39

369 15 4
                                    

Chapter 39 
3rd Person's POV 
Inatake ni Bazile ang taong may hawak na katana bago pa maibaon nito ang katana sa natutulog na si Keehan. 

Umilag si Bazile matapos may nagpaputok ng baril. Kinuha ni Bazile ang lamp shade at binato iyon sa lalaki. 

Magpapaputok ang lalaki nang biglang mabasag ang salamin. Bumagsak na lang ang dalawang lalaki matapos may tumamang bala sa ulo ng mga ito at galing ang bala sa labas ng kwarto. 

Lumingon si Bazile. Nakarinig pa siya ng sunod-sunod na putok ng baril mula sa labas. Narinig ang boses ni Grim mula sa labas ng kwarto. 

"Kuya!"

Bumukas ang pinto. Pumasok si Grim at nakita niya ang dalawang lalaki sa sahig. Sinabi ni Grim na ilabas si Keehan doon at dalhin sa library. Puro pader doon at walang bintana. Pinaka-safe din doon dahil sound proof. 

Lumapit si Bazile sa kama at binuhat si Keehan na natutulog pa din. Tumakbo palabas si Bazile at sinundan siya ni Grim kasunod sina Apollo. 

"Anong gagawin natin?" ani ni Wax na naiiyak habang yakap si Gaizer. Pinakalma ni Gaizer si Wax at Miguel. 

Walang masabi si Gaizer dahil kahit siya natatakot. Lumapit sina Grim— hinalikan ni Grim sa noo si Gaizer. 

"Walang makakagalaw sa inyo at sa mga bata. Sisiguraduhin namin iyan," ani ni Grim na may malamig na boses. Sinabi ni Grim na doon lang sila at huwag lalabas. 

Lumabas ang TK kasama si Bazile at sina Marco. Nasa hallway ang buong grupo. 

"Elliseo, maiwan ka dito," ani ni Apollo. Nagulat si Elliseo. 

"What the heck! Ako lang ang sanay sa ganitong sitwasyon tapos iiwan niyo ako dito! Balak niyo na ba magpakamatay lahat!" sigaw ni Elliseo. Walang umapila. 

"Wala ng mas hahalaga pa sa buhay ng mga tao sa loob ng kwarto na iyan. Kapag may nakapasok diyan. Game over na," ani ni Grim na may malamig na expression. Napatigil si Elliseo. Bumuga ng hangin si Jaxon at dumampot ng baril. 

"Hangga't maari ayokong pumatay ng tao pero mas lalong ayoko pa mamatay. Lalaban tayo," ani ni Jaxon. Tumakbo sina Grim patungo sa labas. Nakita nila ang secretary ng ama ni Grim. May hawak itong katana at nababalutan ng dugo. 

"Young master," ani ng secretary. Nagpasalamat sina Bazile. Sinundan sila ng secretary. 

Pagkababa ng hagdan. Nagulat sina Apollo matapos makita ang Ikigai. 

"Uncle!" sigaw nina Marco. Lumapit si Rai at pinagmumura ang mga ito. 

"Nagulat ako. Mukha ng sementeryo itong resthouse mo," ani ni Aki. Sumama ang mukha ni Grim doon ngunit hindi na siya nakipagtalo dahil biglang nabasag ang salamin at may mga pumasok sa loob. 

"Guys, hangga't maari ayoko makita ang isa sa atin sa first page ng newspaper bukas. Walang papatalo," banat ni Aki. Nagbiro pa si Grim na kapag namatay si Aki magiging pink ang kabaong ng binata. Makikipag-meet din si Aki kay san pedro na naka-dress. 

Agad na pinaghiwalay ni Rai ang dalawa na nagsisimula na naman magbardagulan. Walang mga pinipiling lugar at sitwasyon. 

Lahat naman sila natuto ng mga self defence ngunit hindi sila handa sa ganoon. Malakas na sinipa ni Grim ang umatake sa kaniya at binali ang leeg nito para hindi na bumangon pa. 

Ayaw nila mamatay. Malakas na hinampas ni Marco ng nadampot na kawali sa ulo ang kalaban. Nanlaki pa ang mata nito matapos bumaon ang espada nito sa kawali na hawak niya. Muntikan pa iyon bumaon sa ulo niya. 

Biglang bumagsak ang kalaban. Nakita niya si Marcus na may hawak na baseball bat. 

Hinagis niya iyon kay Marco at sinabing protektahan ang sarili nito. Tumakbo paalis si Marcus matapos masalo iyon ni Marco. 

Maya-maya nagulat sina Apollo matapos mamatay ang ilaw. May humila sa kanila— papasok sa kusina. Siguradong kusina iyon at narinig nila ang boses ni Kai. 

"Bazi—"

"Huwag kayong maingay," bulong ni Bazile. Nakita ni Bazile na hindi gumagalaw ang kalaban. Nakita pa nila na ito-ito na din ang mga nagpatayan. 

"Saan ka pupunta," ani ni Grim. Nagulat si Bazile dahil mukhang nakakakita din si Grim sa dilim. 

"Shit— wala akong makita. Mas natatakot ako sa ganito," bulong ni Jaxon. Bumangga ito sa lamesa napatingin doon ang mga kalaban. 

"May mga gas sa ilalim ng sink. Kuhanin niyo lahat iyon at itapon sa sahig."

"Are you out of mind— pati tayo matutusta dito," may diin ba bulong ni Rai. Lumingon si Bazile. 

"Gawa sa matibay na mwebles ang resthouse na ito at may emergency fire alarm dito sa kusina. I-activate niyo iyon before pa kumalat ang apoy at makaabot sa kusina," ani ni Bazile. Napamura si Apollo. Wala talaga silang nakikita. 

"Grim doon tayo sa hagdan. Need natin i-make sure na walang makakataas. Magbantay ka naman doon sa labas siguraduhin mong walang makakalabas," ani ni Bazile matapos tingnan ang secretary. 

Lumabas sina Grim at umatake. Pahirapan dahil masyado ang mga ito marami ngunit kailangan nila maagaw ang atensyon ng mga ito. Mabilis na tinapon nga nina Aki ang gas— pasalamat na lang sina Aki na walang amoy ang mga iyon at parang tubig lang. 

"Kailangan maikalat ito sa living room," ani ni Apollo. Kinuha iyon ni Aki at sinabing nakikita niya na ang mga tao sa living room. 

Nagbukas sina Lucian ng apat at dinala iyon ni Aki sa living room. Sinundan siya ni Grim. Binuhos iyon ni Aki sa sofa  at sa ilan pang bahagi ng living room. 

Sa ikalawang palapag. Nakaupo si Elliseo sa sahig hawak ang paborito nitong patalim. Napatigil ito sa paglalaro nang patalim matapos may makitang limang bulto na papalapit. 

Bago pa makadalawang hakbang ang mga ito palapit sa kwarto. Inatake sila ni Elliseo— pinatamaan ang mga ito sa leeg na kinasigaw ng mga ito sa sakit. 

Ngunit sa pagtayo ni Elliseo. May tumama sa hita niya na karayom. Napaluhod si Elliseo matapos makaramdam siya ng sobrang antok. Naiyukom ni Elliseo ang kamao matapos may maaninag na babae. 

"Hah!" ani ni Elliseo. Sinaksak ni Elliseo ang sariling hita. Ngumisi ang babae dahil doon. Ginawa iyon ni Elliseo para mawala ang antok niya at magawang tumayo. 

Sa loob ng kwarto napaingit si Keehan at bumangon. Madilim ang paligid at naaninag niya si Gaizer sa tabi niya. 

"Manager," ani ni Keehan. Napalingon ang lalaki— bumangon si Keehan habang hawak ang ulo. 

Nanatili doon si Gaizer dahil biglang bumangon si Keehan at tinangka lumabas ng kwarto. 

"Bakit ang dilim? Nasaan tayo?"

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon