Chapter 14
3rd Person's POV
Itinulak ni Fider ang lalaki palayo. May mga dumating na waitess."Gago ka. Ang yabang mo ah," ani ng pinsan. May mga dumating na waiter at pinigilan ang mga ito. Tinawag ang lalaki ng mga kasamahan nito at sinabing kumain na lang sila.
"Sir, kung gagawa lang kayo ng gulo dito umalis na kayo," ani ng ilang staff. Naiinis na umalis doon ang dalawa at tinaas ang middle finger nito. Hinawakan ni Lucky ang kamay ni Fider at hinila na ito para umupo.
"Pinsan mo iyon?" tanong ni Destiny. Sinabi ni Fider na pinsan niya ang mga iyon sa side ng ama. Tumingin si Destiny sa kabilang table. Bukod sa pinsan ng dalawa may isa pa na lalaki ang nakatingin sa kanila.
"May kapatid ka ba?" tanong ni Destiny. Kahawig ni Fider ang isa sa mga kasama noong lalaki na lumapit sa table nila. Gwapo ito ngunit para kay Destiny mas may dating pa din si Fider at nangingibabaw.
"Half brother," sagot ni Fider. Sinabi ni Fider na wala ma siyang ganang kumain.
"Sa ibang kainan na lang tayo?" tanong ni Destiny. Sinabi ni Fider na wala siya sa mood. Gusto na lang niya bumalik sa hotel.
"Sa hotel na lang tayo kumain. Pa-food delivery na lang din tayo. Mukhang hindi din ako mabubusog dito. Ayokong kumakain ng may nanonood," ani ni Jasper.
Nag-iwan ng pera si Destiny at tumayo na. Sumunod si Fider at si Lucky. Tumayo na din si Adonis at Jasper.
Lumabas na sila ng restaurant ng walang lingon-lingon. Akala ni Fider nagkataon lang iyon ngunit nagulat siya matapos makita ulit ang mga ito at sa loob ng university kung saan gaganapin ang event para sa competition na sasalihan ni Jasper.
Estudyante doon ang mga pinsan at ang half brother ni Fider. Bumulong si Fider na kung minamalas ka nga naman.
Naiwan si Fider at Adonis sa side ng gymnasium dahil pinatawag na nga si Jasper para sa assembly.
"Well, nagkita tayo ulit," ani ng pinsan ni Fider na nakangisi. May kaakbay itong babae. May mga kasama na ang mga ito na babae.
Sinabi nito sa mga babae doon na iyon ang nerd nilang pinsan na si Fider half brother ni Tyson. Tumawa ang mga babae na kasama ng pinsan.
"Ang layo. Kapatid mo ba talaga iyan Tyson?" tanong ng babae na kaakbay ni Tyson Salvatore. Ngumisi ang lalaki at sinabing duda din siya.
"Pwede ba tigilan niyo si Fider. Umalis na nga kayo," ani ni Adonis. Hinarang ni Fider ang isang braso matapos tangkain mga pinsan na lumapit kay Adonis.
"Tara na. Baka nasa likod na sila ng stage," ani ni Fider. Lalampasan ni Fider ang mga ito nang harangan sila ng mga kabarkada ng mga pinsan ni Fider.
"Sandali lang. Hindi pa nga tayo nag-uusap- usap. Gusto namin makilala ang half brother nitong barkada namin na si Tyson," ani ng lalaki at tinapik-tapik ang balikat ni Fider.
"Hindi ko kayo gusto makilala. Tumabi kayo," ani ni Fider. Natawa si Tyson at mga pinsan nito matapos hablutin ng lalaki ang kwelyo ng suot na uniform ni Fider.
"Ang angas mo ah. Ano pinagmamalaki mo? Naranasan mo lang tumakpak sa ginto feeling presidente ka na?"
Nahulog ang salamin ni Fider dahil sa paghablot nito at nagulat si Adonis matapos sadyain tapakan ng half brother ni Fider ang salamin ng lalaki.
Napatigil si Fider matapos makita iyon. Iyon ang unang regalo sa kaniya ng kaniyang ina at ang huli. Natulala si Fider. Tinulak ni Adonis ang kapatid ni Fider.
Nagkagulo doon lalo na nang suntukin ni Fider ang lalaking humablot sa kaniya. Dadamputin ni Fider ang salamin nang may sumipa sa likod niya.
Nag-panic ang mga estudyante na nandoon at pinigilan agad nag mga ito.
"Ano bang problema niyo ha! Putangina niyo! Inaano ko ba kayo! Ikaw na hayop ka Tyson! Hindi ka pa ba masaya na sinira niyo ng ina mo ang pamilya ko! Hindi ka pa ba tapos!" sigaw ni Fider. Galit na galit ito. Nagsigawan ang mga estudyante doon at pilit na pinaglalayo ang mga ito.
"Oo! Kulang pa iyon at hindi ako kuntento! Naalala mo ang sinabi ko noong mga bata pa tayo! Magiging masaya lang ako kapag nawala ka na sa mundo at lahat makuha ko sa iyo! Fider hindi pa tayo tapos," ani ni Tyson. Niyukom ni Fider ang kamao.
"Tama na Fider."
Napatigil si Fider matapos dumating sina Destiny at Lucky. May nakasabit na camera sa leeg nito. Nakasuot ng uniform at lumapit kay Fider.
Hinawakan ni Lucky ang pisngi ni Fider. Nilingon ni Destiny ang grupuhan na natulala sa mga babae.
"Ibaba mo talaga ang sarili mo sa mga basura na iyan babe?" tanong ni Destiny. Lumingon si Lucky at umilap ang mga mata ng babae.
"Fider!"
Lumapit si Jasper at tinanong ang kaibigan kung anong nangyari. Dumating ang mga teacher at pinapunta silang lahat sa office.
Si Adonis ang nagsalita about sa nangyari at sa ginawang pagsira ng mga ito sa salamin ni Fider. Hindi din pala maganda ang reputasyon ng grupo ni Tyson sa university na iyon at sakit sa ulo. Sapat na iyon para bigyan ng punishment sina Tyson at dalhin sa detention room.
Nasa cafeteria si Fider kasama sina Jasper. Kinusot ni Fider ang mata. Hinawakan ni Destiny ang kamay ni Fider at sinabing huwag kusutin iyon. May kalabuan ang mata ni Fider kaya kailangan nito ng salamin. Nabasag iyon at talagang nasira.
"Regalo ito ni mama. Ito lang ang naiwan niya sa akin nasira pa," ani ni Fider habang hawak ang salamin. Nabasag iyon at nasita ang frame.
Kinuha iyon ni Destiny. Napatingin si Fider. Sinabi ni Destiny na ipapagawa niya iyon.
"Huwag kang mag-alala hahanap ako ng gagawa at maibabalik ito sa dati," ani ni Destiny. Bumaba ang tingin ni Fider.
Maya-maya dumating si Lucky kasunod si Adonis. Dala na nito ang contact lense ni Fider. Sinabi ni Lucky na mamaya na sila bumili ng salamin.
Kinuha iyon ni Fider at nagpasalamat kay Lucky. Lumabas pa kai si Lucky sa school para kuhanin iyon. Siya na lang dapat kaso hindi na pumayag sina Jasper nahihirapan gumalaw si Fider dahil sa mga mata niya.
Nilagay iyon ni Fider sa mga mata niya. Kumurap-kurap ang lalaki at tiningnan sina Destiny.
"Dapat talaga ipa-kick out ang mga iyon. Mga epal," ani ni Jasper. Sinabi ni Fider na huwag na siya isipin ni Jasper.
"Kailangan mo mag-focus sa competition," ani ni Fider. Umismid si Jasper.
"Kapag nakauwi tayo isusumbong ko mga iyon kina ate para durugin lahat ng buto nila."
Alanganin tumawa si Fider at sinabing huwag. Mas malaking gulo iyon at baka mapunta pa sa hindi magandang sitwasyon ang mga Ortega.
"Bakit hindi? Sinira nila ang salamin mo— tapos mukhang wala silang balak tigilan ka. Dapat mga iyon talaga turuan ng leksyon, " ani ni Lucky. Sumang-ayon si Adonis. Sinabing mga baliw iyon lalo ma ang half brother ni Fider mukhang may sapi.
BINABASA MO ANG
The Twin Wants To Devour Me
General FictionBook 1- My 3 Wive's obsession Book 2- The Twin wants to devour me Book 3- Strange tides Book 4- Hopelessly, Devoted to you R-18! R-18! R-18. Read with your own risk! "Mommy! Nandiyan na ba si nanay Fe! Ilang days ko na siya nakikita!" May mga yaba...