23

458 17 2
                                    

Chapter 23
3rd Person's POV
Naging agaw pansin si Bazile sa university nila. Niluwagan ni Bazile ang suot na necktie dahil sa pagka-irita. Kahit iyong mga taga-ibang university hinihintay siya palabas ng university. 

"Dude gusto mo sumali sa grupo namin? Pwede ka namin agad i-recommend kay coach para maging isa ka sa first 5."

Varsity player ang mga ito kasali doon si Bazile ngunit isa pa din siya sa mga nagte-training kasabayan sina Marcus. 

"Pwede ba umalis na kayo? Nakikita niyong may gingawa si Bazile diba?" inis na sambit ni Marco. Sumama ang timpla ng mukha ng captain ng varsity team at hinablot ang kwelyo ni Marco. 

"Manahimik ka nerd pwede ba! Hindi ko kailangan ng opinyon mo!" sigaw ng captain. Naka-disguise din kasi sina Marco kapag nasa school sila dahil kilala ang mom nila. Kilala din sila sa ibang bansa pero dahil gusto nila ng tahimik na school life. Nagdi-disguise sina Marco. 

Walang mag gusto sa kanila sa university nila na iyon dahil sa tiyura nila without knowing na anak sila ng pinakasikat na actress at anak ng may pinakamarami at malaking female clothing company sa buong asia. 

"Bitawan mo nga ang kapatid ko!" bulyaw ni Marcus at tinulak ang lalaking may hawak kay Marco. Papalag ang lalaki nang hampasin ni Bazile ng hawak nitong libro sa ulo ang lalaki at napasigaw ito sa sakit. 

"Tigilan niyo ako dahil wala akong balak sumali kung kaninong grupo. Alis," malamig na sambit ni Bazile. Sumagaw ang captain nito at sinabing magsisisi si Bazile. Maraming mga estudyante ang pinagtawanan sila dahil doon. 

"Ang yayabang kapag ako nainis susumbong ko sila kay daddy," ani ni Marco na parang paiyak na. Tumawa si Bazile at tinanong kung bata ba si Marco. 

"Manahimik ka nga diyan! Gawin mo na nga iyan para maka-lunch na tayo. Kanina pa ako nagugutom," singhal ni Marco. Nailing si Marcus at bumalik na sa upuan nila. 

"May lunch na pinadala sa akin si Keehan. Nasa bag— marami iyon pwede kayong kumuha. Tirahan niyo ako," ani ni Bazile. Parang pumalakpak ang tenga nina Marco matapos marinig iyon. 

Kinuha nila ang lunch box ni Bazile at binuksan iyon. Napa-wow sina Marco dahil ang ganda ng pagkakadisenyo 'non at mukhang mga masarap. 

Hinati nila nga iyon sa tatlo at nag-iwan para kay Bazile. Kumain sila— wierd. Bakit parang matamis lahat kahit iyong kanin," ani ni Marco. Nilingon ni Bazile ang dalawa. 

"Masama lasa," tanong ni Bazile. Umiling sina Marcus. 

"Sobra lang malasa pero tama lang nanibago lang kami," ani ni Marcus. 

"Karaniwan wala akong panlasa kaya siguro tinatapangan ni Keehan ng timpla kahit mga karaniwang ulam," sagot ni Bazile. Natahimik ang dalawa— hindi nila alam iyon. 

"Masyadong considerate sa iyo si Keehan. How sweet— pero ayos lang ang lasa," ani ni Marcus. Nag-thumbs up pa si Marco. 

Ngumisi lang si Marcus dahil alam niyang nagsisinungaling ang mga ito. Tinikman iyon nina Jaxon kanina at sumuka agad ang mga ito. 

Maya-maya lang kumain na si Bazile kasabay niya ang dalawa. Para kay Bazile masarap iyon kasi sa level ng sense of taste niya sapat na iyon para malasahan niya ang pagkain. 


Napatingin ang mga lalaki sa bathroom marapos mag-unahan sa pagpasok sina Marco at Marcus. Agad ang mga ito sumuka— okay lang 'nong unang tikim nila pero pasama iyon ng pasama bawat subo nila. Hindi agad naalis ang lasa sa dila nila. 

After nila mailabas lahat ng kinain nila pumunta sila sa cafeteria para bumili ng candy at juice. Bumili sila ng tatlo at tubig para na din kay Bazile na hindi nakakaalis sa classroom niya. 

"Pakiramdam ko nasa dila ko pa din ang lasa ng pagkain ni Bazile," ani ni Marco habang ngumunguya ng candy. Pataas sila ng kanilang building nang makita nila ang napakaraming babae sa pintuan ng classroom nila. 

"Excuse me," ani nina Marcus at nakisiksik papasok sa loob. 

"Balita namin interesado ka sa contest. Gusto mo sumali sa grupo?" tanong ng kilalamg dance group sa university nila. 

"May kagrupo na ako," sagot ni Bazile na patuloy pa din sa pagsasagot. 

"What? Sinong kagrupo mo?" tanong ng lalaki. Binaba nina Marco ang inumin na dala nila. Kumuha si Bazile ng isa at uminom. 

"Kami," sagot ni Marcus. Tumawa ang mga ito sa pag-aakalang nagbibiro lang ang mga ito. Sumama ang timpla ng mga ito kalaunan. 

"Sabihin niyo hindi kayo seryoso doon diba?" madilim ang anyong sambit ng mukhang leader ng grupo. 

"Mukha ba kaming nagbibiro?" tanong ni Marco. Napahilot na lang si Bazile ng sentido. 

Paunti-unti naiirita na siya. Pakiramdam niya hindi niya mahahanap sa university na iyon ang peace of mind at katahimikan na nais niya. 

Pagkatapos ng klase paglabas ni Bazile ng university may itim na sasakyan ang huminto sa harapan niya. Naalarma sina Marcus dahil baka kidnapper na naman iyon. 

Lumabas si Keehan na naka-face mask at cap. 

"Pasok na. Kayo Marcus may gagawin kayong araw? Gusto niyo sumama?" tanong ni Keehan. Agad na binuksan nina Marcus ang backseat na kinatawa ni Keehan. Tumingin si Keehan kay Bazile na nakatayo sa labas ng driver seat.

"Pagbuksan pa ba kita ng pinto?" tanong ni Keehan at ngumisi. Pinigilan na lang ni Bazile tumawa at binuksan ang passenger seat. 

"Hey Peach," bati ni Bazile at binuhat ang anak na nakaupo kanina sa passenger seat. May suot itong maliit na seatbelt. Kinuha ito ni Bazile bago sumakay. Pinaupo niya ang bata sa lap niya at hinalikan ito sa pisngi. 

"Pahawak kami kay Peach!"

Inabot ni Bazile kina Marco si Peach na nagpapasag agad matapos makita ang dalawang lalaki. 

"Aww! Nakilala kami agad ni baby Peach! Namis mo si uncle?"

"Ayos lang ba na nandito ka? Wala kayong work?" tanong ni Bazile at nilingon si Keehan na nagda-drive. 

"The best si manager eh. Lahat ng schedule namin ngayong araw kina-cancel niya at sinasabing need din ng mga artist niya ng day off. Gusto ko ng date ngayon kaya agad kita sinundo at sinama si Peach," ani ni Keehan. Napatigil si Marcus at tinanong kung ayos lang ba na sumama sila. 

"Oo naman! Actually ni-request kayo ni Jaxon. Ayaw niya daw maging third wheel kaya pinasundo niya din kayo," ani ni Keehan. Natawa si Bazile at sinabing palusot lang iyon ni Jaxon. Tiningnan niya si rare view mirror si Marcus na tatawa-tawa lang. 

"Problema iyan ng mga single. Palaging third wheel nandamay pa."

"Bakit feeling ko kami ni baby Peach magiging third and fourth wheel dito," ani ni Marco at tiningnan si Peach. Nagtitigan ang dalawa at sabay tumawa.

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon