Chapter 11
3rd Person's POV
Nasa labas ng recording room sina Apollo habang nasa loob naman si Keehan at Jaxon. Nakaharap ang mga ito sa microphone at may suot na headset.Bumukas ang pintuan. Pumasok si Bazile dala ang bag nito. Nakita niya si Keehan sa loob.
"Jaxon, ano bang problema? Kanina pa kayo diyan sa loob— paulit-ulit tayo sa chorus," ani ni Elliseo. Masama ang timpla ng mukha ni Jaxon.
"Palabasin mo muna siguro sila."
Tinapik ni Gaizer si Elliseo sa balikat. Sinabi ni Elliseo na lumabas ang dalawa. Tinanggal ni Keehan ang headset at naunang lumabas— sumunod si Jaxon. Tinawag ni Apollo si Jaxon sa kabing side ng studio.
Ginulo ni Keehan ang buhok. In some reason naiinis siya. Inabutan ni Gaizer si Keehan ng tubig na agad kinuha ng binata.
"Nag-away ba kayo ni Jaxon?" tanong ni Gaizer. Agad umiling si Keehan.
"Sa tingin ko hindi naman iyon away," sagot ni Keehan. Nagbago ang expression ni Keehan matapos makita si Bazile.
"Kamusta drawing ko? Perfect ba? Nakita mo sulat ko?" ani ni Keehan na may pagmamayabang na lumapit kay Bazile na binaba ang gamit sa sofa. Ngumisi si Bazile at bahagyang niluwagan ang suot nitong necktie.
"Dalhin ko na lang bukas iyon sa pharmacist. Baka sakaling maintindihan nila sulat mo," ani ni Bazile. Hindi makapaniwala si Keehan na nakatingin kay Bazile na nilait sulat niya. Nailing na lang si Gaizer matapos magbangayan ang dalawa.
"Mukhang hindi naman napagod bibig ni Keehan sa kauulit kanina ng chorus. Nagawa pa niya makipagbardagulan kay Bazile," komento ni Elliseo kaharap ang isang monitor.
—
Humingi ng tulong si Bazile sa project nila sa, art club. Pumasok si Bazile sa art club kahit hindi naman niya ganoon kagusto ang art. Isang rason lang— puro drawing ang assignment nila doon."Vergara, wala bang basurahan sa university niyo at nagdadala ka dito ng love letter?" umusok ang ilong ni Keehan habang hawak ang mga love letter. Walang dahilan para mainis siya— ngunit in some reason naasar siya kapag nakakakita ng love letters.
"Wala akong time magtapon ng basura. Isa pa magandang book mark mga iyan. Look?"
May isang pink na sobre hawak si Bazile. Napamura si Keehan sa isip. Gumapang ito palapit kay Bazile na nasa harapan ng study table at hinablot ang hawak ni Bazile. Tiningnan pa nito ang mga libro sa table ni Bazile at may ilan pang love letter doon.
"Grr! Ginawa mo talagang bookmark? Are you out of mind?"
Kinuha iyon ni Keehan. Yumuko din si Bazile dahil nahulog ang ballpen niya. Nagkadikit ang kamay nila at sabay na nag-angat ng tingin.
Nakaupo sa sahig si Keehan habang si Bazile naman ay nakaupo sa swivel chair at nakayuko. Sobrang lapit nilang dalawa— hindi alam ni Keehan kung anong tumulak sa kaniya ngunit nilapit niya ang labi kay Bazile.
"Ang tagal mo," nakangisi na bulong ni Bazile. Lalayo si Keehan nang magising ito ngunit hinawakan ni Bazile ang likod ng ulo niya at hinalikan siya sa labi.
Nagulat si Keehan dahil ito ang nag-first move. Sa mga CCTV na napanood niya. Lagi siyang hinaharangan ni Bazile. Hindi niya maintindihan.
Kusang bumuka ang mga labi ni Keehan at pinalalim ang halikan nilang dalawa. Inangat ni Keehan ang mga kamay at nilagay sa mga batok ni Bazile.
May kumatok. Agad na bumukas ang pinto— nakita ni Gaizer si Keehan na nagpupulor ng love letter sa sahig at nakaharap sa study table si Bazile at nagsusulat.
"Magdi-dinner na. Sumunod na kayong dalawa," ani ni Gaizer. Napatingin si Keehan at tumayo agad.
"Susunod kami manager," ani ni Keehan at pasimpleng napahawak sa labi. Ngumiti si Gaizer at sinabing sige.
Pagkasara ng pinto. Natawa si Bazile at napasubsob sa table.
"Ikaw! Nagawa mo pang tumawa. Muntikan na tayo mahuli ni manag—"
Hindi nakapagsalita si Keehan. Nakangisi na nilingon ni Bazile si Keehan.
"May ginawa ba tayong masama?"
Hindi nakapagsalita si Keehan. Sinabi nito na bahala si Bazile at lumabas ng kwarto. Hindi makapaniwala si Keehan na nagawa pang tumawa ni Bazile.
Palala na ng palala ang ginagawang pang-aasar sa kaniya ni Bazile.
"Anytime magkakaroon yata ako ng heart attack."
Tumungo si Keehan sa room ni Gaizer. Nakita na niya ang lahat doon. Umupo at maya-maya lang dumating si Bazile. Umupo sa harapan niya. As in maraming upuan na bakante pero sa harapan niya ito umupo.
Nakatingin sa kaniya si Bazile. Ngumisi ito kalaunan kaya sinamaan siya ng tingin ni Keehan.
Kumuha na sila ng pagkain. Tinanong ni Gaizer si Bazile kung kamusta school nito.
"Nagdagdag ako ng club. Pumasok ako sa art club. Then isang professor namin ang hindi pumasok— niyaya ako nina Marcus maglaro ng soccer," sagot ni Bazile at kumain. Natawa si Gaizer at sinabing balita niya maraming laging nagpapadala ng love letter kay Bazile.
Sinipa-sipa ni Bazile ang paa ni Keehan. Napa-pokerface si Keehan. Hindi talaga siya tinitigilan ni Bazile.
Hinubad ni Keehan ang sapin niya sa paa. Inangat iyon at nilagay sa pagitan ng mga hita ni Bazile. Napatigil si Bazile at napatingin kay Keehan na yumuko. Iniiwasan nito tumawa dahil halatang nagulat si Bazile.
Pero dahil nakalimutan niyang si Bazile iyon at walang hiya. Hinawakan ang paa niya at idinikit pa sa paa niya iyong bagay na matigas na nasa pagitan ng hita ni Bazile.
Namutla ng todo si Keehan dahil doon. Nahulog ang kutsara ni Wax at pupulutin ito ni Wax mula sa ilalim ng lamesa nang napatayo si Keehan at gumalaw ang lamesa dahil sa paghila ni Keehan ng paa niya. Napataingin ang lahat kay Keehan na tumikhim lang.
"Ayos ka lang? Namumula ka Keehan," tanong ni Miguel. Sinabi ni Keehan na busog na siya. Kumain siya kanina sa studio.
Uminom ng tubig si Bazile at todo pigil ito na matawa. Umalis si Keehan at napatingin si Grim sa kakambal.
"Stop messing up with Keehan, Bazile," saway ni Grim. Inosente siyang tiningnan ng kapatid at tinanong kung anong ginawa niya.
—
Sa room ni Bazile. Napahawak sa dibdib si Keehan— nag-iinit ang katawan niya in some reason. Tiningnan ni Keehan ang ibabang bahagi ng katawan niya— napasapo sa noo si Keehan. Pinagmumura ni Keehan sa isip niya si Bazile.Lalabas siya ng room ni Bazile nang pagbukas niya nang pinto— nakita niya si Bazile. Sinabi ni Keehan na umalis si Bazile sa pinto.
Humakbang si Bazile paabante. Napaatras si Keehan kaya naisara ni Bazile ang pinto. Bumaba ang tingin ni Bazile— natawa ito kaya tinakpan agad iyon ni Keehan. Sinabihan na manyak si Bazile.
"Ikaw nauna kanina diba? Bakit parang ikaw ang affected."
"Bato ka kasi! Layas," ani ni Keehan. Nahihiya na siya— paano kung isipin ni Bazile na pervert siya. Biro lang naman iyon kanina. Upuan lang naman natamaan niya nadali lang iyong sa pagitan ng hita ni Bazile.
Naiiyak si Keehan dahil sa kahihiyan. Hindi naman ganoon si Keehan sa iba kahit kay Jaxon— sabay pa nga sila naliligo ni Jaxon 'nong highschool.
Kasama niya sa swimming class ang buong TK naliligo din sila ng hubo't hubad. Hindi siya nagkakaganoon bakit kay Bazile. Hindi niya maintindihan ang sarili niya.
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: His Perfect Innocence
Ficção GeralBlurb "Sexsomnia is recognised as a rare sleep disorder in which a person engages in sexual activity during their sleep. In general they'll have no recollection of events during the act or when they wake up." Naisara ni Keehan Alvarez ang laptop m...