19

1.2K 12 0
                                    

Chapter 19
3rd Person's POV
Nagising si Fider sa kalaliman ng gabi. Nasa pagitan siya ni Lucky at Destiny na parehong mahimbing ang tulog. Dahan-dahan bumangon si Fider at sinapo ang noo.

Simula ng makatapak siya sa mansion ng mga Ortega nawala na din ang mga bangungot niya. Naalala niya kasing lagi siyang pagod 'non dahil sa pagtulong sa mama niya at pakikipaglaro kay Jasper.

Ngunit last 7 days after 'noong unexpected na pagkikita nila ng ama bumalik ang mga panaginip niya. Parang ayaw niya na lang ulit matulog. Isinubsob ni Fider ang noo sa tuhod.

"Nanaginip ka na naman ba ng masama?"

Napatigil si Fider. Bahagya itong tumingin sa side ni Lucky na nasa kaliwa niya at nakahawak sa isang kamay niya.

"Nagising ba kita? Pasensya na," ani ni Fider. Nagising din si Destiny at tinulak ang sarili para bumangon. Pare-pareho silang walang saplot.

"Ayaw na jo magtanong dahil baka ayaw mo ikwento ngunit kung ganito ng ganito tuwing gabi hindi ko na maiwasan mag-alala," ani ni Destiny. Bumangon na din si Lucky at tiningnan si Fider.

"Anong problema?" tanong ni Lucky. Umiwas ng tingin si Fider.

"May hindi lang magagandang memories na bumabalik sa isip ko about sa family ko," ani ni Fider. Kinusot ni Lucky ang mata at yumakap sa braso ni Fider.

"Ikwento mo sa amin. Makikinig kami," ani ni Lucky. Tumingin si Fider kay Destiny. Malambot ang expression na tiningnan siya ni Destiny.

"Makikinig kami. Ikwento no lahat," ani ni Destiny. Humiga ang babae sa isang hita ni Fider. Binaba ni Fider ang isang paa.

"Hindi na ako nakatulog dahil nakita ko si dad. Hindi maalis sa isipan ko iyong mga kababuyan nila ng auntie ko habang wala si mama at kung paano nila pinakilalang pinsan ko si Tyson," ani ni Fider. Napatigil sina Destiny at Lucky.

Flashback
Kinailangan ng ina ni Finder na umalis ng probinsya para maghanap ng trabaho at iwan doon si Finder na 8 months old pa lang. Hindi nakapag-aral ang ama ni Finder, may palayan din sila na need alagaan kaya kailangan ng ina ni Finder na tumungo sa siyudad para magtrabaho.

Sa loob ng limang buwan isang beses lang umuuwi ang ina ni Finder. Noong time na iyon ay naghanap ang ama ni Finder ng kalinga sa first cousin nito. Ito ang ina ni Tyson na umuwi ng probinsya para magbakasyon lang.

Hindi sinasaktan si Finder ng ama kasi wala naman nga itong pakialam sa kaniya. Lagi itong wala sa bahay— iniiwan ito sa duyan uuwi para pakainin siya, palitan ng damit at linisan.

Sa ganoon pagkainga lumaki si Fider. Umuuwi pa din naman that time ang ina ni Fider ngunit lagi silang nag-aaway ng ama ni Fider.

Ayaw na ng ama ni Fider pabalikin doon ang ginang ngunit hundi pumayag ang ginang. Kailangan niya magtrabaho para sa future ni Fider.

"Ano ba Francis! Hindi ko hahayaan lumaki lang sa bundok ang anak natin! Kailangan natin mag-ipon para makapag-aral siya sa magandang school! Kung ikaw walang pangarap para sa anak natin ako meron. Ayoko matulad siya sa atin!"

Ayan ang mga katagang iniwan ng ina ni Finder bago muli ito umalis at bumalik sa siyudad. Nakaupo lang naman sa sahig ang batang si Finder na nasa 6 years old na at napapalibutan ng mga laruan.

Sinipa ng lalaki ang upuan at muli ay umalis ito. Naiwan sa loob si Finder at nakatingin sa pinto. Hindi iyon naiintindihan ni Finder o tamang sabihin na sanay na siya at parang normal na lang iyon.

Napag-aral nga siya ng ina sa magandang school sa probinsya. Likas na matalino si Fider kaya naman tuwang-tuwa ang ina ni Fider kapag uuwi at nakikita nito ang mga medals niya.

"Anong dapat mong ikatuwa diyan? Bakal lang iyan at isa pa hindi ni Fider kailangan ng mga iyan sa sakahan," ani ng ama ni Fider. Nagalit ang ina ni Finder at sinabing hindi mangyayari iyon.

Umubo ang ina ni Finder. Agad na lumapit si Finder sa ina.

"Mama," ani ni Finder na nasa walong taong gulang pa lang. Hawak ng bata ang kamay ng ina. Lumuhod ang ginang at sinabing huwag sila pansinin.

"Pagbutihan mo ang pag-aaral mo okay? Proud sa iyo si mama," ani ng babae at niyakap ang anak. Napairap na lang ang ama ni Finder. Nakatingin lang si Finder sa ama.

Isang araw before umalis ang ina ni Finder narinig niyang galit na galit ang ama niya. Sinabi nito na kaya hindi ito makaalis sa mga Ortega ay dahil may lalaki ito doon.

Nakabukas ng kaunti ang kwarto at nakatayo doon si Finder. Balak niya kasi muna magpaalam sa ina bago umalis tapos nakita niya muling nag-aaway ang mga ito.

Nagulat si Finder matapos halikan ng ama niya ang ina. Punitin ang damit nito. Itinulak nito sa kama ang ina at hinubad ng ama niya ang damit.

"Huwag kang maingay kung ayaw mo magising si Finder," ani ng ama. Galit na galit ang ina. Tahimik ang ina ni Finder ngunit nagpupumiglas ito.

Hindi nakagalaw si Finder doon narinig ni Finder ang sinabi ng ama niya. Anong masama kung gawin niya iyon— mag-asawa silang dalawa.

Napatanong si Finder sa sarili kung bakit madalas niya nakikita na ginagawa din iyon ng ama niya sa tita niya na ina ni Tyson.

Bata pa 'non si Fider kaya hindi niya gaanong naiintindihan. Noong pumasok siya sa school kinabukasan tinanong niya ang teacher niya about doon.

Ginagawa iyon ng dalawang tao na nagmamahalan talaga. Tinanong ni Finder ang about sa daddy, cousin at mama niya. Tinanong ng teacher kung alam iyon ng mama niya. Umiling si Fider.

Hindi na sinagot iyon ng teacher sinabi kay Fider ang mga ganoon na bagay ay sa adult na lang.

Pinatawag ang ama ni Fider sa school. Kinausap ito ng teacher at pag-uwi nito galing sa school galit na galit ang ama ni Fider. Nasampal ito ng ama at napalo.

"Anong pinagsasabi mo sa teacher na iyon huh!" tanong ng ama ni Fider. Sinabi ni Fider ang totoo at tinanong king bakit ginagawa iyon ng papa niya.

"Hindi alam iyan ni mama at mako-consider na cheat iyan papa. Masasaktan ang mama ko," ani ni Fider. Nagdidilim ang mukha ng ama ni Fider at hinila ang bata.

Nakita ni Fider ang tita Sophia niya na may pagtatakha sa expression. Tinanong kung bakit umiiyak si Fider.

Hinawakan ng ama ni Fider ang babae at pinasok sila sa isang kwarto. Ni-locked iyon ng ama ni Fider.

"Papa," ani ni Fider. Nilalaro ni Fider ang mga daliri. Natatakot na siya dahil sa tingin sa kaniya ng ama.

"Wala kang ibang pagsasabihan Fider kahit ang ina mo. Kahit anong makita mo wala kang pagsasabihan naiintindihan mo ba? Kapag nagsumbong ka pareho ko kayong papatayin mag-ina."

The Twin Wants To Devour Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon