Chapter 33
3rd Person's POV
"Paanong nadawit sa gulong ito ang pamilya ko. Bakit kami pinaampon ng mga magulang namin?" tanong ni Keehan. Bumaba ang tingin ng ginang. Sinabing walang pagpipilian ang lalaki at kapatid niya."Noong nagawa ang capsule tinago iyon ni Alfred. Kahit sinabing pagkakamali iyon hindi iyon ang tipo ng gamot na dapat i-surrender kahit sa gobyerno. Ngunit iyong tatlo na pinagkatiwalaan ni Alfred— isa doon sinabi ang about sa gamot. Tinapon ni Alfred ang unang gawa niya ng gamot na iyon ngunit hindi niya alam na kinuha ng isa sa mga kaibigan niya ang isa sa capsule."
"Kinuha siya ng mga yakuza at pilit na pinagtrabaho. Pinatay ang dalawa dahil hindi pumayag ang mga ito na ituro ang formula ng gamot na iyon— ayaw ni Alfred maki-cooperate 'nong una. Walanv choice ang mga Yakuza kung hindi pahirapan ito dahil hindi nila ito pwede patayin lalo na at ito na lang ang nakakaalam kung paano gawin ang gamot."
"Then doon nakilala ni Alfredo ang kapatid ko. Matagal ng miyembro ng Yakuza si Rosalie kasama ako. Ini-assign siya para bantayan si Alfred."
"Talagang gwapo ang ama mo ng mga time na iyon kahit mga lalaki pinagdidiskitahan siya at tinangkang gawan ng masama ngunit lagi itong pinipigilan ni Rosalie."
"Na-in love si Alfred kay Rosalie. Hindi ko alam na hindi pala ang pinaka-mission ni Rosalie doon ay bantayan si Alfred. Lahat ay plano lang at gusto nila na magkaroon ng weakness si Alfred," ani ng ginang. Napatigil si Keehan.
"Ginamit nila ang tunay kong ina."
Tumango si Rose. Sinabi nito noong una ay umaayon lahat sa plano. Ginamit nila si Rosalie para gumawa ng gamot si Alfred at nangako itong pakakawalan si Rosalie na nagbubuntis 'non sa unang anak nila ni Alfred.
"Gumawa si Alfred ng tatlo. Handa iyon gawin ni Alfred para sa mag-ina niya. Ngunit hindi tumupad si Rosalie sa usapan."
"Kinuha niya lahat ng gamot na ginawa ni Alfred, sinira ang formula, pinasabog ang laboratory at itinakas si Alfred. Lahat iyon ginawa niya mag-isa."
"Hindi naging kanan na kamay ng leader ng mga yakuza si Rosalie ng wala lang. Nagtago sila ni Alfred at nagpalipat-lipat ng lugar hanggang sa pinanganak nga si Kendrick. Nagpasya na sina Alfred na iwan ang dati nilang buhay."
"Then pinanganak ka at lumipas lang ang dalawang taon nahanap ng mga yakuza si Rosalie. Tinangka nila kayong patayin."
"Doon nagpasya sina Alfred at Rosalie na ibigay kayo sa dalawang pamilya na alam nilang maitatago ang identity niyo. Tumakas sila dala ang mga gamot at para iligaw din ang mga kalaban.".
"Hindi nila gusto iyon ngunit habang buhay si Alfred at nage-exist ang gamot na iyon hindi sila titigilan them makalipas lang ang ilang taon. Dinala nila sa akin si Rosalie. Paulit-ulit humingi ng tawad sa akin si Rosalie. Wala na akong idea sa plano nila ngunit nagulat ako isang araw nabalitaan ko na lang na wala na si Alfred. Napatay si Alfred at isa sa mga kaibigan niya ang may gawa."
Naiyukom ng ginang ang kamao.
"Kinontak ako ni Rosalie at binilin niya sa akin ang mga anak nila. Galit na galit si Rosalie at sinabi niyang magbabayad lahat ng pumatay kay Alfred."
"Iyon ang reason bakit nasa criminal list si Rosalie Cruz— isa siya sa mga pinakamaraming kaso dahil kahit ang mga taong nasa posisyon pinapatay niya," ani ni Elliseo. Umabot ng 78 ang pinatay ni Rosalie Cruz.
"Inisip ko 'non noong una nababaliw na siya ngunit isang araw bumalik siya after ng ilang taon. Binalikan niya si Kendra at niyakap— kasama si Kendrick. Doon nalaman ko na hinanap ni Kendrick ang ina niya."
"Si Kendrick ay binantayan si Rosalie pagkatapos nga ito isilang ata dalhin sa akin. Ngunit noong araw na din iyon namatay silang dalawa. Pilit na pinainom ni Rosalie ng gamot si Kendra at ginawa itong bata."
"Kamukhang-kamukha ni Kendra si Rosalie. Sa tingin ko din uminom ng gamot si Rosalie kaya mukha pa din itong bata sa edad na 49. Lumabas na patay na ang anak ni Rosalie kahit na si Rosalie mismo ang namatay."
Sinabi din ng ginang na tinago din ni Kendrick ang about kay Keehan. Kitang-kita ni Rose na sinabi ni Kendrick na silang dalawa lang ni Kendra ang anak nina Rosalie at Alfred.
Matagal ng patay ang pangalawa nilang kapatid. Tinawag ni Kendrick na Kendra si Rosalie. Noong kukuhanin ng mga Yakuza si Kendrick biglang lumabas si Kendra.
"Pinatay nila si Kendrick sa mismong harapan ni Kendra."
"Dahil sa mga gamot na iyon. Hindi 'man lang kayo nakita nina Alfred na lumaki. Namatay si Kendrick na hindi niya natutupad ang pangako sa inyo ni Rosalie na babalik sila at susunduin kayo," ani ng ginang. Nabitawan ni Keehan ang folder at napahawak sa ulo.
Iyong mga panaginip niya tungkol sa lalaking tumatawa sa harapan niya at laging hinahawakan ang kamay niya.
Iyong mga ala-ala niya 'nong bata siya. Agad na nagpaalam si Keehan. Tinungo ni Keehan ang pinto palabas ng unit.
'Keehan, huwag kang umiyak. Babalik si kuya— kahit nasaan ka hahanapin kita.'
Biglang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya matapos luminaw ang mga ala-ala sa isip niya at nakita niyang tumalikod ang isang batang lalaki sa picture.
Bumagsak si Keehan ngunit may taong agad lumuhod sa harap niya at hinawakan ang braso niya.
"Ayos ka lang ba?"
Nakita ni Keehan si Bazile na agad siya inayos ng upo sa sahig at tiningnan ang mga palad niya. Isa-isang tumulo ang luha ni Keehan. Hindi nakapagsalita.
Bahagyang nag-skip ang paghinga ni Bazile matapos makita ang side na iyon ni Keehan. Parang may mga palasong tumatama sa puso niya tuwing nakikita ang pag-iyak na iyon ni Keehan.
"Gusto mo sumama sa akin?" tanong ni Bazile. Pinunasan ni Keehan ang pisngi.
"Saan?"
Hindi alam ni Bazile ang dahilan bakit umiiyak si Keehan ngunit isa lang ang gusto niyang gawin sa mga oras na iyon. Ang patigilin si Keehan sa pag-iyak.
—
"Bazile ang bilis natin! Baka maaksidente tayo!"Napahawak ng mahigpit si Keehan sa bewang ni Bazile habang nakapikit. Nakasakay sila ngayon sa motor at kasalukuyang pinaandar iyon ni Bazile ng mabilis.
Tumawa si Bazile at sinabing imulat ni Keehan ang mga mata niya. Masarap ang hangin.
Wala naman tao sa bahagi na iyon at maraming puno. Sumasabay sa hangin ang mga dahon dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Bazile. Dahan-dahan ni Keehan minulat ang mata at napatigil matapos mahinang humampas sa pisngi niya ang hangin.
"Labas tayo? Masaya ngayon bumayahe balita ko din may fiesta na nagaganap sa labasan," ani ni Bazile. Niyakap ni Keehan ang bewang ni Bazile.
"Sige— pero dahan-dahan lang. Masyadong maraming tao sa labas," ani ni Keehan. Biglang nagpreno si Bazile. Tumawa si Bazile matapos tumama noo ni Keehan sa likod niya.
"What the fuck! May galit ka ba sa akin Bazile!"
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: His Perfect Innocence
General FictionBlurb "Sexsomnia is recognised as a rare sleep disorder in which a person engages in sexual activity during their sleep. In general they'll have no recollection of events during the act or when they wake up." Naisara ni Keehan Alvarez ang laptop m...