17

1K 22 0
                                    

Chapter 17
3rd Person's POV
Hindi mame- measure ang pagmamahal ng daddy nila sa mga mommy nila at sa kanilang magkakapatid. Natawa ng mahina si Paris matapos makitang nakatingin lahat ng anak nilang babae sa ama nila like napapantestikuhan ito sa ama nila.

"Dad, sino kina mommy ang mas mahal niyo?" tanong ni Phinea. Napatigil sina Dahlia. Nilingon ni Dahlia si Phinea at sinabing kung anong klaseng tanong iyan.

"Kung love ang usapan hindi ko alam kasi for me iisa lang ang klase ng love at ang pagmamahal na iyon ay pare-pareho kong naibibigay sa inyo. Walang special," ani ni Jackson. Sinabi ni Phoebe na ang fatherly love.

"It's just a love. Iyong emotion na pinangalanan at ini-identify lang na love," ani ni Jackson. Naitikom ni Phoebe ang bibig.

"Para sa akin hindi ako nag-stay sa mga mommy niyo dahil lang sa love iyon. I choose them. Pinili ko maging ama ng mga anak nila, manatili, maging loyal, alagaan sila at i-take ang responsibility. Pinili ko sila— hindi mame-measure o maikukumpara ang kagustuhan ko na manatili sa kanila at alagaan sila. So? Stop asking sweety dahil siguradong aawayin na naman ako mamaya ng mommy niyo," ani ni Jackson na natatawa. Napatigil sina Paris matapos marinig iyon.

Hindi maiiwasan ang selos sa kanilang magkakapatid siyempre iisa lang si Jackson. May mga time na gusto lang nila i-keep sa sarili nila si Jackson.

Nag-stay sina Jackson sina hotel dahil bukas may event ulit hindi pa iyon tapos dahil ilalagay na ang mga iyon sa isang art museum.

"Maganda din pala ang school ma ito noh," ani ni Paris. Prestigious university iyon pumapangatlo sa mga pinakamagandang university sa buong bansa.

Iyon din ang reason bakit dito ginanap ang competition. Nagi-ikot doon si Jackson kasama si Paris. Nagpaalam kasi sina Phinea kasama si Adonis na sasama kay Jasper. Pinatawag sina Lucky at Destiny.

"Nasaan si Fider?" tanong ni Dahlia.

Sa labas ng isang building nakatayo doon si Fider masama ang tingin nito kay Tyson kasama ang mga barkada.

"Bakit? Hindi ba totoo? Iyang ina mo pokpok kaya nga hindi ka binalikan hindi ba?" ngumisi si Tyson. Sinabi pa nito na binenta si Fider para maging toy boy ng mga Ortega.

"Ano ka ba? Kung totoo iyon kahit walang bayad game ako. Chix mga pre kita mo iyong katawan noong mga babaeng Ortega?" ani noong pinsan ni Fider na may pangalan na Dan. Nakipag-bomb fist pa ito sa pinsan na si Nate.

"Pre iyon iyong mga babaeng ang sarap gabi-gabihin. Kahit yata maluwang na hindi ako magsasawa. Ang gaganda tapos ang lalaki ng—"

Isang suntok ang nagpatahimik kay Tyson. Bumagsak ito sa sahig at sinipa ni Fider si Dan. May aatake kay Fider nang mabilis iyon iwasan ni Fider at hinampas ito ng bag.

"Mga hayop kayo wala akong pakialam kung anong sasabihin niyo sa akin ngunit huwag na huwag niyo babastusin ang mama ko at tinuring kong pangalawang pamilya!"

Nagkarambulan doon. Hindi ng mga ito tinigilan si Fider. Pinagmumura ito ni Tyson at malakas na sinipa.

"Huh! Pamilya! Nakailang putok ka na ba ilan sila ha? Fider? Masarap ba?"

Napamura si Fider nang tapakan ni Tyson ang dibdib niya. Hinila iyon ni Fider. Bumagsak si Tyson at hinila ang kwelyo nito. May sumuntok kay Fider ngunit hindi na iyon inalintana ni Fider.

Tumayo si Fider at malaks na sinuntok si Dan na siyang sumuntok sa kaniya. Mau dumating na mga estudyante ngunit wala sa mga ito ang nakapigil.

"Fider!" sigaw ni Jackson. Napatigil si Fider ngunit hindi tumigil sina Tyson. May hahampas ng vase kay Fider nang may humawak sa braso ng lalaki at piniga iyon.

"Ahhh!"

Nabitawan ng lalaki ang vase at napaluhod. Si Paris iyon— tinapakan ni Paris ang hita ng estudyante.

Nilapitan ni Jackson si Fider na binitawan ang kwelyo ni Tyson. Galit na galit si Tyson.

"Sir Jackson," ani ni Fider. Napamura ang lalaki matapos makita ang tiyura ni Fider.

"Oh my god! Fider!" ani ni Paige. Puno ng pasa si Fider. Masama ang tingin na pinukol ni Paige ar Dahlia sa mga estudyante na tila napako sa kinatatayuan.

"This is a second time. Hindi na ako papayag na hindi ipatawag ang family niyo," ani ni Paris at masama ang tingin sa mga bata.

May dumating na mga teacher. Kasama nito sina Lucky at Destiny na parang pinagbagsakan ng langit at lupa matapos makita si Fider.

"Fider!"

Tumakbo palapit si Lucky at Destiny. Nag-aalalang hinawakan ang pisngi ni Fider. Parehong nagdilim ang mukha ni Lucky at Destiny matapos makita ang dugo sa uniform ni Fider.

"Nasa university tayo at huwag niyo takutin si Fider," bulong ni Paige. Nanginginig ang mga kamao ng kambal at gustong-gusto nila balatan ng buhay ang gumawa 'non kay Fider.

Pinatawag ang lahat sa office. Sinabi nina Tyson na si Fider ang unang umatake sa kanila.

"Binastos niya ang mama ko at ang Ortega!" sigaw ni Fider. Tumayo ito at masama ang tingin na pinukol kina Tyson na bahagyang napangisi.

Bumukas ang pinto at may mga pumasok na mga adult. Napatigil si Fider. Ang ama at iyong ina ni Tyson. Napatigil ang ama ni Fider matapos siya makita.

"Oh my— ikaw iyan Fider?"

Tila nawalan ng lakas si Fider matapos makita ang ama at ang kabit nito. Niyukom ni Fider ang kamao. Nat humawak sa kamay ni Fider— bahagyang napalingon si Fider. Nakita niya si Destiny na nakaupo sa tabi niya at pinatong ang kamay sa kamao niya.

Binuka ni Fider ang mga palad at hinawakan ang kamay ni Destiny habang nasa ilalim ng lamesa.

Sinabi ng teacher kung anong nangyari. Sinabi ng ama ni Tyson at Fider kung maari na aregluhin na iyon doon. Away bata lang iyon at hindi na dapat i-big deal.

"Away bata? Legal age na ang mga iyan at pwede na makulong. Doon pa lang sa pambabastos ng mga iyan sa pamilya ko at pambubugbog kay Fider sapat na para madala sila sa korte," ani ni Jackson at tumayo. Masama ang tingin nito sa ama ni Fider.

"Iisa na lang iyang anak na nasa iyo hindi pa disiplinado. Ano kang klaseng ama," ani ni Jackson. Dumilim ang mukha ng ama ni Fider at tinanong kung anong ibig sabihin nito.

Tumunog ang speaker. Napatingin si Fider sa labas.

"Sir Jackson huwag niyo na sila pag-aksayahan ng oras. Ayos lang ako at isa pa mas malala injury nila kaysa sa akin. Nakaganti na ako," ani ni Fider. Napatayo si Lucky at sinabing dapat magbayad ang mga ito sa pambu-bully nila. Ito na pangatlong beses.

"Katulad nga sinabi ng ama ni Tyson away bata lang iyon. Hindi bigdeal at isa pa hindi nila deserve oras niyo. May mas importante tayo dapat puntahan. Bukas na iyong art museum— mas importante si Jasper," ani ni Fider. Tumimgin si Fider kay Jackson at sinabing ayos lang iyon.

"Gusto ko makita iyong art ni Jasper."

The Twin Wants To Devour Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon