46

826 19 0
                                    

Chapter 46
3rd Person's POV
"Mom! Bakit ka pumayag na ibalik ni dad ang hayop na iyon dito!" sigaw ni Tyson. Nalaman ni Tyson na pinakuha ng dad niya sa mga tauhan nito si Fider at ikinulong sa kwarto.

"Watch your mouth Tyson. Kapatid mo pa din si Fider," ani ng ginang. Sumigaw ang lalaki at sinabi niya na hindi niya kapatid si Fider.

"Manahimik ka Tyson. Wala kang karapatan na sabihin iyan kay Fider. Siya ang tunay na Salvatore at kung ano 'man tinatamasa mo ngayon at meron ka ay dahil iyon kay Fider!"

Napatigil si Tyson matapos makita ang ama at narinig ito. Naiyukom ng lalaki ang kamao. Lagi na lang iyon ang naririnig niya sa ama niya.

Lagi na lang si Fider ang binabanggit nito. Lagi na lang sinasabi nito na magpasalamat sila kay Fider dahil ano? Pera ni Fider ang ginagamit nila.

Hanggang sa mga oras na iyon kabet pa din ang ina niya dahil sa pesteng dokumento at dahil sa pera. Puno ng galit ang inggit ang puso ni Tyson dahil doon.

Itinuturing pa din siya anak sa labas dahil sa existance ni Fider. Nanginginig ang kalamnan ni Tyson ngunit hindi ito nagsalita.

"Francis, nasa atin na si Fider. Ano ng balak mo?" tanong ng ginang. Sinabi ng lalaki na kakausapin niya si Fider. Kapag nagkasundo sila ni Fider tutungo silang lahat sa ibang bansa at magsisimula ulit.

Napamura si Tyson sa isip. Hindi niya ma-imagine ma-imagine ang buhay na kasama sa iisang bubong si Fider. Kumukulo ang dugo niya dito.

Kailangan lang naman nila si Fider dahil sa pera bakit kailangan pa nila ito isama kung saan. Ang dami ni Tyson gusto sabihin ngunit hindi siya makapagsalita. Takot siya sa ama niya.

Binubugbog sila ng ama kapag sumusuway sila ng kaniyang ina. Hindi ito marunong makinig at para silang mga alipin kung ituring nito. Iyon ba ang pamilya.


Napatigil si Fider noong pagbangon niya nasa hindi na siya kilalang silid. Napahawak si Fider sa ulo matapos kumirot iyon then naalala niya sina Lucky.

"Lucky!" sigaw ni Fider. Binaba ng lalaki ang paa sa kama then sakto bumukas ang pinto. Napatigil si Fider matapos makita ang ama. Sumama ang timpla ng mukha ni Fider.

"Kidnapping ba ito then kinuntsaba mo pa si Venice?" tanong ni Fider. Madilim ang mukha nito at nakapako ang tingin kay Venice na nasa likuran ng matanda.

Sinabi ni Venice na para iyon kay Fider. Iyon ang pamilya ni Fider.

"Kidnapping? Bakit ki-kidnapin ang sarili kong anak?" tanong ng matanda. Tumawa si Fider then inulit ang sinabi ng lalakii.

"Anak? Mali ka yata ng nadampot. Hindi mo ako anak. Wala akong ama," ani ni Fider na natatawa. Sinabi ng matanda na huwag na matigas ang ulo ni Fider.

"Fider, bumalik ka na. Ito ang bahay mo at kami ang pamilya mo. Hindi mo na kailangan magtrabaho kapag nandito ka na," ani ng matanda at humakbang palapit kay Fider.

"Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo talaga uuwi ako dito dahil lang sa pera?' tanong ni Fider. Tumayo si Fider at sinabing hinding-hindi na siya babalik doon.

"Fider! Nakakalimutan mong isa ka pa din Salvatore! Ako ang ama mo at sa ayaw at gusto mo mananatili ka dito! Sasama ka sa amin sa america," ani ng matanda. Nagulantang si Fider matapos marinig iyon.

"Hindi! Hindi ako sasama!"

Tumakbo si Fider palabas matapos banggain ang ama. Bumaba si Fider ng hagdan kahit pa wala siyang sapin sa paa.

Nakarating siya sa living room. Nagulat si Louie matapos makita doon si Fider na ngayon ay kinakaladkad ng mga tauhan ng tito niya.

"Ano ba sa sinabi ko ang hindi niyo maintindihan! Ayoko sumama!"

Nagwawala si Fider. Bumaba ang matanda at sinampal si Fider. Natahimik si Fider at napayuko habang hawak sa braso ng mga tauhan.

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi na lang si mama nagulat noong nakita ka niyang nagloloko. Wala kang kaluluwa at puso," ani ni Fider at puno ng galit na tiningnan ang ama.

"Nandidiri ako dahil naging ama kita. Sukang-suka ako sa sarili ko dahil iisa ang dugo na nanalaytay sa katawan natin dalawa. Naiintindihan mo papa! Wala kang kwentang ama! Napakahayop mo!" sigaw ni Fider. Naiyukom ng lalaki ang kamao at sinabing walang karapatan si Fider na husgahan siya.

"Galing sa mayaman na pamilya ang ina mo. Hindi mo alam kung gaano ako nanliliit kapag kasama ko dati ang ina mo. Iyong mga panghahamak sa akin ng buong angkan niya dahil sa hamak na magsasaka lang ako at walang pinag-aralan. Hindi mo alam iyon Fider— tapos noong pinanganak ka umalis siya at pumunta ng ibang lugar para saan? Para sa iyo. Hindi kami nagawang paghiwalayin ng magulang niya pero dahil sa iyo! Dahil sa iyo umalis ang mama mo at iniwan ako!"

"Masisisi mo ba ako kung maghanap ako ng iba ha? Fider!" sigaw ng matanda. Naiyukom ni Fider ang kamao at sinabing lahat iyon excuse lang.

"Kung mahal mo si mama susuportahan mo siya! Imbis gumawa ka ng mga kagaguhan nagtrabaho ka! Kung nakaipon ka at sumapat iyon hindi aalis si mama!"

"Hindi ka ba nandidiri sa mga sinasabi mo Salvatore?"

Napatigil si Fider matapos marinig ang pamilyar na boses. Lumingon siya at nakita niya si Jackson kasama sina Paris.

May kasama itong attorney at mga pulis. Tinanong ni Francis kung anong gingawa nito dito.

"Nagawa mong sabihin iyan at isisi lahat sa babaeng lahat sinakripisyo para sa iyo?" tanong ni Jackson. Sinabi ng lalaki na manahimik si Jackson dahil wala itong alam.

"Huwag kayong mangialam dito! Usapang pamilya na it at bakit kayo may kasamang mga pulis!" tanong ng matanda. Napairap si Paige at sinabing kidnapping ang ginawa ni Francis.

"Kidnapping! Anak ko si Fider!"

"Sinasabi mo iyan ngayon dahil kailangan mo si Fider. Pagdating ni Fider sa legal age hindi ba mapupunta sa kaniya ang ari-arian ng pamilya ni Fe na ngayon ay ginagamit niyong lahat?" tanong ni Jackson. Napatigil ang lalaki.

"Pagnanakaw ang ginagawa niyo at may mga kasulatan kaming hawak at galing ito mismo kay Fe. Sinabi ko na Salvatore. Huwag na huwag niyo gagalawin si Fider. Binalaan ko na kayo last time pero mga hindi kayo nakinig," ani ni Jackson. Nagulat ang matanda matapos sila posasan ng mga pulis.

"Anong dokumento! Anong ibig sabihin nito!" sigaw ni Francis. Nilapitan nina Paris si Fider.

"Patunay na lahat ito nakapangalan kay Fider. Patunay din na illegal niyong ginamit ang pangalan niya para huthutan ang matandang dati may ari ng mansion na ito which is ang ina ni Fe," ani ni Jackson. Parang binuhusan ng malamig na tubig ang matanda matapos marinig iyon.

"Alam ni Fe na pinuntahan kayo ng ina niya 4 days before ito mawala. Sinabi niyo na nagbakasyon lang si Fider sa workplace kung nasaan si Fe at dahil doon pinagkatiwala sa iyo ang buong mansion at pagmamay-ari ng pamilya ni Fe. Alam lahat iyon ni Fe ngunit hinayaan niya kayo at ikaw," ani ni Jackson at ngumisi. Sinabi ni Jackson na nakatagpo si Fe ng asawa na basura.

The Twin Wants To Devour Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon