Chapter 27
3rd Person's POV
Tanghali na nagising si Lucky at Destiny. Tirik na ang araw at nasa 1pm na. Bihis na sila at wala na si Fider sa tabi nila. Napabangon ang dalawa at ginala ang paningin sa buong kwarto.Sa bahagi ng resort nasa labas lang ng cottage na inakupahan nina Jackson si Fider at Jasper. Naka-short lang ang dalawa. Nakaputi na polo si Fider at naka-pink maman si Jasper.
Pareho ang mga ito may iniinom na juice. Nakaupo ang dalawa sa buhangin habang pinanonood iyong mga tao na nasa dalampasigan lang.
May isang buong pamilya, may mga nagda-date may iba naman mga magbabarkada. Nakatingin ngayon si Jasper sa apat na babaeng naka-swim suit. Naglalaro ang mga ito ng buhangin.
May grupuhan ng mga lalaki ang lumapit kina Ceres. Kumunot ang noo ni Jasper.
"Teka lang Fider ah," ani ni Jasper. Tumayo si Jasper at umalis sa Fider. Natawa na lang si Fider matapos makitang palapit si Jasper kina Ceres na may kausap ngayon na mga lalaki.
Kanina kasi inaaya nina Ceres si Jasper na maglaro sa dalampasigan ngunit tumanggi si Jasper. Mas gusto daw ni Jasper kasama si Fider pero ayon noong may ibang lalaki na gusto makipaglaro kina Ceres sumugod na.
Gusto din ni Fider mag-swimming ngunit hindi siya makaalis sa harap ng cottage. Tulog pa din kasi sina Lucky at Destiny. Mukhang na-drained niya talaga iyong dalawa. Medyo lasing na din ka siya 'non tapos lasing din ang dalawang babae.
"Hey may kasama ka?"
Napatigil si Fider at lumingon. May nakita siyang tatlong babae. Maganda din ang mga ito at sexy.
"May hinihintay ako," sagot ni Fider at umiwas ng tingin. Mas maganda pa din sina Destiny at Lucky para sa kaniya.
"Hmm, parating na ba? Gusto mo ba samahan ka namin?" tanong ng babae. Sa isip ni Fider siya ba iyong tipo na kailangan pa ng kasama?
"No, thanks. Baba na din iyon maya-maya," sagot ni Fider. Mapilit ang mga babae kaya napamura na lang si Fider.
Halos mabali ang leeg ng mga lalaki na nasa dalampasigan matapos makita ang dalawang babae na tanging panty at itim na t-shirt lang ang suot. Kitang-kita ang mapuputi at mahahaba nitong mga hita. Nakalugay din ang mahaba nitong mga buhok at tinatahak ang iisang direksyon.
Patungo sila kay Fider na pilit iniiwasan ng tingin ang mga babae na mukhang ginugulo siya.
"Fider," tawag ni Destiny. Napatigil si Fider matapos may yumakap sa batok niya. Tiningnan ni Destiny iyong mga babaeng nangungilit kay Fider.
"Anong kailangan niyo sa boyfriend ko?" tanong ni Destiny na nakataas ang kilay at nakatayos a likuran nina Fider.
Umalis ang mga babae at bubulong-bulong na lumayo. Nakahinga si Fider doon at lumingin kay Lucky na nakayakap sa leeg niya.
"Kumain na kayo? Tapos na kami mag-lunch," ani ni Fider. Sinabi ni Lucky na nagugutom siya. Samahan sila ni Fider para kumain.
"Paalam muna tayo kina sir Jackson baka bigla akong hanapin," ani ni Fider. Tumayo ang lalaki af pinulupot ang isang braso sa bewang ni Lucky. Hinawakan ng binata ang kamay ni Destiny at naglakad na sila patungo sa dalampasigan.
Nadaanan nila si Adonis na nakabaon sa buhanginan. Tumatawa sina Phinea habang tinatabunan ng buhangin si Adonis.
"Dad!" sigaw nina Lucky. Nakita nila si Jackson sa gilid ng dalampasigan. Pinanonood ang mga asawa na nakasakay sa surf board. Napa-whoa si Fider.
"Gising na kayo. Kumain na ba kayo?" tanong ni Jackson. Tumawa si Lucky at sinabing hindi pa. Isasama nila si Fider.
"Mukhang nage-enjoy sina mom ah," ani ni Destiny. Napapalibutan na ng mga lalaki ang dalampasigan at pinanonood ang mga mommy nila na nagsu-surfing.
"Halata nga," natatawa na sambit ni Jackson. Hindi na umalis ang mga asawa niya sa dagat.
"Mom! Si dad umalis na!" sigaw ni Lucky. Nahulog ang tatlo sa dagat. Napatingin sina Phinea matapos nga biglang sumigaw si Lucky tapos nahulog ang mommy nila sa surf board.
Hinila ni Destiny at Lucky si Fider palayo doon matapos makita ang mommy nila na umalis na sa dagat.
Tawa ng tawa si Lucky dahil sa nakita niya nga nahulog ang mommy nila sa surf board. Sinabi ni Destiny na lagot sila mamaya sa mommy nila. Tumatawa din ito.
Nailing na lang si Fider sa kalokohan ng mga girlfriend niya. Tumungo sila sa restaurant na nasa loob din ng resorts.
Sinabi ni Fider na siya na ang o-order ng makakain ng dalawa. Hinintay nina Lucky at Destiny si Fider sa lamesa.
"What a coincidence nandito din kayo?"
Napatigil si Destiny at napalingon. Sina Tyson iyon kasama ang mga pinsan ni Fider at si Venice. Kasama din nito ang ama ni Fider.
"Lucky, Destiny may nakausap na akong waiter—"
Napatigil si Fider noong paglapit niya sa table nina Destiny nakita niya ang ama niya kasama ang tita at si Tyson.
May mga lumapit na waiter at tinanong ang mga ito kung may reservation. Umupo si Fider sa harapan nina Destiny at halata sa mukha nito ang pagkadisgusto.
"Hindi ka 'man lang ba babati sa ama mo Fider?" tanong ng matanda. Hinawakan ng ginang ang lalaki na masama ngayon ang timpla ng mukha.
"Sa pagkakaalam ko wala na akong ama so? Wala na dapat ako batiin," sagot ni Fider na hindi 'man lang tinapunan ng tingin ang direksyon nina Tyson. Dumilim ang mukha ng lalaki.
Dumaan ang mga ito sa table nina Fider. Bumulong ang ama ni Fider at sinabing sila lang ang pamilya ni Fider.
"Huwag kang masydong mapagmataas. Kahit ano pang gawin mo ama mo pa din ako at nanalaytay sa mga ugat mi nag dugo ko."
Naiyukom ni Fider ang kamao matapos marinig iyon. Hindi alam ng ama ni Fider kung gaano siya nandidiri at kung paano niya sinusumpa na naging anak siya nito.
Hindi ni Destiny at Lucky magawang lunukin ang kinakain nila dahil sa ginagawang mga expression ni Fider. Para itong papatay at nakikita nito ang sobrang frustration sa mukha nito. Nag-aalala sila. Naririnig nina Lucky ang tawanan sa kabilang table— nanggagaling iyon sa pamilya ng ama ni Fider.
"Tapos na ako kumain," ani ni Lucky. Tumayo na ang babae at sumunod si Destiny. Nakayuko din na tumayo si Fider at sinabing mauna na sina Destiny na bumalik.
"Susunod na lang akk. Iwan niyo muna ako," malamig na sambit ni Fider at naunang maglakad palabas ng restaurant.
![](https://img.wattpad.com/cover/357636680-288-k806460.jpg)
BINABASA MO ANG
The Twin Wants To Devour Me
General FictionBook 1- My 3 Wive's obsession Book 2- The Twin wants to devour me Book 3- Strange tides Book 4- Hopelessly, Devoted to you R-18! R-18! R-18. Read with your own risk! "Mommy! Nandiyan na ba si nanay Fe! Ilang days ko na siya nakikita!" May mga yaba...