35

342 11 6
                                    

Chapter 35 
3rd Person's POV 
Kumakain sila nang  may dumating na dalawa pang babae. Mukhang mga kamag-anak nina Reynold. Mabilis na inangat ni Bazile ang hood ni Keehan. Kumunot ang noo ng kapatid ni Reynold. 

"Anong ginagawa niyo dito na dalawa? Makikikain din ba kayo?" banat ni Reina. Umirap ang babae at nag-cross arm. Sinabing mas marami ang handa nila kaysa sa kanila. 

"Nabalitaan lang namin na may mga bisita ang good for nothing mo na kapatid. Nandito lang kami para sumili—"

Napatigil ang babae matapos mapako ang tingin niya kay Bazile an kumakain ng puto habang nakahalumbaba sa lamesa. Kahit naka-side view ito alam ng babae na artistahin ito. Mukha din mayaman. 

Lalapit ang babae nang humarang si Reynold. Sinabing respeto naman. Tumawa ang babae at tinulak si Reynold. 

"Tumabi ka nga. Baka gusto mo sabihin ko kay mommy lahat ng ito at ipapaalala ko lang din na may utang pa mama mo sa min ng 10k. Hindi ako makapaniwala na nagawa niyo pang maghanda," ani ng babae. Sumama ang mukha ni Marco matapos marinig iyon. 

"Iyan na lang ba ang lagi mong isusumbat sa amin. Sinabi ko ng bayayaran namin kayo diba," inis na sambit ni Reynold. Pinigilan na ng ginang sina Reynold at sinabing hayaan na. 

Naglabas si Marco ng 20k at nagulat si Reynold matapos iyon itapon sa mukha ng kaharap ni Reynold. Nagulat ang lahat. 

"Dinoble ko na. Mukhang hindi kayo makatulog sa 10k niyo. Tigilan niyo na sina Reynold at umalis kayo dito. Nakakawala kayo ng gana," bored na sambit ni Marco. Tumawa si Keehan dahil doon. Agad na pinulot iyon ng kapatid na babae ng kaharap ni Reynold. 

Pulang-pula ang babaeng kaharap ni Reynold at tumakbo palabas. Hiyang-hiya ito sa ginawa ni Marco.

"Hindi mo dapat iyon ginawa Marco."

Malamig na sambit ni Reynold at tiningnan si Marco na bumalik sa upuan.

"Hindi iyon libre— tutor mo ako malapit na ang exam diba? Wala ka ng magagawa— nabayaran ko na ang utang niyo," ani ni Marco at kumagat ng hotdog. Kumunot ang noo ni Reynold. 

"Bakit ako? Alam mo bang rank 1 itong bestfriend mo at rank 2 ang kakambal mo then papaturo ka sa consistent rank 5," ani ni Reynold. Tumawa si Marco at sinabing siya nga wala sa rank diba. 

"Ayaw ko magpaturo sa kanila. Gusto ko sa iyo. Nahihirapan akong intindihin kapag sila nagtuturo," ani ni Marco na isang malaking kasinungalingan. Napa-pokerface si Bazile. 

Hindi kasali si Marco sa rank dahil wala itong alam. Hindi lang talaga ito mga gumagawa ng project at assignment. Puro panggugulo ang ginagawa at panghaharot. Sa exam lang ito bumabawi tagilid pa dahil iniisip ng mga teacher na nangongopya ito lalo na kapag nape-perfect ni Marco ang exam. 

"5k isang araw?"

"Okay libre meryenda," hirit pa ni Reynold. Tumawa si Marco at sinabing demanding si Reynold. Naging maayos naman ang lahat ng araw na iyon. Nagawa ni Bazile i-distract si Keehan at dinala ito sa covered court kung saan may mga palaro at nagpe-perform. 

"Bazile! Sali tayo! Gusto ko ng stuff toy na iyon. 'Yong angry bird!"

"Teka!"

Hinila ni Keehan si Bazile sa gitna. Natakpan ni Marco ang mata matapos mapasali sina Bazile sa contestant. 

Maraming nagtilian matapos makita si Bazile sa stage kasama si Keehan na naka-disguise pa din naman. This time nakaipit ang buhok niya— tinanggal ang make up at nagsuot ng salamin. 

Nandoon pa din ang karisma nito ngunit 100% sure na hindi siya makikilala na si Keehan ng TK. Naglagay din kasi ng temporary hair color na black. 

Nagulat si Bazile matapos ianunsyo at i-explain ng kapitan ang laro. Tinatawag iyong apple challenge with twist . Paunahan silang maubos ang apple. 

"With twist siyempre. After niyo maubos ang apple magi-start ang countdown sa patagalan ng paghalik. Dapat lahat kayo dito couple."

Hindi nagbasa si Keehan sa banner kanina. Lahat doon couple— nilingon ni Keehan ang angry bird stuff toy. Gusto niya 'non. 

"Kapitan," ani ni Bazile. Napatingin ang kapitan— nagulat ito matapos makitang may dalawang gwapong lalaki ang nasama. 

Napatingin din ang mga babaeng constestant. Natulala ang mga ito sa dalawang lalaki. Sumama ang mukha ng mga lalaki sa line na iyon. 

"Hindi kami couple pero pwede pa din ba kami sumali?" tanong ni Bazile. Napatigil si Keehan— tiningnan siya ni Bazile at nilapit ang bibig sa tenga ni Keehan. 

"Ayos lang naman sa iyo diba?" tanong ni Bazile. Kuminang ang mata ni Keehan. Tumango-tango ito gusto niya ng stuff toy pero mas gusto niya yata iyong kiss. 

Nagulat ang kapitan ngunit tumikhim ito at at sinabi na kung ayos sa kanila ang twist. Pwede sila sumali. Marami sa mga babae ang nagtilian after 'non. In some reason kinilig ang mga ito. 

Nagbilang ang kapitan. Tiningnan ni Keehan at Bazile ang apple sa harapan nila. 

"Enjoy na lang natin ito," ani ni Bazile. Tumawa si Keehan at sinabing bagong challenge iyon sa kaniya. Pinaghanda na sila ng kapatid then nag-gesture na ito ng go. 

Bawal ang kamay kaya pahirapan sina Bazile. Isama pa na madulas ang apple. 

"Keehan kakagatin ko iyong apple. Ikaw unang kumagat. Palitan tayo."

Gumagalaw kasi ang apple na nakasabit at kailangan nila iyon pigilan sa paggalaw para makagat nila. Iyon ang ginawa nila at naging effective. Nauuna na sila sa iba pang couple. Agad nagpalakpakan ang mga manonood dahil doon. Mas dumami ang mga tao at lahat sila nakatuon ang pansin kina Bazile na para bang ito lang ang ang mga player doon. 

Sa pagkagat ni Keehan. Last na iyon. Nagkadikit ang labi nila ni Bazile. Napasinghap si Bazile kaya natawa si Keehan dahil doon. Gumusot ang mukha ni Bazile. 

Para kasing inaasar pa siya ni Keehan dahil sa reaksyon niya kanina. Hinapit ni Bazile ang bewang ni Keehan at hinalikan sa labi. Napa-wow ang mga manonood. Kahit iyong nag-pindot ng timer napanganga. 

Noong una ay hindi sumasagot si Keehan ngunit kalaunan ay binuka nito ang mga labi at sumagot kay Bazile. Napahawak si Keehan sa suot na jacket ni Bazile at pumikit. Pilit niya pinakalma ang sarili at huminga para hindi agad siya maubusan ng hangin. 

Pagmulat niya ng mata at pagtama ng mata nila ni Bazile. Nakita ni Keehan ang isa pang side ni Bazile— lagi niya iyon nakikita tuwing nagtatama ang mata nilang dalawa. Inangat ni Keehan ang isang kamay sa likod ng ulo ni Bazile at pinalalim ang halikan nilang dalawa. Hindi pinansin ang tilian ng mga tao nandoon. 

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon