31

352 10 2
                                    

Chapter 31 
3rd Person's POV 
Pagkalipas lang ng isang linggo at tatlong araw. Nagising ni Bazile. Tuwang-tuwa ang lahat matapos magising si Bazile ngunit pinag-stay pa ito sa hospital dahil sa malalim nitong mga sugat.

"Alam mo ba kung gaano nag-alala sa iyo si Keehan! For god's sake," ani ni Elliseo na sapo ang noo. Kumunot ang noo ni Bazile. 

"Keehan? Sino iyon?"

Tanong ni Bazile. Mahabang katahimikan ang nangyari sa silid matapos marinig iyon kay Bazile. 

"Hanggang saan naalala mo Bazile?" tanong ni Grim. Napa-pokerface si Bazile. 

"Iyong practice namin nina Marcus para sa foundation day," sagot ni Bazile at nilingon ang kapatid. 

"Anong ginagawa ko dito sa hospital at marami akong sugat?"

— 
"Tulog pa din si Keehan?" tanong ni Apollo. Agad na sumagot si Jaxon at sinabing oo. Nag-aalala na silang lahat dahil ilang days na tulog si Keehan. 

Bumuga ng hangin si Apollo at sinabing kapag lumipas nag tatlong araw hindi pa din gising si Keehan tumawag na sila ng doctor. 

Binaba ni Apollo ang cellphone. Tumingin si Elliseo kay Apollo. 

"Anong gagawin natin? Wala pa din tayong makitang doctor para gumawa ng mga treatment kay Keehan," ani ni Elliseo. Sumandal sa upuan si Apollo at hinilot ang bridge ng ilong niya. 

Tiningnan ni Apollo si Bazile na nakaupo sa unahan na upuan katabi si Grim at nakatingin sa labas. May suot itong headset. Ano ngang gagawin nila hindi din maalala ni Bazile si Keehan. 

"Wala naman sigurong mas may lalala pa dito diba?" bulong ni Apollo. Noong araw na iyon ang pag-uwi ni Bazile. Sinabi ni Grim na huwag magparagalaw si Bazile. 

Tumungo si Bazile sa room niya. Malinis iyon katulad ng dati— ngunit in some reason naninibago siya. May kulang sa kwarto. 

Umupo si Bazile sa kama at humiga doon. Gusto niya muling matulog. Inaantok siya. 

Pumikit si Bazile ngunit noong kalaliman ng gabi nagising siya. Parang sanay na siya magising ng ganoon na oras. Tiningnan ni Bazile ang maliit na orasan sa table. Saktomg 3am. 

Bumangon si Bazile at napahawak sa tiyan matapos makaramdam ng gutom. Lumabas si Bazile ng kwarto. Gusto niya kumain— alam ni Bazile ay wala siyang stock sa room na iyon. Nawala din iyon sa isip ni Bazile. 

Pagbukas niya nang room napatigil si Bazile matapos may makitang lalaki na nakatalikod sa direksyon niya. Nakasuot ito nang puting longsleeve at itim na panloob. 

"Hey. Sino ka?"

Sigurado siyang hindi ito sa TK o isa mga asawa ng TK. Lumingon ang lalaki at nagulat si Bazile. Nahila ni Bazile ang hininga matapos makita ang mukha ng binata. May maamong mukha at nakakaakit na tingin. 

"Hah! Kung sinuwswerte ka nga naman," ani ng lalaki at naglakad palapit kay Bazile. 

"Ikaw iyong lalaking type ko," ani ni Keehan na may ngisi sa labi. Hinila nito ang kwelyo ni Bazile at ilalapit ang bibig nito sa labi ni Bazile nang takpan ni Bazile ang bibig ni Keehan out of instinct. 

 "A-Anong ginagawa mo dito? Baliw ka ba?" tanong ni Bazile. Naguguluhan siya— sino ang lalaking kaharap niya at sobrang laki ng epekto nito sa puso niya. 

Hindi siya naa-attract sa lalaki alam niya iyon pero iba ang dating niya sa lalaking ito na ngayon ay nakatingin sa kaniya na may nakakalokong tingin. 

"Keehan?" 

Napatingin si Bazile at Keehan. Naitulak ni Bazile si Keehan at napalakas iyon. 

"Keehan!" sigaw ni Jaxon at lumapit sa binata na ngayon ay nakayuko. Agad na nag-sorry si Bazile ngunit tumayo lang ang lalaki at pinagpagan ang sarili. 

"Hindi ko kailangan ng sorry mo. Type pa naman sana kita kaso ayoko ng pa-hard to get," ani ni Keehan. Hindi alam ni Jaxon ang nangyayari ngunit tama ba nakikita niya. Nagsasalita si Keehan? Half sleep lang ito. 

Nilingon siya ni Keehan. Napataas ng kamay si Jaxon matapos ipulupot ni Keehan ang braso sa batok ni Jaxon. 

"Are you free tonight?" mapang-akit na tanong ni Jaxon. Nanlamig si Jaxon dahil doon. Tiningnan niya si Bazile na nakakunot ang noo. 

"May boyfriend ka pala Jaxon?" ani ni Bazile na may pagtatakha sa mukha. Gasto mo Jaxon sabihin na hindi siya ang boyfriend nito kung hindi si Bazile ngunit hindi pa nakaka-recover si Bazile. Hindi niya pwede ito biglain. 

Napatigil si Jaxon matapos maramdaman na lumuwang ang hawak ni Keehan sa kaniya at naramdaman ang malalim na paghinga ni Keehan na nakasubsob sa leeg niya. 

Hinawakan ni Jaxon ang bewang ng kaibigan at binuhat ito pa-bridal style. 

"May sexomania si Keehan. Pwede ba kapag makikita mo siya ibalik mo na lang siya sa room niya. Sa mga oras kasi na ganito wala siya sa sarili," ani ni Jaxon. Hindi nagsalita si Bazile kaya tumalikod si Jaxon at dinala si Keehan sa room nito. Naiyukom ni Bazile ang kamao. Naiinis siya at hindi niya alam ang dahilan. 

Imbis kumain pumasok na lang sa room si Bazile. Nawalan siya bigla ng gana kumain. Dumapa sa kama si Bazile na iniisip ang mukha ng binata at ang sinabi ni Jaxon. 

"Sexomania? Ang lalaking iyon?"

Kinabukasan, 
"Tuwing 3am lang nagigising si Keehan ngunit nagpapasalamat ako dahil hindi katulad ng dati mga 5 or 6 minutes lang nakakatulog na si Keehan," ani ni Jaxon. Nag-aalala na sina Gaizer. 

"Hindi ko alam kung maganda ba iyan o hindi— hindi pa din nagigising si Keehan," ani ni Miguel. Natahimik ang mga nasa kwarto matapos pumasok si Bazile. 

"Bazile? Kumain ka na. Papasok ka ba ngayon?" tanong ni Gaizer at tinuro ang lamesa. Sinabi ni Gaizer na may pagkain sa lamesa. 

"Hindi ka ngayon papasok Bazile. Hindi pa din gumagaling mga sugat mo," ani ni Grim na kasalukuyang may binabasa na magazine. Hindi siya pinansin ni Bazile at tumungo sa lamesa para kumain. 

"Alis na muna ako. Silipin ko si Keehan," ani ni Jaxon at tumayo. Nagpaalam kina Apollo bago lumabas ng unit. 

Tinungo ni Jaxon ang room ni Keehan ngunit nagulat siya matapos makitang bukas ang kwarto. Tiningnan ni Jaxon ang katapat na kwarto at nakitang bukas ang room ni Bazile. 

"Keehan!"

Binuksan ni Keehan ng tuluyan ang room ni Bazile. Nakita niya si Keehan na naiiyak. 

"Nasaan si Bazile? Ayos lang ba siya?"

Hinila ni Jaxon si Keehan patungo sa room nito at sinara ang pinto. Sinabi ni Jaxon na hindi siya naalala ni Bazile at nakumpirma nilang ang mga taong humahabol sa capsule ang nagplanong patayin si Bazile. 

"Mukhang alam na nila kung sino ka."

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon