29

863 15 0
                                    

Chapter 29
3rd Person's POV
Inutusan ni Jackson sina Paris na gamutin sina Destiny. Inaya ni Paris sina Destiny na ngayon ay nakatingin kay Fider na nakatayo at nasa harap si Jackson.

Dinala nina Paris sina Destiny sa loob ng cottage at tinanong kung anong nangyari. Sinabi nina Destiny ang nangyari sa restaurant.

"Kami may kasalanan dahil sinundan namin si Fider kahit malinaw na sinabi niya na huwag namin siya sundan," ani ni Destiny na kaharap si Paige at nilalagyan ng cream iyong pasa ni Destiny.

"Bata pa si Fider— kung ganoon ang nagiging reaksyon ni Fider kapag nakikita niya ang ama niya siguradong maraming masamang karanasan si Fider sa ama niya," ani ni Paige na nakaupo sa pang-isahan na sofa at nakahalumbaba.

"Alam namin. Sinabi sa amin lahat ni Fider kaya nga sinundan namin siya kasi nag-aalala kami," ani ni Lucky. Sinabi ni Destiny na hindi niya ini-expect na gagawin iyon ni Fider luluhod at sasabihin iyon sa ama niya.

"Hindi na dapat iyon sinabi ni Fider. Pwede naman namin iyon itago bakit—"

"Honest na tao si Fider, may respeto siya sa inyo at sobrang special kayo para sa kaniya. Kung kayo kaya niyo itago iyon para pagtakpan si Fider si Fider kayang lumuhod, humingi ng tawad at tanggapin ang panghuhusga para sa inyo," ani ni Paris. Napatingin si Destiny. Ngumiti si Paris at sinabing ganoon din si Jackson.

"Si dad?" ulit ni Lucky. Ngumiti si Dahlia at sinabing nakikita nila si Jackson kay Fider.

"Maaring kami ang naunang na-fall kay Jackson ngunit sa tingin mo sinong mas nagmamahal sa aming apat? Sinong kayang gawin ang lahat para sa amin?" tanong ni Dahlia. Lumambot ang expression nina Lucky.

Noong time na iyon doon nakumpirma nina Lucky na nasa tama silang lalaki.

"Kung ginawa sa inyo iyon ni Fider at nagkataon na hindi namin siya kilala at hindi siya lumuhod, nagmakaawa at sinabing iti-take niya ang ang responsibility niya sa inyong dalawa sa harap namin ni Jackson 100% sure ako wala ng second chance si Fider," ani ni Paige. Sinabi ni Paige na maaring maluwang si Jackson sa mga anak niya, spoil at hindi ito nangingialam sa pagdidisiplina sa mga anak ngunit si Jackson iyong tipong handa makipagpatayan para sa mga anak niya.

Hindi umimik sina Destiny. Nakita nila iyon kanina at iyon ang unang beses na nakita nila ang ganoon na expression ng ama. Matigas ang ulo nila, pasaway at aminadong walang ugali ngunit ni minsan hindi sila tiningnan ng ama ng ganoon para patigilin.

"Mommy, mabuting tao si Fider," ani ni Destiny. Ngumiti si Paris at sinabing alam niya.


"So? Ayon ang nangyari," ani ni Jackson. Sinabi ni Fider ang lahat pati iyong mga iniisip niya noong bigla niyang hinablot si Destiny. Nandoon din si Jasper at Adonis.

"Ayoko maging katulad ng dad ko na ginagawang parausan lang ang mga babae at binababoy. Tuwing iniisip ko mga ginawa niya nandidiri ako sa idea na nanalaytay sa katawan ko ang dugo niya," ani ni Fider habang nakaupo sa harap ng table kaharap si Jackson.

Sinabi din kasi ni Fider iyong mga experience niya noong bata siya at noong time before siya kuhanin ng ina niya.

Sinabunutan ni Fider ang sarili then sinabing noong mga ginawa niya iyon kina Destiny pakiramdam niya wala na siyang pagkakaiba sa tatay niya.

Sinubsob ni Fider ang sarili sa table at humingi ng tawad. Patuloy ito nagso-sorry habang umiiyak.

"Fider," ani ni Jasper na may mababang boses. Napatigil si Fider matapos may mabigat na kamay ang gumulo sa buhok niya. Inangat ni Fider ang tingin at nakita niyang si Jackson iyon.

"Ikaw ay ikaw Fider. If you want to be a good person. Gawin mo iyong sa tingin mo ay tama. Always choose the side that make yourself better."

"Choice mo kung papaapekto ka ngunit lagi mong tatandaan na past na iyo at nasa present ka. If you want to have a better future matuto kang mag move on at mag-give up. Bigyan ng chance ang sarili mo. Naiintindihan mo ako Fider?" ani ni Jackson. Sinabi ni Jackson na hindi na lang iyon about kay Fider.

"Nadiyan na sina Lucky at Destiny. Kahit gusto mo mapag-isa hindi na pwede— kahit saan anggulo at kahit anong sitwasyon mo imposibleng maisantabi mo sila. Darating iyong mga time na walang problema ang masosolusyunan mo ng wala sila," ani ni Jackson. Sina Destiny hindi ang mga ito magbubulagbulagan kapag naargabiyado si Fider.

"Ganiyan ang mga babae," dagdag ni Jackson at binawi ang kamay.

"Ayusin mo ang sarili mo at humingi ka ng sorry kina Destiny," ani ni Jackson. Umayos ng upo si Fider at pinunasan ang pisngi. Nagpasalamat si Fider at tumayo. Sinabing hihingi siya agad ng tawad kina Lucky.

Tumalikod si Fider ngunit bago ito makaalis ng table. Nagsalita si Jackson.

"Iisa lang ang ama mo Fider," ani ni Jackson. Napatigil si Fider.

"Ngumit hindi ibig sabihin 'non wala ng pwede pang tumayong ama sa iyo. Lagi mong tatandaan na pamilya mo na din kami. Kalahati sa buhay mo kasama mo kami— hindi ka na iba sa amin," ani ni Jackson. Napangiti si Fider at bahagyang lumingon.

"Alam ko iyon sir Jackson. Nagpapasalamat ako dahil doon. Hindi ako swerte sa pamilya ngunit binigay kayo sa akin," ani ni Fider. Humarap si Fider at yumuko. Sobra ang pasasalamat niya kay Jackson.

Umalis na si Fider sa bakanteng silid at lumabas na ng pinto. Pagkasara 'non lumingon si Jasper kay Jackson.

"Dad, sumusobra na ang mga Salvatore. Hindi ni Fider deserve ang ganoon na treatment. Hindi tayo pwede manood lang," ani ni Jasper. Ibinaba ni Jackson ang hawak na cup at nagsalita.

"Sino ba may sabing manonood lang tayo?" ani ni Jackson. Bahagyang pinasadahan ni Jacson ng daliri ang edge ng cup. Nakasandal ang lalaki sa upuan.

"Para ko na din anak si Fider. Hindi ako pumapayag na naargabiyado ang mga anak ko," ani ni Jackson at mahinang tina-tap nag table gamit ang daliri.


Ginamot ni Paige ang kamay ni Fider at nilagyan ng benda. Namamaga kasi iyon. Sinabi nina Paige na huwag na muna alisin iyon ni Fider. Nagpasalamat si Fider. Nagpaalam na sina Paris at pupuntahan na sina Jackson.

Naiwan sa silid sina Fider, Destiny at Lucky. Nasa pang-isahan na sofa si Fider at nasa sofa sina Destiny at Lucky.

Ayos na ang mga ito— nagamot na din ang pasa ni Destiny at sugat ng mga ito sa labi.

"Lapit kayo dito," ani ni Fider. Inilahad niya ang kaliwa niyang kamay. Malambot ang expression nito at nakatingin kina Destiny.

The Twin Wants To Devour Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon