37

347 14 6
                                    

Chapter 37 
3rd Person's POV 
Natural na lumabas ang innocent look ni Keehan matapos mahawak ang isang pulang rosas. Lumingon ito at doon kahit ang camera man natulala. 

"Perfect! Cut! Cut!"

"Wala may nanalo na," tumatawa na sambit ni Jaxon at inasar si Apollo. Hindi maalis ang tingin ni Bazile kay Keehan na kasalukuyang nakaupo sa damuhan at may hawak na itim na pusa. 

Maya-maya after taping. Tumatakbo na lumapit si Keehan sa manager niya at pinakita ang palad niya. 

"Manager! Wahh! Iyong palad ko ang hapdi!" 

Nagtatalon si Keehan at sinabing gamutin niya iyon dahil nangangati. Nag-panic naman ang mga staff dahil doon. Napasapo si Apollo sa noo. 

Masyadong sensitive ang katawan ni Keehan at balat. Nakatalikod si Keehan at dahil transparent ang suot nitong sleeve. Kitang-kita ni Bazile ang tattoo ng TK sa likod ng balikat ni Keehan. Napatigil si Bazile at napasapo sa ulo matapos kumirot iyon. 

Nakita niyang ang tattoo na iyon sa ilalim niya. Nakita niya ang sarili na kinakagat iyon at hinahalikan. 

 "Bazile."

"Bazile!"

Parang bumalik lahat ng senses ni Bazile matapos siya hawakan ni Keehan sa balikat. Napatayo din sina Grim at tiningnan si Bazile na may pag-aalala sa mukha. 

"Sumasakit na naman ba ulo mo?" tanong ni Grim. Umayos ng upo si Bazile at sinabing kumirot lang iyon. Hindi niya sinabi ang about sa pumasok sa isip niya— hindi niya alam kung ala-ala ba iyon o ilusyon. 

"Umuwi na tayo. Para makapagpaghinga na ang lahat," ani ni Apollo. Binuhat ni Keehan si Peach matapos iaabot sa kaniya ni Wax ang baby. 

— 
Pinunasan ni Bazile ang mukha gamit ang towel matapos ang practice nila ni Marco at Marcus ng sayaw. Maingay sa court at medyo maraming tao ngunit nagawa naman nina Bazile mag-practice. 

"Anong sabi mo kanina. Don't tell me pinagnanasaan mo si Keehan," biro ni Marco. Nabatukan siya ni Reynold at sinabing manahimik. 

Sumali si Reynold sa practice para sa grade na agad naman siya tinanggap nina Bazile dahil minimum member na pwede mag-participate ay apat. 

"Medyo nawi-wierduhan lang ako kasi matagal ng miyembro ng TK si Keehan pero wala akong naaalala sa kaniya na kahit ano. Tapos biglang ang gaan ng loob ko sa kaniya kahit hindi ko siya ganoon kakilala," ani ni Bazile. Binuksan nito ang mineral water na hawak. 

Alam nina Marcus kung anong dahilan ngunit hindi nila pwede iresist si Bazile na maalala ang lahat.

Matapos ang practice umuwi na si Bazile. Tinungo niya ang playroom dahil laging nandoon si Keehan at tama siya nandoon ang lalaki. Nakahiga sa sahig habang nakapatong dito ang anak nito na si Peach. 

Mukhang masarap ang tulog ni Keehan kaya kumuha si Bazile ng comforter at pinatong iyon sa binata. Nagising iyong baby. Nagtama ang mata nila— medyo nagtaka si Bazile kahawig nila ni Grim ang sanggol. Kinuha ito ni Bazile bago pa ito umiyak. 

Medyo worried siya kasi baka hindi siya kilala ng bata at bigla na lang magwala. Ngunit nang tumawa ito at nilaro ang suot niya na I.D medyo nakahinga ng maluwang si Bazile. 

Lumapit si Bazile sa crib at kinuha ang pacifier nito at sinubo sa baby. 

"Tulog si papa. Huwag kang maingay okay?" ani ni Bazile at umupo sa sulok ng kwarto. Nilaro ang baby at tinitigan itong mabuti. Sabi nina Jaxon anak ito ni Keehan. 

"Sinong mommy mo? Maganda ba siya at mabait?" tanong ni Bazile. Tiningnan siya ni Peach ng inosente. 

"Bakit niya kayo kinalimutan? Bakit hindi ka kamukha ng papa mo?"

Tumawa ang baby. Napa-pokerface si Bazile na feeling niya pinagtatawanan siya ng baby dahil kumakausap siya ng bata na hindi pa marunong magsalita. 

Hinawakan ni Peach ang pisngi ni Bazile. Napaingit si Bazile at napahawak sa sentido matapos kumirot iyon. Nakita niya si Keehan na nakaupo sa kama habang buhat si Peach. 

'Bye daddy!'

Hindi maintindihan ni Bazile bakit pumapasok sa isip niya ang mga bagay na iyon. Hindi niya alam kung ala-ala niya iyon o ilusyon lang. 

Nagising si Bazile nang may humahalik sa pisngi niya pababa sa leeg niya. Naimulat ni Bazile ang mga mata. Nakita niya si Keehan na nakababa ang ang kwelyo ng malaki nitong t-shirt. Kitang-kita ni Bazile ang balikat ng binata. 

"Gising ka na."

Ngumisi si Keehan at napa-pokerface si Bazile. Nanlaki ang mata ni Bazile at napatayo. 

"Nasaan si Peach!"

Ginala ang paningin sa kwarto at tiningnan si Keehan. Inosente siyang tiningnan ni Keehan. 

"Iyong tiyanak na hawak mo? Nilagay ko sa crib," ani ni Keehan. Tinungo ni Bazile ang crib at nakita niya nga ang sanggol na natutulog. 

"Baka pwede ako naman ang alagaan mo," ani ni Keehan na may paglalambing sa boses at hinalikan sa batok si Bazile. Nagtaraasan ang balahibo ni Bazile doon.

Agad na humarap si Bazile. Tinakpan ang bibig ni Keehan at sinabing bumalik na sa pagtulog. Sa paghakbang ni Bazile paabante— unti-unti napapikit si Keehan na agad sinalo ni Bazile. Hinawakan nito ang ulo ni Keehan at pinangko ito.

Kinabukasan,
Kumunot ang noo ni Bazile matapos mapansin ang tingin ng mga nadadaanan nila. Hindi na niya pinansin ang mga ka-schoolmate at tinungo ang building kung saan ang classroom nila. 

"Tinawagan mo si Jaxon?" tanong ni Marco habang katabi ang kapatid nito. Hindi nito napansin si Bazile. 

"Mukhang nasa studio na sina Jaxon. Hindi sumasagot ang TK," ani ni Marcus at binaba ang phone. 

"Anong meron?" tanong ni Bazile. Napatigil sina Marcus. Binaba ni Bazile ang bag niya sa upuan at umupo. 

Lumingon sina Marco at Marcus. Sinabing hindi muna dapat ito pumasok. 

"Ha? Bakit?"

Pinakita ni Marco ang video na kumakalat sa internet. Iyon 'yong video sa fiesta and worst may clip doon. Nagulat si Bazile matapos makita niya ang picture ni Keehan na may kahalikan na babae sa likod ng building. Bata pa dito si Keehan at nasa 2nd year highschool pa lang. 

Meron din iba pang picture kasama ang iba't ibang lalaki at babae. Lumabas din ang medical report ni Keehan na may sexomania ito. 

Nagdilim ang mukha ni Bazile matapos makita iyon. 

"Sino nagpakalat ng video?" tanong ni Bazile at tiningnan sina Marcus. Lumapit si Marcus at bumulong. Napatigil si Bazile. 

"Iyong company?"

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon