45

890 20 0
                                    

Chapter 45
3rd Person's POV
Hindi nagkamali ang coach may talent si Fider. Nagagawa na nito makipagsabayan sa loob lang ng 5 minutes. Nakaka-shoot ng bola. Nagugulat lang ang buong team dahil nasusupalpalan nito ang captain nila.

Nae-enjoy ni Fider ang laro. Nanggagalaiti naman ang captain nila dahil doon. Natutuwa naman sina Lucky at Destiny dahil nakikita nilang nage-enjoy si Fider.

Naiimis namn ang girlfriend ni Louie dahil natatalo ito ng isang rookie at natatawa ang mga kaibigan niya.

Matapos ang laro at oras ng practice lumapit na si Fider kina Destiny na agad siya inabutan ng towel at tubig.

"Hoy Salvatore! Nanadya ka ba!"

Napatigil ang buong team matapos lumapit si Louie. Napalingon si Fider at hinablot ng lalaki ang kwelyo ng sando ni Fider.

"Sinasadya mo ba na ipahiya ako?" tanong ni Louie na may madilim na expression. Nanatiling kalmado si Fider.

"Kasalanan ko ba na sa iyo palagi napupunta ang bola at naagaw ko? Game iyon anong gusto mong gawin ko?" tanong ni Fider. Lumapit ang girlfriend ni Louie at sinabihan ang lalaki na tama na.

"Pinahihiya mo lang ang sarili mo Louie," ani ng babae at hinawakan ang kamay ng babae. Tinabig iyon ni Louie at sinabing manahimik ang babae.

"Ikaw Fider huwag kang masyadong mayabang na akala mo kaya ko ang lahat. Kahit anong gawin mo talunan ka pa din at rookie ka pa lang," ani ni Louie na nanggagalaiti. Inalis ni Fider ang kamay ni Louie at umatras.

"Kung talunan ako bakit triggered ka? Practice lang iyon at nasa iisang team tayo. Wala ka bang reputasyon na iniingatan? Captain ka pa naman nandito ka sa harap ko ngayon nagmamaktol dahil natalo ng isang rookie lang. Hindi ako mayabang ginagawa ko lang palagi ang best ko sa laban. Ikaw? Hanggang doon na lang ba ang kakayahan mo? Triggered ka dahil nasasapawan? Ano ka bata," ani ni Fider na natatawa. Naiyukom ng lalaki ang kamao susuntumin nito si Fider nang tawagin siya ng ama.

"Subukan mo Louie! Hindi ka makakalaro next game!" sigaw ng coach. Nabitin sa ere ang kamao ni Louie. Sobrang sama ng timple ng mukha nito at nandoon ang galit sa mukha nito.

Umalis si Louie, sinundan ito ng girlfriend niya at iba pang miyembro. Si Greg ang humingi ng pasensya sa ginawa ni Louie.

"Ayos lang iyon vice captain. Medyo nasasanay na ako sa temperament ni captain," ani ni Fider at kinuha ang gymn bag.

Nagpaalam na si Fider. Sinabing sa kabilang building na lang siya magsha-shower at magbibihis.

Sinundan nina Lucky at Destiny si Fider. Noong makalabas sila ng gymn hinabol ni Venice si Fider.

"Fider, pwede ba tayo mag-usap?" tanong ni Venice. Napatingin si Fider na napatigil sa paglalakad.

"Hintayin ka namin Fider dito," ani Destiny. Lumingon si Fider at sinabing babalik siya.

Napatigil si Venice matapos halikan ni Fider sa labi iyong dalawa sa misnong harapan niya.

"Hintayin niyo ako dito. Babalik din agad ako."


"Make if short Venice. Ano bang kailangan mo?" tanong ni Fider. Nasa parking lot sila ngayon. Malapit naman kasi ang gymb doon at walang tao.

"Mahal mo pa din ba ako Fider? Mahalaga pa din ba ako sa iyo?" tanong ni Venice. Sinabi ni Fider na bata pa sila 'non.

"Move on na Venice. May mga girlfriend na ako at oo mahalaga ka sa akin. Kaibigan kita," ani ni Fider. Sinabi ni Venice na mahal niya si Fider.

"Fider ayos lang kahit pangatlo lang ako. Mahal kita Fider," ani ni Venice at biglang niyakap si Fider. Naitulak siya ni Fider at umatras.

"You misunderstand something Venice. Iba ang sitwasyon namin nina Lucky and i'm sorry Venice hindi ko maibabalik sa iyo ang pagmamahal mo, " ani ni Fider. Nangilid ang luha ni Venice.

Biglang bumukas iyong van na nasa likuran ni Fider paglingon niya may taong nagtakip ng panyo sa bibig niya at hinila siya papasok ng van.

Sa labas ng gymnasium,
Nakasandal si Lucky sa poste habang suot ang coat ni Fider. Hawak nito ang phone niya at may tinitingnan.

Si Destiny nakaupo sa bench na nandoon din at nakatingin sa field.

"15 minutes na ang lumipas. Wala pa din si Fider," ani ni Destiny. Tumayo na ang babae at nilingon si Lucky.

"Puntahan na natin siya," ani ni Destiny. Tumingin si Lucky at sinabing inutusan sila ni Fider na doon lang.

"Hindi pa siya bumabalik at sabi niya sandali lang siya."

Umalis ang dalawa doon at tinungo nag parking lot. Sa bahaging iyon kasi nila nakita na dumaan sina Fider at Venice.

Pagdating nila doon napatigil ang dalawa. Nagkalat sa sahig ang gamit ni Fider at nandoon din ang phone niya.

Daig pa nina Destiny ang nakakita mg multo matapos makita iyon. Wala na si Fider sa parking lot.

Sa shop ni Jackson kasalukuyan may hawak na menu si Jackson at kausap ang ilang mga staff nang biglang bumukas ang pinto ng shop.

"Daddy! Daddy!!

Napatigil si Jackson matapos sumisigaw na lumapit sa kaniya si Destiny at Lucky. Naiiyak ang mga ito na hinihila siya.

"Anong nangyari? Bakit—"

"Daddy! Help! Huhu nawawala si Fider daddy! May kumuha sa kaniya!" halos sabay na sambit ni Destiny at Lucky. Napatigil si Jackson matapos marinig iyon.

"Hina-harassed niyo na naman ang daddy niyo. Ano bang ginagawang niyong dalawa dito. Akala ko may date kayo kasama si Fider," ani ni Paris pagkalabas ng kitchen. Napatigil ang mga ina ni Destiny matapos makitang mangiyak-ngiyak ang kambal nila.

"Mommy! Nawawala si Fider mommy. Kailangan natin tumawag ng pulis," natataranta na sambit ni Destiny. Sinabi ni Jackson na kumalma na muna ang dalawa.

"Hindi pa kikilos ang mga pulis dahil wala pang-24 hours noong mawala si Fider. May idea ako kung nasaan siya. Kumalma na muna kayo," ani ni Jackson at niyakap ang kambal niya na umiiyak at takot na takot.

"Paris, padalhan sila ng tubig," ani ni Jackson. Pumasok si Paris sa kusina at lumapit naman sina Dahlia.

"May tatawagan lang ako," ani ni Jackson. Sinabi ni Jackson na sina Dahlia na muna ang bahala kitan Lucky. Hawak ni Jackson ang phone na lumayo sa mga anak niya na umiiyak.

Inilapit ni Jackson ang phone niya sa tenga matapos mag-dial ng numero. Wala itong expression na nagsalita.

"Attorney Marquess. Pupunta tayo ngayon sa mga Salvatore at magdala ka ng mga pulis."

The Twin Wants To Devour Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon