18

460 21 5
                                    

Chapter 18 
3rd Person's POV 
Naalala kasi ni Gaizer na wala ng pinalalampas na contract si Keehan. Kinukuha niya iyon agad hindi dahil sa publicity. 

Nagtaka sila doon nina Apollo kaya tinanong nila si Keehan. 

'Gusto ko makaipon para sa baby at sa amin ni Bazile,' ani ni Keehan habang nagbabasa ng mga contract. 

"Magiging mabuti silang magulang right?" nakangiti na sambit ni Gaizer at nilingon si Grim. Napatigil si Gaizer matapos mag-iba ang expression ni Grim. 

"Anong problema?" tanong ni Gaizer. Hinilot ni Grim ang sentido at sinabing hindi alam ng parents nila na nandoon si Bazile. 

— 
"Wala ka bang pera Bazile? Magkano ba kailangan mo?" tanong ni Marcus. Nakita nila ang tambak na mga school project sa stable ni Bazile. 

"Work ang kailangan ko hindi pera."

Nag-cross arm si Marcus— tiningnan na lang ang lalaki na hindi inaalis ang tingin at paggawa ng assignment ng iba. 

"Oy may contest ngayon month. Foundation day natin. Sali tayo Bazile? Marunong ka sumayaw? 15k prize oh!"

Pinakita ni Marco ang phone. Napatigil si Bazile at kinuha iyon. Tiningnan niya ang official page ng university nila. 

"Samahan niyo ako?" tanong ni Bazile. Grupo iyon— tumawa sina Marcus at sinabing sige. 

Hindi interesado sina Marcus sa pera either sa contest pero dahil mukhang kailangan ni Bazile at ayaw naman nito tumanggap ng bigay pumayag sila. 

"May maitutulong ba kami sa iyo?" tanong ni Marco. Sinabi ni Bazile na tuwing weekends mamimili siya ng stock. Babayaran siya ng mga asawa ng TK. 

"Libre ko na lang kayo," ani ni Bazile matapos sabihin na need niya ng tulong. Pumayag sina Marcus— doon din naman sila tumatambay tuwing weekends at pwede nila mahiram ang practice room ng TK kapag hindi gamit. 

"Beer at chicken?" ani ni Marcus at tinaas ang kamao para makipag-bomb fist kay Bazile. 

"Call," ani ni Bazile at nakipag-bomb fist kay Marcus at Marco. 

"Uy tago mo na! Nandiyan na si Prof!"

Agad na tinago nina Marcus ang ilang project sa table nila at ganoon din ang ginawa ni Bazile. Assignment nila iyon to be exact. 

Almost 5pm nanatili sina Bazile sa university para tapusin ni Bazile lahat ng assignment at bukas makuha ang bayad. Habang sina Marcus at Marco naglalaro lang ng online games since hindi sila ganoon katalino para matulungan si Bazile. 

"Ha? Kailangan mo ba ng pera? Bazile kung ayaw mo humiram kay Grim may pera ako— you don't need to worry ipon ko ito," ani ni Keehan at nag-abot ng card. 

Tumawa si Bazile at sinabing para sa stock nila iyon at para sa baby. Gusto niya tumulong kay Keehan kahit kaunti. 

Napatigil si Keehan at binaba ang kamay hawak ang card. Napangiti na lang si Keehan. 

"Matalino ka alam ko sisiw lang sa iyo mga iyon," natatawa na sambit ni Keehan. Ayaw niya na ipilit iyon at tapakan ang pride. Kailangan niya suportahan si Bazile at katulad nito gawin niya ang best niya. 

"Support kami ni Peach," ani ni Keehan at tinaas ang maliit na kamay ni Peach habang nagshi-cheer. 

Wala naman mga naging problema sa mga sunod na araw. Uuwi si Bazile saktong 5pm then 4pm si Keehan para alagaan si Peach. 

Isang araw sa paglabas ni Bazile sa university kasama sina Marcus. Nagulat sila nang bumukas ang pintuan ng mga sasakyan na nakaparada sa labas ng university. May mga bumaba na lalako at sinakay na lang si Bazile. 

"Bazile!"

Pinasok ng mga lalaki si Bazile sa loob ng sasakyan at mabilis na umalis. Sunod-sunod ang mura nina Marcus at tinawagan si Jaxon. 

"Gueverra! Si Bazile! May mga kumidnap sa kaniya dito sa labs ng university!" sigaw ni Marcus. Kinuha ni Marco ang mga plate number. Sinabi ni Jaxon na agad sasabihin iyon kina Grim at pumunta sila sa unit. 

— 
"Ano!"

"Bakit nila kukuhanin si Bazile?" sunod na tanong ni Keehan na may pag-aalala sa mukha. Sinabi ni Grim na maaring parents nila ang kumaladkad sa kakambal. 

"Hindi pinapayagan ng parents namin na pumunta dito si Bazile. Gusto nila humawak ng business si Bazile at magpakasal sa isa sa anak ng business partner nila. Wala silang nagawa sa akin dahil nga may anak ako ngunit si Bazile—"

Hindi na tinuloy ni Grim ang sasabihin matapos makita ang sobrang galit sa mukha ni Keehan. 

"Bakit niyo ito tinago Grim?" pikon na sambit ni Gaizer. Agad na nagpaliwanag si Grim. 

"Kinukumbinsi ko pa din sina mom ngunit ayaw nila pumayag at ayaw din ipasabi ni Bazile dahil nga sabi niya wala na siyang balak umuwi. Mukhang nalaman nila na tumakas si Bazile sa isang engagement party at pumunta dito."

"Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" tanong ni Keehan. Hindi nakaimik si Grim at umiwas ng tingin. 

"Please Grim. Sabihin mo sa akin," ani ni Keehan na may pagmamakaawa sa expression. 

Bumuga ng hangin si Grim at tumayo. Tiningnan sina Keehan. 

"Posibleng dinala nila si Bazile sa lugar kung saan una nila ako dinala 'nong kinaladkad ako ni mom pauwi," ani ni Grim. Tinapik ni Jaxon si Keehan sa balikat. 

"Babalik siya Keehan. Mahahanap natin siya okay?"


"Mom! Ilang beses ko ng sinabi na ayoko magpakasal!"

Tatayo si Bazile nang basta na lang ito iupo ng mga tauhan sa harap ng laptop. 

"Magpapakasal ka Bazile. Naipagkasundo na kita— Bazile anak. Wala kang alam sa labas— kailangan mo din ng makakasama. Maganda si Kylie at matalino."

Iniyukom ni Bazile ang kamay at sinabing ayaw niya. 

"Mom! May pangarap na ako. Gusto ko maging doctor ayoko maging businessman or artista! Gusto ko maging doctor at may gusto na ak—"

"Sino? Iyong si Keehan Alvarez? Iyong Sexomania patient?" madilim ang anyong sambit ng ama ni Bazile na kinatigil ni Bazile. Hindi makapaniwala si Bazile na alam iyon ng ama. 

"Bazile gumising ka nga. May sakit sa utak ang batang iyon at nakikita mo ba ang maraming scandal na ito? Bazile simula highschool ganoon na siya."

"Dad! Paano niyo nagagawang husgahan ang tao ng hindi niyo pa nakikilala! Mabait si Keehan," galit na sigaw ni Bazile. Napa-pokerface ang mag-asawa. 

"Kapag hindi ka pumayag Bazile mawawalan kami ng choice kung hindi alisin ang pangalan mo sa register ng mga Vergara. Hindi kita pinalaki para mapunta lang sa ganoon na tao. Ano na lang ang sasabihin ng ibang tao sa atin?" ani ng ginang na kinayukom ng kamao ni Bazile. 

"Tinanggap niyo si manager at kuya bakit kami hindi?" tanong ni Bazile. 

"Iisang identity ang gamit niyo ni Grim. Alam ng lahat ikaw lang ang anak ko at kami lang ang nakakaalam sa relasyon nina Grim at Gaizer."

"Nandiyan ka naman kaya hindi namin gaanong bini-big deal ang kina Grim," sagot ng ginang. Natawa si Bazile at puno ng galit na tiningnan ang ina. 

"Ngunit hindi ako si Grim! At hinding-hindi ako magiging perpektong anak katulad ng gusto niyo! Ayoko magpakasal sa kahit na sino! Kung gusto niyo tanggalin ang pangalan ko sa family register tanggalin niyo!  Wala akong pakialam kasi kahit kailan hindi ko naramdaman ang existance ko as a Bazile Vergara sa pamilya niyo! Hindi ko kailangan ng pangalan ng mga Vergara at hindi ko kayo kailangan!"

Tinabig ni Bazile ang laptop at nagkabasag-basag iyon. Inatake niya ang mga tauhan na may hawak sa kaniya para makawala. Hindi niya hahayaan na magtagal siya sa lugar na iyon. 

Hinihintay siya ni Keehan at Peach.

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon