Chapter 48
3rd Person's POV
"Thank you gift ko dahil nailigtas mo ako kahapon," ani ni Fider na nakangiti ng malapad. Binigyan niyang mga bulaklak si Louie na nalaglag ang panga at nahulog ang hawak na bola.Nagpigil ng tawa lahat ng miyembro ng varsity team either ang coach matapos makita ang dala ni Fider at inaabot iyon kay Louie.
"Fider— Salvatore! 150 push ups!"
Humagalpak ng tawa ang buong team. Aapila si Fider ng biglang sumigaw ng 200 si Louie. Agad na nag-push up si Fider at ibinaba ang bulaklak.
Pinigilan nina Lucky at Destiny na matawa matapos makita ang mini scene na iyon. Sa pagkakataon kasi na iyon si Fider na may kasalanan. Sinadya na nito ipahiya si Louie.
Pagkatapos nga ng nangyari nakulong ang parents ni Tyson. Bigla na lang din naglaho si Tyson at bumalik na sa ibang bansa si Venice.
Naging maayos na naman lahat pagkatapos 'non. Pagkalipas lang ng ilang buwan na anunsyo ng official member na si Fider ng varsity team.
Sa mga laban ay nagsunod-sunod ang panalo ng university nila at dahil iyon kay Fider. Naging ace si Fider at agad nga sumikat. Pero kahit ganoon ay hindi pinabayaan ni Fider ang pag-aaral niya proud na proud sa kaniya ang buong pamilya ng mga Ortega.
Lagi ang mga ito nakasuporta sa kaniya at hindi mawawala doon sina Lucky at Destiny na sa bawat game niya ay nandoon.
"Kyaah! Salvatore! I love you!"
"Wow ah! Si Fider lang naglalaro!" sigaw ng isa sa mga ka-team ni Fider. Natatawang binatukan ito ni Greg at sinabing huwag na pansinin iyon.
"Anong huwag. Tingnan mo nga feeling ko lahat ng nandito fans ni Fider," ani nito. Napatanong ito kung nasaan na si Fider.
Nawala na sa court ang lalaki. Tumawag si Greg at tinanong kung aanhin ni Fider ang maraming fans.
"Tingnan mo sa dalawang babae lang naman siya ganiyan. Parang tuta," ani ni Greg at nginuso si Fider na nasa sulok na at parang bata na yumayakap sa mga girlfriend niya.
Halimaw ito sa court, malamig sa mga fans niya at bihira ito pumunta sa mga conference pero automatic na nag-iibang tao ito pagdating sa dalawang babae.
Maya-maya dumating na si Louie. Para nitong aso hinila ang kwelyo ni Fider na nagawa pang mag-flying kiss sa dalawang babae na nasa bench.
"Putangina mo kanina ka pa hinahanap ni coach nakikipaglampungan ka lang pala. Tara na pinatatawag na tayo," ani ni Louie. Natawa na lang sina Greg dahil hindi na bago ang ganoon na scenario.
Matapos ang game nagpasalamat na ang lahat sa kabilang team. Matapos umalis ang kabilang team nagsigawan ang lahat ng miyembro ng team at sinabing nanalo sila.
Nag-champion sila at sila na ngayon ang nangunguna sa buong distrito at malaki ang possibility na maging representative sila ng pilipinas. Lalaban sila sa ibang bansa.
May mga tropies, certificate at gold medal na sila. Malaki din ang prize na nakuha nila sa laro na iyon.
Niyakap ni Paige sina Destiny. Maiyak-iyak sila matapos makita nga na nanalo sina Fider.
"First step pa lang iyan para sa goal ni Fider. Huwag niyo na siya iyakan," ani ni Jackson na natatawa. Maya-maya natahimik ang lahat matapos may mag-abot ng microphone kay Fider.
Iyon ang unang pagkakataon na magsasalita ito after ng game.
"4th year ako ng i-pursue ko ang basketball at i-start ang journey ko kasama ang buong team," ani ni Fider at nilingon sina Louie. Sinabi ni Fider na nagpapasalamat siya dahil sa mga fans nila na patuloy na sumusuporta sa kanila, sponsors nila at mga offers.
"Nagpapasalamat din ako kay God dahil sa gabay niya sa aming team, sa lakas at sa blessings. Last not at least nagpapasalamat ako sa buong pamilya ng mga Ortega," ani ni Fider. Nilingon niya sina Jackson na nasa gilid ng court kasama sina Lucky.
"Bawat game ko pumupunta sila. Todo support sila sa akin na sobrang kinapagsasalamat ko. Sila ang nagsilbing pamilya ko sa mga time na walang-wala ako. Patuloy na umaangat sa akin at nagbibigay ng lakas," ani ni Fider. Ngumiti si Fider at tinaas niya lahat ng hawak niya.
"Para sa inyo ito sir Jackson. Specially sa iyo father-in-law. Before ang game nakikipaglaro ka sa akin para tanggalin ang kaba ko. Sina ma'am Paris na after ng game pinaghahanda kami ng sobrang daming pagkain kasama ang buong team ko. Hindi niyo alam kung gaano kalaking bagay ang ginawa niyo para makarating ako dito," ani ni Fider at ngumiti. Natawa sina Paris matapos marinig iyon.
"Gusto ko din ia-anunsyo na last game ko na din ito. After ng college hindi na ako maglalaro," ani ni Fider. Hindi na nagulat ang team ni Fider ngunit sina Lucky ay nagulat. Walang sinabi sa kanila si Fider about doon. Wala din sila naiisip na reason para gawin iyon ni Fider.
After 'non maraming fans ang nag-iyakan. Nagpa-picture sila kay Fider at sa iba pang team. Nang mawalan na ng tao ang court bukod sa team niya at sa pamilya ng mga Ortega agad na lumapit sina Lucky.
"Bakit? Bakit ka titigil? Fider ang layo na ng narating mo," ani ni Destiny. Naguguluhan ito either si Lucky.
"Anong dahilan Fider? Bakit ayaw mo na mag-basketball?" tanong ni Lucky. Nag-aalala sila. Nanghihinayang sila sa effort ni Fider at career nito. Hindi na ma-reach si Fider.
"Dahil dito," ani ni Fider. Matapos niya kuhanin iyong maliit na kahon sa bulsa niya binuksan niya iyon at pinakita.
Napatigil ang dalawang babae lalo na ng lumuhod si Fider. Todo palakpak naman sina Greg matapos makita iyon.
"After graduation gusto ko na kayo pakasalan. Nakapili na din ako ng buhay na gusto ko— gusto ko makasama kayong dalawa sa bawat segundo, oras, araw, buwan at taon ng buhay ko. Gusto ko ng simpleng buhay kasama kayo at ang mga future anak natin. Magpapatayo ako ng maliit na flowershop gamit iyong mga naipon ko. Magi-start ako ng panibagong kabanata ng buhay ko kasama kayo," ani ni Fider. Nakatingin si Fider kay Destiny at Lucky na parehong naiiyak.
"Paano iyong basketball mo?" tanong ni Destiny. Ngumiti si Fider at sinabing hindi mawawala ang talent niya sa basketball kahit hindi siya maglaro sa ibang bansa.
"Nire-recruit ako ni coach para maging assistant niya kapag wala akong ginagawa. Maging coach. Ayos lang sa akin— ang mahalaga sa akin ngayon ay kayo. Pwede niyo ba akong pakasalan?" ani ni Fider. Naiiyak na nilahad nina Lucky ang kamay nila. Natatawang sinuot iyon.
"Bakit hindi? Matagal na namin ito hinihintay," ani ni Destiny na sinisinok.
"Oo nga hinihintay namin ito."
Natatawang tumayo si Fider at niyakap sina Lucky. Sinabing mahal na mahal niya ito. Sabay na sinuot ni Lucky at Destiny ang singsing kay Fider.
"Okay! Malaking celebration ito! Engangement party at iyong pagkapanalo natin!" sigaw ni Greg. Natawa si Adonis at tinanong kung sino gustong uminom hanggang sa gumapang na sila sa kalasingan.
Nagtaas lahat ng kamay except kay Jasper na sinabing hindi siya umiinom, sa girls at kay Fider na natatawa na lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/357636680-288-k806460.jpg)
BINABASA MO ANG
The Twin Wants To Devour Me
General FictionBook 1- My 3 Wive's obsession Book 2- The Twin wants to devour me Book 3- Strange tides Book 4- Hopelessly, Devoted to you R-18! R-18! R-18. Read with your own risk! "Mommy! Nandiyan na ba si nanay Fe! Ilang days ko na siya nakikita!" May mga yaba...