38

957 14 0
                                    

Chapter 38
3rd Person's POV
Ibinaba ni Fider ang mga kamay matapos i-shoot ang bola na pang-52 shots niya. Napa-wow ang iba pang estudyante na kasama niya mag-try out. Sumipol na ang coach dahil hindi na pumapalya si Fider. Aalis lang kasi sa unahan kapag may shots na hindi pumasok sa ring.

"Nice Salvatore!" sigaw ng classmate. I Fider na nasa bench. Napatingin ang capatain ng team ng masama sa ka-team mates. Alanganin na binaba ng lalaki ang kamay at umiwas ng tingin.

"Pabida," bulong ng captain. Ito iyong lalaki na ilang beses naagawan ni Fider ng bola noong naglalaro sila sa P.E.

Excuse si Fider sa klase dahil halos kalahating araw ang try out nila. Defense at sa offence. Noong lunch na pumunta si Lucky at Destiny sa gymn matapos malaman na try out na iyon nina Fider para sa pagpasok nila sa team.

"Try out lang ito para sa mga newbies. Bakit ang daming tao," tanong ni Destiny. Tinahak nila ang daan pababa sa gymn pwede sila maglabas-pasok doon dahil miyembro sila ng journalism club.

Kilala din sila ng coach doon since professor din nila ito at before ang school anniversary tumutungo sila doon para mag-observe. Isa lasi sa mga topic nila is about sport.

Nakita nila si Fider. Natulala ang dalawa matapos makitang basang-basa ng pawis si Fider, nakasuot ito ng puting t-shirt na pinatungan ng pulang sando then pulang short.

Hawak ni Fider ang laylayan ng suot niyang white t-shirt at pinupunasan ang pisngi. Maraming babae ang halos maghugis puso matapos makita iyon.

"Kyaah! Salvatore!"

Nagtilian ang mga babae. Hindi sila pinansin ni Fider at tumakbo patungo sa kabilang bahagi ng gymn kasunod ang mga kasamahan.

Napatigil si Fider matapos makita sina Destiny. Ngumiti si Fider at kumaway sa dalawa. Namula sina Destiny at Lucky.

"Salvatore! Tama na ang landi Focus!"

Captain iyon ng varsity team. Lumingon ang isa sa mga miyembro ng varsity team sa mga kasamahan at tinanong kung nasaan ang coach nila.

"Kinakawawa ni captain iyong mga baguhan. 6 hours na sila nagpa-practice," bulong nito. Sumang-ayon ang iba pa. 1-3 hours lang ang try out.

Nakikita nilang bagsak na iyong ibang mga baguhan iyong iba umaalis na. Si Fider lang iyong tanging hindi nakikitaan ng pagod sa mga bagong recruit. Nagagawa pa nito makipagbardagulan sa captain nila.

May humagis ng bola sa ring ngunit hindi iyon na-shoot. Galing iyon sa team ni Fider.

Tumalon si Fider at siya ang nag-shoot ng bola para sa kasamahan.

"Sorry Fider!" sigaw ng ka-team niya. Tumakbo si Fider pabalik at tinapik ang balikat ng ka-team niya.

"Tuloy pa din ang laro," ani ni Fider. Para naman nagkaroon ng ibayong lakas ang mga kasamahan ni Fider dahil doon.

"Ayoko na! Pagod na ako! Tambak na din ang score! Rookie pa lang kami. Itatapat niyo kami sa pang-mvp ang level."

Nawalan na ng kalaban sina Fider dahil nag-alisan na ang mga ito. Sinabi ni Fider na rookie din siya.

"Paano iyan wala na kaming kalaban," ani ni Fider. Sakto dumating ang coach at nanlaki ang mata matapos makitang nandoon pa sin sina Fider.

"Roqas, anong ibig sabihin nito?" tanong nga coach. Napaupo sa sahig ang apat na ka-team ni Fider. Sinabi ng mga ito na kung wala si Fider sa team nila kanina pa din sila nag-walk out.

Nagalit ang coach nila sa captain ng varsity team ngunit natutuwa ito kina Fider dahil nanatili ang mga ito sa team. Maraming mga official members ang natuwa kina Fider at nagkomento na kakaiba ang stamina ni Fider at ang level ng paglalaro nito.

Naiinis ang captain ng team. Masama ang tingin nito kay Fider na walang ginawa kung hindi ngumiti at magpasalamat.

Nagpaalam na si Fider. Yumuko ang lalaki. May sasabihin pa ang coach nang biglang tumakbo si Fider at may dalawang babae na nilapitan.

Ito ang mga Ortega. Tumingin sina Destiny. Tumango sina Lucky ay hinawakan si Fider sa braso.

"Umayos ka lalo ka na Roqas. Tigilan mo na ang mga Ortega," ani ng coach. Umismid ang lalaki.

Nang makalabas sila sa gymn sinabi ni Fider na maliligo na muna siya then magbibihis. Ang lagkit niya na.

"Okay bibili na muna kami ng makakain natin sa cafeteria. Dimiretso ka na sa room mo," ani ni Lucky. Lumingon si Fider at tinanong kung ayos lang iyon.

"Bakit hindi? Pagod ka. Kami na bahala ni Destiny," ani ni Lucky. Natawa si Fider at nagpasalamat sa mga ito.

Bago dumiretso sa building kung nasaan ang locker room hinalikan sila ni Fider sa pisngi. Napatigil ang dalawa. Kumindat si Fider at sinabing mamayang gabi na ang reward.

Namula ang dalawa. Tumakbo na si Fider paalis dala ang gymn bag niya.

Nag-shower na si Fider, nilinisan ang sarili, nagbihis ng P.E uniform. Nasa locker room niya sa gymanasium iyong uniform niya at P.E uniform niya lang ang nandoon.

Nang matapos iya ay isinuot niya na ang salamin niya at naglakad na palabas ng locker room. Tinahak niya na ang daan palabas ng building at pabalik sa room niya.

Sigurado kasi siya nandoon na sina Destiny. Naaninag niya ang dalawa pagpunta niya sa pangalawang palapag. Nasa labas lang kasi ito ng hallway. Napatigil si Fider matapos makitang hindi lang sina Destiny ang nandoon. Nandoon din si Venice at nakasuot ng uniform nila.

"Venice?" ani ni Fider. Lumapit si Fider sa tatlong babae na nasa hallway. Napangiti si Venice at binati si Fider.

"Fider, nandito ka din?" ani ni Fider kunwari ay nagulat.

"Nasa palapag na ito ang classroom ko," ani ni Fider. Tingin niya sina Destiny at Lucky na may mga dalang paper bag.

"Ako na magdadala 'nan," ani ni Fider at kinuha ang mga dala nina Lucky at Destiny.

Tinanong ni Venice kung nasaanbang classroom ni Fider. Napairap si Destiny— halata naman sinadya lahat iyon ng babae pati ang pag-transfer nito sa university nila para sundan si Fider.

Ni-reason pa nito na professor doon ang uncle niya at doon nag-aaral ang pinsan niya. Sinabi ni Fider na malapit lang. Tinuro ang classroom niya.

"Magkaklase tayo? How lucky! Katulad ng dati Fider. Naalala mo lagi tayo magklase simula elementary?" natutuwa na sambit ni Fider. Alanganin tumawa si Fider at sinabing oo nga. Masama ngayon ang tingin ng mga lalaking ka-schoolmate ni Fider sa kaniya.

Sino ba naman kasi matutuwa lahat ng magagandang babae kilala ni Fider pati iyong transferee na model galing ibang bansa.

The Twin Wants To Devour Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon