46

400 11 5
                                    

Chapter 46 
3rd Person's POV 
Sumakay sa backseat ang dalawang bata. Tumingin si Bazile rare view mirror para tingnan si Peach at Mathias. 

"Ikabit niyo iyang mga seatbelt," utos ni Bazile. Tiningnan ni Mathias si Peach dahil mukhang nahihirapan itong hilahin ang seatbelt. 

"Ka-Kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Mathias. Tumingin si Peach. Isa pang hila— walang nangyari at sinabing kailangan niya na. 

Sumampa si Mathias sa upuan at hinila nga nito ang seatbelt. Nagkalapit ang mukha ni Mathias at Peach— napatigil si Peach dahil doon lalo na ng makita ang kakaibang kulay ng mata ni Mathias. 

Nang maikabit na ni Mathias ang seatbelt. Umayos na ng upo si Mathias at kinabit ang sariling seatbelt. 

"Ang ganda ng eyes mo katulad ng kay uncle Miguel," komento ni Peach. Hindi nagsalita si Mathias. Kinulbit ni Peach si Mathias. Mukhang nagulat ang bata at lumingon. 

"Dapat mag-thank you ka kasi kino-compliment kita," demand ni Peach. Napailing na lang si Bazile dahil sa ugali ng anak. 

"Pa-pasensya na hindi kita narinig," ani ni Mathias. Nagtaka si Peach dahil doon. Hindi niya alam kung sarcastic ba iyon o talagang hindi siya narinig ni Mathias. 

— 
"Are you a deaf! Sinabi ko I like you!" sigaw ni CG na that time six years old. Tiningnan lang siya ni Mathias. 

Napangiwi si Peach dahil doon. Sinabi ni Mathias na may problema siya sa panrinig at 8 years from now hindi na talaga siya makakarinig. 

"Crush mo pa din ba ako?" tanong ni Mathias. Napatigil si CG dahil doon. Sumama ang mukha ni CG. 

"What? Totoo ba iyang sinasabi mo?" tanong ni CG. Nag-isip si CG. Ayaw niya ng future husband na disabled. 

"Nah ah. Hindi na kita crush," ani ni CG at inirapan si Mathias. Naglakad na paalis si CG— napa-pokerface si Peach. Ngayon alam na ni Peach kung bakit iwas ito sa mga tao at hindi lumalapit sa kanila. 

Lumapit si Peach kay Mathias na umupo muli sa lupa at nilaro ang ligaw na pusa na dumaan sa garden nila. 

Kinulbit ni Peach si Mathias. Napalingon si Mathias. Pumunta si Peach sa harapan ni Mathias at umupo. 

"Huwag mo ng pansinin si CG. Marami naman iyon crush," ani ni Peach. Tiningnan niya si Mathias. 

"Hindi mo ako narinig?" tanong ni Peach. Sinabi ni Mathias na naririnig niya. 

"Nakikinig ka sa usapan kanina?" tanong ni Mathias. Sinabi ni Peach na hindi niya sinasadya. 

Hindi na ulit nagsalita ang dalawa. Tinanong ni Peach si Mathias kung mahilig din ba ito sa musika katulad ng daddy niya. Napatigil si Mathias at tumingin sa babae. 

"Sabi ni papa nakakakalma daw ang pagkanta. Gusto mo ako sabayan?" tanong ni Peach at umupo sa tabi ni Mathias. 

"Kapag malungkot ako at pinagalitan ako nina daddy kumakanta ako. Alam ko effective ito try natin?" 

Nagbilang si Peach at nagsimulang kumanta. 

"Sa bawat pagbagsak ay may simula. Ilang ulit madapa ay pipilitin kong bumangon pa."

"Hindi susuko kahit napapagod na— lalaban kahit puno ng sugat at dugo ang aking mga paa."

Kanta ni Peach. Napatigil si Peach matapos sumunod ni Mathias. Ginaya siya nito kaya natutuwang kumanta si Peach. 

Parehong napatigil si Miguel at Elliseo matapos marinig ang boses ni Mathias. Napatakip ng bibig si Miguel at hindi maiwasan maiyak sa tuwa. 

Mahina ang panrinig ni Mathias. Iyon ang nakikita nina Elliseo na dahilan kaya iwas ito sa tao at hindi umiimik. Nakatingin si Mathias kay Peach habang kumakanta. Paglapit ni Keehan sa dalawa nakita niya din si Peach. 

Kusang napangiti si Keehan matapos makitang kumakanta si Peach katabi si Mathias. 

"Marunong ka mag-hand signing? Minsan nakita ko si Uncle Miguel na gumaganito," ani ni Peach at ginagalaw-galaw ang kamay niya. 

"Yeah," ani ni Mathias. Sinabi ni Peach na mag-aaral siya ng ganoon. 

"Para saan? Hindi ka naman disabled," sagot ni Mathias. Tumingin si Peach. Magkalapit ang mukha ng dalawa. 

"Gusto kita maintindihan. Isa pa kapag adult na tayo at mas matangkad na ako sa iyo. Hindi pwedeng yuyuko ako para kausapim ka at ilapit mukha ko sa iyo like this," ani ni Peach. Nagtitigan ang dalawa ng ilang minuto hanggang sa mag-sink in kay Mathias ang sinabi ni Peach. 

Agad na tumayo si Mathias at lumayo. Tumawa si Peach. Nilingon ni Elliseo si Bazile. 

"Bazile, magkano na pera mo sa bank account mo? Pag-usapan na ba natin ngayon ang kasal?" tanong ni Elliseo. Naibuga ni Bazile ang iniinom na kape matapos marinig ang sinabi ni Elliseo na siguradong ang tinutukoy niyang ikakasal ay anak niya. 

"What the fuck are you saying?"

Sinabi ni Bazile na tatanggalan niya ng eye balls at dalawang kidney si Elliseo kapag ginalaw nito ng anak niya. Walang pakialam si Elliseo at todo cheer pa sa anak na parang bang nakikipagpustahan lang ito sa sabong.

Hinila ni Miguel ang tenga ng asawa at sinabing manahimik na ito. Sobrang bata pa ng anak nila. 

— 
Pagkatapos ng duty ni Bazile at nang masundo ang anak tumungo sila ni Peach sa agency ng TK. Maraming ataff ang napatingin kay Bazile at sa anak nito. 

"Mga bago ba silang artista?"

"Gaga! Pamilya iyan ni Mr.Keehan Alvarez."

"Gosh, girl ang pogi. Ang ganda din ng bata oh."

"Dad! Sina Greco at Mathias oh!"

Tinuro ni Peach ang mga bata hindi sa kalayuan. Lumapit si Bazile hawak ang anak na si Peach. 

"Nasaan ang parents niyo? Pagala-gala kayo dito," tanong ni Bazile. Napatingin ang mga batang lalaki. 

Kinulbit ni Peach si Mathias. Nagtago ito sa likod ng ama ngunit sumilip si Mathias sa likod ni Bazile at nakita niya doon si Peach na tumatawa. 

"May meeting sila uncle. Nabo-bored kami sa lobby kaya nag-ikot ikot kami dito," sagot ni Gerrero. 

"Mathias!"

Napatingin sina Bazile matapos humahangos na lumapit sa kanila si Miguel kasunod si Wax. Napako ang tingin ni Miguel sa mga bata at doon nakita niya ang anak. 

"Mathias! For god's sake saan ka ba sumusuot! Sabi ko doon ka lang sa office diba!" sigaw ni Miguel at napaluhod sa harap ng anak. Hinaplos ang pisngi ng anak. 

"Uncle, sorry. Pinuntahan namin si Mathias sa office niyo at sinama namin para gumala dito," sabat ni Giovanni. Natawa si Bazile at sinabing mag-relax lang si Miguel. Safe ang agency. 

Tumayos si Miguel at napakamot sa ulo. 

"Ito kasi ang unang pagkakataon na nawala si Mathias sa office ng hindi nagpapaalam. Masyado akong nag-worried. Wala naman akong nakikitang dahilan para umalis doon si Mathias," ani ni Miguel. Si Mathias kasi kapag iniwan niya ito sa isang lugar mababalikan niya itong nandoon. 

Hindi ito sumasama sa kahit na sino at kahit kina Giovanni umiiwas ito ngunit ng oras na iyon sumama ito kina Greco. Medyo shocked siya doon. 

"Don't worry uncle! Friend na kaming lahat!" ani ni Peach at hinila-hila si Mathias. Tumango-tango si Mathias at tiningnan sina Giovanni. 

"Alam na din namin kung bakit siya iwas sa amin and we don't mind naman," sagot ni Greco. Nakahinga ng maluwang doon si Miguel at ngumiti. 

"Kayo na bahala kay Mathias okay? Huwag kayong masyadong malikod at huwag lalabas ng agency," ani ni Miguel. Agad na sumagot ng yes ang mga bata. Nagpaalam si Peach kung pwede siya sumama kina Greco.

"Okay, walang mag-aaway okay?" bilin ni Peach. Sumagot si Peach ng yes at humalik sa pisngi ng ama matapos yumuko si Bazile para halikan siya sa noo.

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon