41

776 14 0
                                    

Chapter 41
3rd Person's POV
"I can't believe this. Nagawa mo pa magluto kaysa sunduin kamo at suyuin?" ani ni Lucky. Napatigil si Fider na naghahanda ng mga plato sa dining table.

"Nagugutom na si Jasper at parating na din sina sir Jackso—"

"Boyfriend ka din namin may responsibilidad ka sa amin! Kailan mo ba kami ipi-priority! Ang dami namin kaagaw sa iyo!" sigaw ni Destiny. Napatalon si Fider. Kita niya ang galit sa mukha ng dalawang babae.

"Bakit ba hindi mo kami pansinin! Bakit ang hirap kuhanin ang atensyon mo!"

"Destiny! Lucky! Nababaliw na ba kayo!" sigaw ni Jasper. Tinabig lang naman nina Destiny iyong mga niluto ni Fider na nasa lamesa. Nanlaki ang mga mata nina Adonis matapos magwala iyong dalawang babae.

"Bakit kami lang iyong nagkakaganito? Bakit ang hirap mong solohin," umiiyak na sambit ni Destiny. Nangilid ang luha ni Lucky at binato iyong plato sa sahig.

"Ang dami namin kaagawa. Bakit feeling ko kami lang iyong nababaliw ng ganito. Kami lang nagmamahal sa iyo," ani ni Lucky. Humihikbi ang babae at tinakpan ang mukha.

"Oh my god! Lucky! Destiny anong nangyari dito!" ani ni Paris. Dumating na sina Paris kasama sina Jackson.

"Mommy! Sina Destiny nababaliw na. Tinapon nila lahat ng niluto ni Fider," ani ni Jasper na agad lumapit sa parents niya. Kahit ito natakot din dahil sa ginawang pagwawala ng kambal.

Iyak ng iyak sina Lucky at Destiny. Hindi sila magawang lapitan ni Fider na hindi alam kung ano ang ire-react.

"Lucky and Destiny, ano bang ginagawa niyong dalawa?" ani ni Dahlia at lumapit sa dalawang babae. Umiiyak ang mga ito lumapit sa mommy nila at sinabing naiinis sila kay Fider.

"Ang daming babae nagkakagusto sa kaniya sa university, hinahabol pa siya ng childhood sweethearts niya tapos iinom siya kasama ng mga ito. Ayaw niya kami isama," sumbong ni Destiny na umiiyak. Parang pinupunit ang puso ng parents nina Lucky matapos makitang umiiyak ang mga anak.

"Tara mag-usap nga tayo."

Inaya nina Paris sina Lucky sa itaas. Tiningnan ni Dahlia si Jackson at parang sinasabi nito na kausapin si Fider.

"Sorry sir Jackson. Lilinisin ko na lang ito," ani ni Fider. Mababa ang boses nito na lumuhod at iniisa-isang dinampot iyong mga nabasag na baso.

Tiningnan ni Jackson iyong mga nagkalat na pagkain sa sahig. Doon napansin ni Jackson na lahat ng hinain nito sa hapagkainan ay paborito nina Lucky at Destiny.

"Tutulungan na kita," ani ni Adonis. Umikot ang lalaki at lumuhod din para tulungan ito ligpitin iyong mga nabasag na plato at baso.

"Fider, pagpasensyahan mo na sina Lucky at Destiny," ani ni Jackson. Sinabi ni Fider na naiintindihan niya ang dalawa.

"Ako ang may kasalanan," bulong ni Fider. Walang masabi si Jackson dahil halata naman walang kasalanan si Fider at wala itong ginagawang masama. Tinapik ni Jackson ang balikat ni Fider at sinabing siya na magluluto ng dinner at pahinga na ito.

"Magpalit ka na ng uniform mo," ani ni Jackson. Nilinis na muna nina Fider ang kusina bago nga ito umakyat ng hagdan at dumiretso sa kwarto.

Pagkasara ng pinto. Sumandal ang lalaki dito at niyukom ang kamao. Sa mga oras na iyon hindi ni Fider alam ang nararamdaman niya. He feels anxious at hindi siya mapakali. Hinawakan ni Fider ang ulo. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin kina Lucky. Ano ang ihihingi niya ng sorry. Wala siyang ginagawang masama.

Kinabukasan,
Walang tulog si Fider. Iba din ang mood nito ngunit pinipilit nito mag-focus sa academics niya either sa practice.

Bigo siya. Lahat ng binabato niya sa ring nagmimintis. Tinanong ng coach ng varsity team si Fider kung ayos lang ito.

"Sorry coach. Wala lang akong tulog," ani ni Fider. Sinabi ng kapitan na reason lang iyon. Natapos na ang practice— nagkaayaan na sa inuman. Sumama si Fider. Natutuwa din naman sumama si Venice at hindi inaalis ang tingin kay Fider na parang wala sa sarili.

"Oy Fider nasaan ang girlfriend mo? Hindi mo kasama?" tanong ng isa sa mga miyembro. Sinabi ni Fider na nakauwi na ang mga ito.

May nagsabi pa na baka may lq. Sinabi ni Venice na ayos lang iyon. Iinom sila sa araw na iyon at magpapakalasing. Sinilip niya si Fider na hindi 'man lang siya tinapunan ng tingin.

Napairap si Louie matapos mapansin na lahat ng babae na kasama nila kay Fider nakatingin. Hindi nag-react si Fider. Tumungo sila sa malapit na restobar. Kaunti lang ang tao doon at tamang-tama marami sila.

Naghanap sila ng table. Tumabi si Venice kay Fider. Nasa iisang table sila kasama ang captain at girlfriend nito, ang vice captain at ang isa sa mga rookies.

Nakatingin ang girlfriend ni Louie kay Fider na nakatingin sa unahan kung nasaan iyong stage. Napa-pokerface si Venice matapos mapansin ang tingin ng girlfriend ni Louie kay Fider. Pekeng tumawa si Venice at tinanong ang babae kung may dumi ba sa mukha ni Fider at kung makatitig ito wagas.

Napatingin si Fider at si Louie. Tumikhim ang babae at sinabing hindi si Fider ang tinitingnan niya. Napairap si Venice.

"Anyway, totoo ba Fider? Childhood sweetheart kayo ni Venice at nanligaw ka sa kay Venice dati?" tanong ni Greg ang vice captain. Sinabi ni Fider na totoo iyon.

"Whoa! Since elementary magkilala na talaga kayo tapos nanligaw ka sa kaniya? Wait ilang taon ka 'nong nagkahiwalay kayong dalawa?" tanong rookie. Kalat kasi iyon sa buong university. Napatingin sa table nila iyong mga kasamahan sa team.

May lumapit na waitress at naglapag na ng mga alak. Kumuha na si Fider ng isang bote ng beer at sinabing 11 years old siya.

"Childhood sweethearts," natatawa na sambit ni Greg. Nagsalita si Venice.

"Nalaman ko sa friend ko na nandito si Fider kaya sinundan ko siya at iniwan ang career ko. Nakakatampo kasi hindi niya na ako pinapansin. Para ng others ganoon," ani ni Venice. Uminom si Fider— napatingin ang mga tao sa table kay Fider noong inumin iyon ni Fider straight.

"Whoa, dahan-dahan lang Fider hindi ka mauubusan," ani ni Greg. Sinabi ni Fider na hindi na sila mga bata.

"Isa pa may girlfriend ako. Selosa," ani ni Fider. Tinanong ng girlfriend ng kapitan nila kung totoong nagtatrabaho si Fider sa mansion ng mga Ortega.

Napatigil si Fider. Napataas ito ng tingin at tinanong kung kanino nalaman. Tumingin ang babae kay Venice na tumikhim. Napatingin si Fider.

"Kailangan ba pati iyon sabihin mo Venice?" tanong ni Fider. Sinabi ni Venice na hindi naman iyon bigdeal.

"So? Ginawa mong girlfriend iyong anak ng boss mo. Nice sabagay hindi ka naman lugi. Maganda ang mga Ortega tapos mayayaman. Buhay ka na doon," ani ni Louie. Sinabi ni Greg na huwag ganunin si Fider.

"Excuse me," ani ni Fider bago tumayo. Kumuha pa ito ng isang bote at naglakad palayo. Hinabol siya ni Venice patungo sa kabilang bahagi ng restobar. Umupo ang lalaki sa pang-isahan na sofa doon at nag-order ulit ng alak.

"Fider!" tawag ni Venice at hinawakan ang braso nito. Napatigil si Fider at lumingon.

"Fider huwag mo na pansinin ang sinabi ni kuya Louie—"

"Pwede ba bitawan mo ako?" ani ni Fider. Nabitawan siya ni Venice. Tiningnan kasi siya ni Fider ng malamig.

"Fider, bakit ang cold mo pa din sa akin? Fider, wala naman kami ni Tyson eh. Fider hinanap kita," ani ni Venice. Sinabi ni Venice na mayaman na siya. Hindi niya na kailangan magtrabaho pa sa mga Ortega.

"Isasama kita sa Italy," ani ni Venice habang nakatayo sa gilid ng inuupuan ni Fider. Napatingin ang mga tao na nasa restobar matapos marinig iyon.

Lumuhod si Venice at hinawakan ang braso ni Fider na walang ginawa kung hindi lumaklak ng beer.

"Mali ka ng pagkakaintindi Venice," ani ni Fider at lumingon kay Venice. Binawi niya ang braso niya at malamig na tiningnan si Venice.

"Mahal ko ang girlfriend ko. Hindi ko sila minahal dahil sa pera. Layuan mo ako pwede ba," ani ni Fider. Nagulat ang buong team dahil doon. Ni-reject nito si Venice kahit pa sinabi na ni Venice na isasama siya nito sa ibang bansa it's mean si Venice na ang bahalang bumuhay kay Fider. Hindi na nito need mag-work.

The Twin Wants To Devour Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon