36

347 9 3
                                    

Chapter 36 
3rd Person's POV 
Sina Bazile at Keehan ang nanalo. Agad na kinuha ni Keehan ang angry bird stuff toys at tuwang-tuwa na pinakita kay Keehan. 

May prize din na pera. Binibigay iyon ni Keehan kay Bazile. 

"Nag-participate ka din dapat may premyo ka din," ani ni Keehan. Kinuha ni Bazile ang biniling mineral water at iniinom iyon. 

"Nakakuha na ako ng prize. You don't need to worry."

Nagtaka si Keehan at nilingon ang kapitan. Nagtanong si Keehan kung may binigay sa kaniya ang kapitan. 

"Anong gusto mo? Coke o mineral?" Agad na sumagot si Keehan na mineral. Maya-maya napatingin si Keehan matapos may apat na bata na kasalukuyang humihingi ng mga pagkain. 

"Pangkain lang po."

Nang lumapit sa kanila ang dalawang bata. Binigay ni Keehan ang hawak nitong 10k. Napatingin si Bazile. 

"Bumili kayo ng maraming pagkain."

Nanlaki ang mata ng mga bata matapos makita iyon. Mangiyakngiyak ang mga ito na nagpasalamat. Nakita din iyon nina Marco at Reynold. 

"Binigay mo iyong pera," ani ni Bazile. Lumingon si Keehan at ngumiti. 

"Sobra-sobra na ang premyo ko tapos may stuff toy pa ako," ani ni Keehan at tinaas iyong stuff toy. Ngumisi lang si Bazile. 

"Oy nandiyan pala kayo. Kanina pa namin kayo hinahanap," ani ni Reynold at lumapit sa dalawa. Napatingin si Marco. 

Kanina pa sila doon at nakita nila ito sa court kanina. Nagulat si Keehan. 

"Ka-kanina pa kayo?" tanong ni Keehan na medyo nataranta. Kaklase ito ni Bazile. 

"Nope, ang daming tao kanina gawa ng parada. Kararating lang namin. Bakit?" tanong ni Reynold. Natawa si Keehan at sinabing wala. Napakamot ito sa ulo. 

Tiningnan ni Marco si Reynold. Alam nitong maiilang si Keehan kapag nalaman nito na nakita nila ang nangyari kanina. He don't mind naman. Hindi siya mahilig mag-judge ng isang tao base sa status at sexual orientation. 

Like kanina. Nakita niya si Keehan na binigay ang pera sa mga pulubi— nakikita niya din mula dito nag sincerity walang halong acting at pagkukunwari. 

"Uy tingnan niyo! May nagma-magic tara!" ani ni Keehan at hinila-hila sina Marco at Bazile.


Naibuga ni Jaxon ang iniinom matapos may i-send sa kaniya si Marcus. Napatingin sina Elliseo at Apollo. 

"The heck sa public pa talaga nagkalat ang mga gago na ito. Nasisiraan na ba ang ulo si Keehan."

Sinilip ni Elliseo ang phone ni Jaxon. Nasa likod ng sofa si Elliseo at tinungkod ang isang braso sa sandalan ng sofa. Doon nakita niya sina Keehan at Bazile na nagki-kiss. 

"Whoa— Grim. Tingnan mo kakambal mo," ani ni Elliseo na natatawa. Hinarap ni Jaxon ang phone kay Grim na nabitawan ang hawak na magazine. 

"Nice para akong nanonood ng movie before bedscene," react ni Gaizer na natatawa. Maya-maya bumukas ang pinto. Pumasok si Keehan na natawa habang hawak ang angry bird stuff toys. 

Napatigil sila matapos maramdaman ang tingin ng buong miyembro ng TK. 

"Keehan mag-usap tayo," ani ni Grim na may malamig na expression. Kumunot ang noo ni Bazile— out of instinct hinarang ni Bazile ang isang braso niya kay Keehan noong lalapit ito sa nga barkada. 

Napatay ni Jaxon ang phone niya. Naka-loud speaker iyon. Tumayo si Grim. Umatras si Bazile at tinago niya si Keehan sa likod niya na may hindi maintindihan na expression. 

"Anong kinagagalit mo kuya?" tanong ni Bazile na nakikipagsukatan ng tingin sa kakambal. Tumingin si Apollo kay Grim. 

Tumayo si Gaizer at hinawakan ang asawa sa braso. Sinabi na Gaizer na huminahon si Grim at mag-usap usap sila ng maayos. 

"Anong kinagagalit ko? Ginawa niyo ito sa public without thinking the consequence. For god's sake Keehan papatayin mo ba talaga si Bazile!" 

Napatigil si Keehan matapos marinig iyon. Walang naiintindihan si Bazile ngunit ayaw niya makipag-usap sa kakambal na galit ito. Nilingon niya si Keehan at napatigil si Bazile matapos mawalan ng kulay ang mukha ni Keehan. 

"Lumabas ka muna Bazile," ani ni Keehan at napayuko. Hahawakan ni Bazile si Keehan ngunit agad niya nabawi iyon. Nilampasan siya ni Keehan at lumapit kina Grim. Naiyukom ni Bazile ang kamao at binuksan ang pintuan. Lumabas si Bazile. 

"Hindi mo ba alam ang dahilan bakit tina-target ng mga yakuza si Bazile? Ginawa nila iyon para gamitin sa iyo! Tapos nilantaran mo pa siya sa labas at magkasama pa kayong dalawa. Keehan— gusto mo na ba talaga mamatay?" tanong ni Grim. Sinaway na siya ni Gaizer. Nawala sa isip ni Keehan ang sitwasyon dahil kasama niya si Bazile. He feels safe pero hindi niya naisip na maari din mapahamak si Bazile dahil sa kaniya. 

"Keehan, kung maari hangga't hindi pa natin nahahanap ang mga taong nagtatangka sa buhay niyo ni Bazile. Lagyan niyo ng limitasyon ang galaw niyo," ani ni Elliseo. Na-ireport na sa kaniya ng mga tauhan niya paglabas ng dalawa sa building ngunit hindi niya ini-expect na pupunta ang mga ito sa maraming tao.

Kinabukasan, 
"Cut!"

Napapalakpak si Gaizer matapos magawa ni Keehan ang first scene niya. Bagong music video iyon ng TK at kay Keehan na ang ishu-shoot sa araw na iyon. 

"Ibahin kaya natin ang background ni Keehan. Masyado ng luma ang cute personality niya. Isa pa hindi bagay sa theme ng kanta at sa TK."

Nakaupo ang buong miyembro ng TK sa lamesa katabi nila si Bazile na nakahalumbaba habang nakatingin kay Keehan na mukhang nabo-bored na din sa taping na iyon. 

Napatingin ang director na uncle ni Apollo sa leader ng TK. Nakasampa ang dalawang paa ni Apollo sa lamesa at pinaiikot sa kamay nito ang isang ballpen. 

"Mas bagay kay Keehan ang sexy and innocent theme," ani ni Apollo. Tumawa ang uncle ni Apollo at sinabing pareho sila ng iniisip ni Apollo. 

Lumapit si Keehan sa director at kinausap ito. Napatanga si Keehan ngunit maya-maya tumango ito. Sinabing gagawin niya ang best niya. 

Binago ang site. Pumunta sila sa isang field na puno ng bulaklak at magagandang paru-paro. Sinabi ng director na ihanda na lahat. 

Pumasok sa tent si Keehan. Umupo sina Apollo sa mga lamesa na nasa lilim ng puno at doon tumambay. Hinintay si Keehan. 

Makalipas ang halos kalahating oras. Lumabas si Keehan. Hapit na jeans, puting longsleeve na bukas lahat ng butones kaya kitang-kita ang perfect slim body figure ni Keehan. Isama pa na namumula ito habang hawak ang isang braso. 

Napatigil ang TK at sina Wax matapos makita si Keehan. May mga staff ang biglang nag-nose bleed matapos makita ang lalaki. 

"Perfect!"

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon