49

1.1K 21 1
                                    

Chapter 49
3rd Person's POV
Pagkalipas ng maraming taon
May hawak si Fider na log book. May kausap itong staff na siyang magde-deliver sa mga costumer.

"Pakisabi na lang doon sa groom huwag niya na bayaran ang mga bulaklak. Advance gift ko na sa kanila iyon mag-asawa," ani ni Fider. Na-shocked ang staff.

"Boss?" ani ng babae. Nag-angat ng tingin si Fider.

"Ipadala mo sa kaniya iyong mga bulaklak at iayos niyo na iyon para sa kanila," ani ni Fider. Naalala niya ang costumer na iyon. Lagi iyon bumibili sa kanila ng bulaklak at mukha iyon ang binibigay niya sa babaeng napangasawa niya.

"Kumilos ka na. 3pm ang start ng kasal anong oras na. Dalhin niyo na ang mga bulaklak doon," ani ni Fider. Maliwanag ang mukha na umalis ang staff at nagpasalamat sinabing agad na makakarating iyon sa costumer.

Pagkatapos nga niya maka-graduate ng college pinakasalan na ni Fider si Lucky at Destiny. Nagpatayo siya ng maliit na flowers shop na ngayon ay paunti-unti na din lumalaki.

Last month lang ay nagbukas na sila ng bagong branch ng flower shop niya sa laguna. Kumikita na din iyon.

6am pa lang may mga dumadating na costumer par magpa-reserved ng mga bulaklak, mag-order at magpa-schedule para i-hire silamg flower decorator sa kasal.

"Papa! Papa!"

Napatigil si Fider at lumingon. May grupo ng mga batang naka-school uniform ang pumasok sa shop niya.

"Ang mga lucky charm ko," natutuwa na sambit ni Fider. Agad niya sinalo ang dalawang batang babae na sumalubong sa kaniya at binuhat ang mga ito.

"Kamusta ang babies ko? Kamusta school?" tanong ni Fider matapos siya halikan ng dalawang batang babae sa pisngi.

"Ayos lang papa! Masaya! Marami kaming naging friends!"

Nagkwento agad ang mga batang babae about sa first day of school nila. Masayang-masaya ang mga ito habang kinukwento iyon sa ama niya.

Natawa na lang si Fider dahil sa sobrang dami ng energy ng anak niya na babae. Tiningnan ni Fider iyong quad na anak ni Lucky kay Fider na ngayon ay nakaupo na sa sofa at may nilalabas na notebook.

"Kayong apat? Kamusta school?" tanong ni Fider. Tiningnan niya ang mga staff at tinanguan lang ang mga ito.

"So, boring dad. Sina Eve lang talaga nage-enjoy sa school," sagot ni Luther na mukhang nade-depressed na.

"Ito pa lang first day niyo sa school. Mukha na kayong mga zombie. Ano bang nangyari?" tanong ni Fider. Ayaw ng quad sa school. Ayaw din ng mga ito makihalubilo at tanging mga pinsan lang ang kinakausap.

"Walang gadgets."

"Walang pillows and bed."

"Walang free foods."

"Bawal magdala ng pets."

Sabay-sabay na sagot ng apat. Natawa na lang si Fider matapos marinig iyon sa apat. Iyon pala ang reason kaya ayaw ng mga ito sa school.

"Pero hindi kayo pwede hindi pumasok ng school," ani ni Fider at lumapit sa mga anak niya habang buhat ang dalawa niyang anak na babae.

"Yeah dad, yeah para sa future," ani ni Luther at napairap na lang. Hindi naman na siya nagugulat sa unexpected na ugali ng mga ito. Kanino pa ba nila mamana ang attitude nila na iyon siyempre sa mga ina nila.

"Da! Da!"

Napatigil si Fider matapos may mga cute na bata ang pumasok mga nasa 3 years old ang mga ito at naglalakad. Naka-penguin na costume at panda.

Kasunod nito si Destiny na binuksan ang glass door para sa dalawang batang lalaki.

Binaba ni Fider ang dalawang batang babae at lumuhod. Natatawang binuka ni Fider ang mga hita. Humagikhik ang dalawang batang lalaki at yumakap sa pinakabunso nila.

Binuhat niya ang mga ito at hinalikan sa pisngi. Tiningnan ni Fider si Destiny na agad lumapit sa kaniya. Hinalikan ni Fider si Destiny sa noo at tinanong kung wala ito ngayon photoshoot.

"Actually meron pero mamaya pang 11am kaya naman sinundo ko na itong mga bata at dalhin dito," ani ni Destiny habang pinupunasan ang laway ng dalawang anak nila nila ni Fider.

Nilingon ni Destiny sina Luther at sinabing sa opisina na ni Fider tumambay. Hindi sila pwede doon tumambay dahil may costumer na dumarating.

"Nah, hayaan mo mga bata diyan. Lucky charm ko sila remember," ani ni Fider at natatawang binangga si Destiny.

"Welcome!"

Bati ni Everett at Solemn. Maraming costumer ang nagsabi na cute sina Solemn. Ginaya-gaya pa ni Darren at Farrel.

Maraming mga pumapasok na costumer at natutuwa ang mga ito kina Solemn at Everett na binabati ang mga pumapasok.

Nag-uusap si Destiny at Fider about sa schedule nito for the whole week nang biglang sumigaw si Leon.

"Ahh! Bug! Bug!"

Nataranta ang apat na nakaupo sa sofa. Tumakbo ang mga ito.

"Luther! Kumalma kayo! Iyong mga vase!" sigaw ni Destiny. May lumilipad nga na bug at takot doon ang apat.

"Felix!" sigaw ni Fider. Napatakbo si Fider matapos makitang matutumba ang isang estante. Napasigaw si Destiny dahil nakita niyang nabagsakan si Fider at Felix.

Agad na may mga dumating na staff nakita nilang nasa likod ni Fider iyong estante na kahoy. Nabasag lahat ng vase at yakap ni Fider ang anak na lalaki.

"Fider!" sigaw ni Destiny.


"For god's sake! Bug lang iyon! Kalalaki niyong tao!" sigaw ni Destiny. Ginagamot ngayon ni Lucky si Fider. May pasa ito sa likod at ilang cut dahil sa mga vase na nabasag.

"Destiny, huwag mo sila pagalitan. Mga bata iyan," ani ni Fider. Sinabi ni Destiny na hindi iyon ang point doon.

"Mga perwisyo kasi. Tapos tingnan mo nasugatan ka pa," ani ni Destiny na sinusuklay ngayon ang buhok.

Napatigil si Destiny matapos siya yakapin ng apat sa tuhod. Bahagyang lumambot ang expression ni Destiny matapos marinig na nag-sorry ang mga ito.

Lumuhod si Destiny sa harap ng mga anak na lalaki at matama itong tiningnan.

"Sorry kung nasigawan kayo ni mommy. Muntikan na kasi kayo masaktan specially si Felix. Kung hindi siya nakita ni Fider siguradong nasa ospital na siya ngayon. Tingnan niyo din nangyari sa shop. Ang daming vase na nabasag," ani ni Destiny. Nag-sorry ang mga ito.

Niyakap ni Destiny ang apat na batang lalaki.

"Mag-iingat kayo sa susunod,"

Tumango iyong apat at niyakap pabalik ang ina. Napangiti na lang si Fider matapos makita iyon.

"Group hug!"

Natawa si Destiny matapos yumakap din iyong dalawang twins niya sa kaniya.

"Kahit mga pasaway kayo madalas. Mahal na mahal kayo nina mommy," ani ni Destiny at tiningnan ang mga anak.

The Twin Wants To Devour Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon