Chapter 34
3rd person's POV
"Sasali ka sa varsity team?" ani ni Jasper na biglang na-excite. Sinabi nga ni Fider na sasali siya doon dahil gusto niya talaga ang basketball. Ayaw niya lang i-pursue iyon dahil sa naalala niya ang mama niya.Noong bata siya naalala niyang bola ang unang laruan na binili sa kaniya. Ito ang nagpakilala sa kaniya ng basketball. Natuwa sina Jackson at sinabing support nila si Fider.
"Basta kapag may game ka dapat lagi kaming reserved na upuan at ticket. Lagi kaming pupunta," ani ni Paris. Tumawa si Fider at sinabing hindi pa siya sigurado kung matatanggap siya. May try out pa kasi iyon at practice.
"Ano ka ba Fider. Iyong mga player na mismo nag-invite sa iyo at isa pa natalo mo mismo iyong captain ng varsity team. Imposibleng hindi ka nila papasukin," ani ni Jasper. Napakamot sa likod ng ulo si Fider matapos siya purihin nina Dahlia. Bigla tuloy siyang nahiya.
"Oo nga maganda din iyon para may motivation kami sa pagkuha ng mga litrato sa varsity team," ani ni Lucky. Sinabihan pa ni Destiny na ang dudogyot ng mga members ng varsity team.
Muntikan ni Fider maibuga ang iniinom matapos marinig iyon kay Destiny. Natawa si Fider at sinabing masyadong harsh si Destiny.
Nakatingin lang si Jasper kina Lucky at Destiny habang kausap si Fider. Umiinom ang lalaki ng juice.
"Fider, may tanong ako. Paano niyo nalalaman ni Daddy kung sino si Lucky at Destiny?" tanong ni Jasper. Napatigil si Fider at lumingon.
"Paano?" tiningnan ni Fider si Lucky at Destiny. Hindi naman palagi pareho ng dami sina Destiny ngunit may mga time na sabay ang mga ito baba pagkabihis then hindi na nila alam kung sino dito si Destiny at Lucky kung hindi ang mga ito magpapakilala.
"Si Destiny kapag nagsasalita. Titingin siya right side then sa kausap niya. Si Lucky kapag nagsasalita aayusin niya iyong buhok niya at ilalagay sa likod ng tenga niya. Kapag tahimik naman iyong dalawa si Destiny nago-observe then si Lucky patay malisya."
"Kapag naglalakad laging nauuna si Destiny before si Lucky. Mahirap talaga i-identify kung sino si Destiny at Lucky kapag sa mukha ka titingin at style nila," ani ni Fider. Natawa si Jackson dahil iyon din ang eksaktong palatandaan niya sa dalawa. Sumimsim si Jackson sa kape.
Napa-whoa si Jasper matapos marinig iyon. Nagkatinginan si Destiny at Lucky. Kahit sila hindi nila alam na may ganoon sila na habit.
Pagkatapos nila mag-lunch niligpit na ni Fider ang dining table. Umalis kasi si Jackson dahil mukhang nagkaroon ng problema sa shop niya. Naghugas ang lalaki ng plato, nilinis ang kusina. Nag-vacuum at nagdilig ng mga halaman.
"Psst."
Napatigil si Fider. Pinatay nito ang hose at lumingon-lingon hanggang sa napatingin siya sa veranda. Nakita niya doon si Lucky. Nakahawak sa railing at kumakaway. Ngumisi si Fider at kinindatan lang ang babae. Napatigil si Lucky.
Lumabas din si Destiny. Natawa si Fider matapos makita ang dalawa. Sinabihan siya ni Destiny ng masipag.
Tiningnan ni Fider iyong mga white rose na dinidiligan niya. Napatigil siya matapos makita iyong dalawang white rose sa tagong bahagi ng kumpulan ng mga bulaklak. Bumunot doon si Fider ng dalawang bulaklak. Dalawa lang naman kasi ang tumubo na bulaklak ng white rose. Iyon din ang unang beses na tumubo iyong halaman na itinanim nila ng mama niya doon. Nagtaka sina Destiny at Lucky dahil mukhang may kinuha si Fider at pumasok sa loob.
Pumunta si Fider sa kusina then inalisan ng mga tinik ang mga bulaklak. Ibibigay niya iyon sa dalawa.
Tapos na naman siya kaya maya-maya tumaas na siya sa pangalawang palapag. Tumungo siya sa room niya dahil nandoon ang dalawa.
Bumukas iyon. Lumingon sina Lucky at Destiny na nasa veranda na mukhang sinisilip siya sa ibaba.
"Fider! Akala namin hindi ka na tataas. Nakakainis masyado kang busy," ani ni Destiny at lumapit sa kaniya. Lumapit din si Lucky.
"Kasambahay niyo pa din naman ako at walang gagawa nitong iba. Maggo-grocery pa nga ako mamaya kaya hindi ko kayo ngayon mapagtutuunan ng pansin," ani ni Fider. Hinaplos ang pisngi nina Lucky na napasimangot.
Natawa si Fider at inilabas iyong dalawang white rose na kinuha niya sa garden.
"Itinanim namin ito ni mama noong 11 years ako. Look nabuhay siya at tumubo na pagkalipas ng ilang taon kong pagdidilig sa kanila," ani ni Fider. Napatigil si Destiny habang hawak iyong bulaklak.
"Ayos lang ba na ibigay mo ito sa amin? Naalala ko na inaalagaan mo iyon dahil tinanim niyo iyon ng mama mo. Nagkabulaklak na siya tapos binigay mo sa amin," ani ni Destiny. Naalala niya inaalagaan iyon ni Fider at araw-araw dinidiligan dahil isa din iyon sa mga ala-ala ng ina niya.
"Hinintay ko talaga iyon siyempre ilang taon ako nag-effort para diligan at lagyan sila ng mga pataba. Mahalaga sa akin ang mga bulaklak na iyan dahil inalagaan ko iyan," ani ni Fider. Kinamot niya ang likod ng ulo.
"Pero hindi ako nanghihinayang dahil sa inyo ko iyan binigay. Ito iyong unang beses na binigyan ko kayo ng bulaklak at—"
Napatigil si Fider matapos siya yakapin ng dalawa at nagpasalamat.
"Iingatan ko ito," ani ni Lucky. Sinabi niya na pe-preserve niya iyon.
"Ako din," ani ni Destiny. Lumambot ang expression ni Fider. Sinabi nina Destiny na iyon iyong klase ng gift na hindi mabibili ng pera.
"Inalagaan mo ito ng mabuti, hinintay at pinotrektahan ng ilang taon. Salamat Fider," ani ni Destiny. Ngumiti ang babae ng matamis. Napatigil si Fider kalaunan ay hinalikan niya sa noo si Destiny at Lucky.
Iyon ang unang pagkakataon na nakatanggap sila ng gift kay Fider at bulaklak pa iyon.
—
"Binigyan kayo ni Fider ng bulaklak?" ani ni Desiree. Binaba nito ang hawak na libro matapos natutuwang pumasok sina Destiny at Lucky sa room niya. Napatingin si Jasper na nakadapa sa kama ni Desiree."Yes! Look!" sabay na sambit ni Destiny at Lucky. Pinakita iyong mga bulaklak.
"Ano iyan binili niya?" tanong ni Jasper. Sinabi ni Destiny na kinuha iyon ni Fider sa garden.
"Eh? May white flower tayo doon? Wala ako nakita," ani ni Desiree. Tinanong ni Jasper kung anong nakakatuwa sa bulaklak.
"Ano kayo mga teenager? Isa pa wala ba kayo nakukuhang ganiyan araw-araw sa university?" tanong ni Jasper. Binato ni Lucky si Jasper ng nadampot na unan galing sa sofa.
"Idiot, siyempre binigay ito ni Fider. Iba ito," ani ni Lucky. Napairap na lang si Desiree na nakaupo sa gilid ng kama.
"Arghh! Love sick. Shoo! Kung isasampal niyo din naman sa akin ang reality na single pa din ako hanggang ngayon lumayas kayo sa room ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/357636680-288-k806460.jpg)
BINABASA MO ANG
The Twin Wants To Devour Me
General FictionBook 1- My 3 Wive's obsession Book 2- The Twin wants to devour me Book 3- Strange tides Book 4- Hopelessly, Devoted to you R-18! R-18! R-18. Read with your own risk! "Mommy! Nandiyan na ba si nanay Fe! Ilang days ko na siya nakikita!" May mga yaba...