40

816 11 0
                                    

Chapter 40
3rd Person's POV
Laging nagkakainitan si Fider at iyong kapitan ng team. Hindi naman ito pinatutulan ni Fider at hinahayaan na lang ito.

'Trip ka lagi ni captain noh?" ani ng isa ss mga rookies na kasabayan ni Fider pumasok sa team.

"Inggit lang iyon. Isa pa baka worried din siya sa pagiging captain niya. Mas magaling sa kaniya si Fider."

Natawa iyong apag. Sinaway sila ni Fider at sinabihan ang mga ito na huwag maingay. Pagalitan sila ng coach nila.

Narinig lahat iyon ni Louie Roqas. Palihim na naggitgit ang lalaki sa idea na lagi siya inaagawan ni Fider ng spotlight.

Mas lalo pa siyang naasar noong sinimulan na siya ikumpara kay Fider ng ama which is ang coach nila. Natatapakan ni Fider ang pride niya as a team captain ng varsity.

"Babe."

Lumingon si Louie. Ito ang leader ng cheerleading squad sa university nila. Hinalikan siya nito sa pisngi at tinanong kung tapos na ang practice nila. Ngumiti si Louie at sinabing sandali na lang matatapos na sila.

Napatingin ang babae kay Fider na nasa kabilang side ng gymn. Sinabi ng babae na usapan sa buong university nila ang mga rookie ng team niyo.

"Sino si Fider na naman? Bakit ba lagi ko na lang naririnig ang pangalan ng Fider na iyan. Ang sakit niya sa tenga," naasar na sambit ng lalaki. Tiningnan siya ng girlfriend at sinabing may kumakalat na siya na ang susunod na captain. Nasapawan na siya.

Nagdilim ang mukha ng lalaki matapos marinig iyon. Tumingin ulit nag babar kay Fider. Itinulak nito ang bola matapos may maligaw na bola sa direksyon nila at tatama iyon sa babae.

"Hey, sinabi kong time out muna!"

Tiningnan ni Fider si Lucky at sinabing magpa-practice pa sila. Sandali na lang iyon. Nag-flying kiss si Fider bago tumakbo. Namula si Lucky lalo na ng kindatan siya ni Fider bago bumalik na sa court.

Pabirong binatukan ni Fider iyong bumato sa kaniya ng bola dahil muntikan na matamaan kanina ang girlfriend niya.

Nagkaroon lang ng ilang announcement nag coach katulad ng anong oras ulit ang practice at iyong about sa parating na game.

"Okay pwede na kayo umuwi," ani ng coach at nagsabi ng dimissed.

"Rookies! Sama kayo sa amin. Inuman ng kauti treat namin," aya ng vice captain. Lumapit si Venice at tinawag ang pinsan niya.

Pumayag ang mga rookies except kay Fider. Natatawa itong tumanggi na muna.

"Pasensya na ihahatid ko pa girlfriend ko," ani ni Fider. Nasa kabilang bahagi ng court si Lucky kasama ang kakambal nito na si Destiny.

"Hey, hindi maagaw o mawawala ang girlfriend mo kung hindi mo ihahatid. Huwag kang kj Salvatore," ani ng kapitan. Sinabi nito na kung gusto talaga nito pwede niya isama iyong dalawa.

"Oo nga! May ibang girls din naman kasama. Kasama girlfriend ni captain. Masaya iyon maraming chix," ani ng isa sa mga miyembro. Ngumiti si Fider.

"Next time na lang. Paggabi na din kasi," ani ni Fider. Tinanong ng vice captain nila kung pwede bukas. Kung makakasama si Fider.

"Yeah ayos lang. Hindi lang talaga ako makakasama ngayon nandito girlfriend ko. Ihahatid ko sila at gabi na," ani ni Fider. Ngumiti ang vice captain at sinabing pwede na ito umalis.

"Greg! Bakit ka pumayag. Pinaghandaan ito ng buong team natin para sa rookies," ano ni Louie. Lumingon ang vice captain nito sa mga official members ng varsity at tinanong kung ayos lang naman iyon diba.

Tumatakbo na lumapit si Fider sa dalawang babae at kinuha ang mga gamit nito.

"Ayos lang naman sa amin. May reason naman siya at sinabi niya naman na pwede siya bukas. Priority niya girlfriend niya kaya hayaan niyo siya," ani ng isa sa lalaking nakaupo sa bench. Tumawa ang isa dito.

"Kung ako may ganiyan kaganda na girlfriend kakabahan din ako pagalain mag-isa at dalhin sa inuman. Baka masulot," ani ng isa sa mga ito na halatang biro lang. Nabatukan siya ng vice captain at sinabing umalis na sila.

"Uy Venice saan ka punta?" tanong ng girlfriend ng captain ng varsity team.

"Ayoko na sumama bukas na lang," sagot ni Venice at kinuha na din ang mga gamit niya.


"Adonis?" ani ni Fider. Nakita niya ang family van at nasa labas si Adonis na naghithit ng sigarilyo.

"Nandiyan na pala kayo sakay na," ani ni Adonis at tinapakan iyong sigarilyo.

"Bumalik ka pa?" ani ni Fider. Binuksan niya ang pinto para kina Lucky. Sumakay na si Lucky, sumunod si Fider at sumakay na din si Destiny.

"Oo, service niyo ako malamang. Pagkahatid ko kay Desiree bumalik na ako dito at hinintay kayo," ani ni Adonis pagkasakay ng van. Natawa si Fider at nagpasalamat. Humingi din ito ng sorry dahil kailangan pa ni Adonis magbiyahe ng tatlong beses para sunduin sila.

"Ayos lang iyon work ko ito," ani ni Adonis at ini-start na ang sasakyan. Lumingon si Fider kina Lucky.

"Bukas pala may celebration ang team namin. Hinanda iyon ng varsity team para sa aming mga rookies. Mauna na kayo umuwi bukas," ani ni Fider. Sinabi ni Destiny na ayaw niya.

"Sasama kami sa iyo," ani ni Lucky. Sinabi ni Fider hindi pwede dahil inuman iyon.

"Baka hindi din pumayag sina sir Jackson. Gabi na iyon at isa pa puro lalaki kami doon," ani ni Fider. Sinabi nina Lucky na ayaw nila.

"Bakit ayaw mo kami isama. Nahihiya ka bang kasama kami? O baka gusto mo mambabae. Imposible na walang babae doon," ani ni Destiny na masama ngayon ang timpla ng mukha na nakaharap kay Fider. Masama na din ang tingin ni Lucky.

"Wait hindi iyon ang—"

Parehong lumayo sa kaniya ang dalawa. Sabay na sinabi ng mga ito na huwag sila kausapin.

Pagdating nila sa mansion nilayasan na si Fider ng dalawa at dumiretso pataas ng hagdan.

"Anong nangyari Fider? Bad mood iyong dalawa?" tanong ni Jasper. Nasa kusina ito at nagpapak ng snacks katulad ng chips, nova at piattos.

"Lq," sagot ni Adonis na nasa likuran lang ni Fider na napasapo sa noo. Huminga ng malalalim si Fider then napatingin kay Jasper.

"Ano iyang kinakain mo? Puro snacks iyan," ani ni Fider. Sinabi ni Jasper na nagugutom na siya. Nag-order siya ng pizza hindi pa dumadating.

Tinungo ni Fider ang kusina kasunod si Adonis. Sinabi ni Fider na lulutuan niya na si Jasper ng dinner.

The Twin Wants To Devour Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon