fider mag-practice kasama ang varsity team. After iyon ng class— 1-2 hours lang naman iyon then before mag-start ang class.
"Iba talaga kapag may mga chix na nanonood. Nakakawala ng pagod," ani ng isa sa mga official team ng varsity. Tinutukoy nila ang mga cheerleaders na nagpa-practice din sa gymn at sina Destiny na may hawak na camera at kimukuhanan sila ng litrato.
"Team focus! " sigaw ng captain. Kasalukuyang umiinom ng tubig si Fider habang nakaupo sa bench.
"Salvatore. Pakita mo nga sa mga ito ang tamang posisyon sa pagdepensa. I-demo niyo ni Roqas," ani ng coach. Napataas ng kilay ang kapitan. Sinabi ng coach na magkasing height lang naman ang kapitan at si Fider.
Tumayo na si Fider at ianyos nag wrist band niya. Tumungo na ulit ang lalaki sa gitna. Maraming miyembro ng cheering squad ang napatingin.
Nandoon si Venice at narinig niya na kalahati sa miyembro ng mga ito ay may gusto na kay Fider.
"Ikaw ang sa offence," ani ng kapitan. Ngumisi pa ito at sinabing imposible na makalusot sa kaniya si Fider.
"Demo lang naman ito diba?" tanong ni Fider. Nag-start siya magpatalbog ng bola. Umatake si Fider. Nagawa ng kapitan ng team na habulin si Fider at dumipensa.
Umatras si Fider at sinubukan mag-shoot ngunit agad iyon tinabig ng kapitan. Agad na nag-cheer ang mga kabarkada ng pinuno nila at nag-nice.
Kinuha ni Fider ang bola. Ngumisi ang kapitan at sinabing hindi sa kaniya makakalusot si Fider.
"Huwag kang masyadong magtiwala sa sarili mo. Demo lang iyon para sa mga rookies," ani ni Fider. Gumusot ang mukha ng kapitan at pinauulit nito ang sinabi kay Fider.
"Demo iyon para sa rookies. Gusto mo ba ng seryosong one on one?" tanong ni Fider. Dumilim ang mukha ng kapitan at hinablot ang uniform ni Fider.
"Hinahamon mo ba ako?" madilim ang anyong tanong ng kapitan kay Fider.
"Hindi. Nagtatanong lang naman ako. Kung gusto mo ng one on one."
BINABASA MO ANG
The Twin Wants To Devour Me
General FictionBook 1- My 3 Wive's obsession Book 2- The Twin wants to devour me Book 3- Strange tides Book 4- Hopelessly, Devoted to you R-18! R-18! R-18. Read with your own risk! "Mommy! Nandiyan na ba si nanay Fe! Ilang days ko na siya nakikita!" May mga yaba...