Chapter 47
3rd Person's POV
Nagkatuwaan ang mga bata na umalis doon. Hinatid lang sila nina Bazile ng tingin bago umalis sa entras ng agency."Sabi ng mga bata may meeting ang TK. Hindi pa din sila tapos?" tanong ni Bazile. Tumingim si Wax.
"Hindi pa yata. Mukhang mahaba-habang usapan na naman iyon si Apollo nagpatawag eh siguradong may ginawa na naman kalokohan ang TK," ani ni Wax. Tumawa si Miguel at sumang-ayon. Kapag about kasi sa work, like concert, sponsors and sa mga charities si Gaizer ang nagpapatawag ng meeting pero kapag mga kalokohan na ng TK si Apollo na. Umaabot iyon ng 2 in a half hour.
Nagpaalam na si Bazile at sinabing sa opisina ni Keehan siya muna tatambay. Kumaway sina Miguel— tutungo daw muna sila ng cafeteria.
Tinungo ni Bazile ang opisina. Pagbukas niya ng pintuan— bumungad sa kaniya ang maaliwalas at malawak na opisina ni Keehan.
Lumapit si Bazile sa table ni Keehan. Doon nakita niya ang family picture nila nina Keehan at mga picture nila ni Peach. Napangiti si Bazile.
Naghikab si Bazile at medyo inaantok siya. Umiikot sa kwarto na iyon ang amoy ng perfume na laging gamit ni Keehan. Tumungo siya sa sofa at humiga. Balak niyang hintayin na lang doon si Keehan ngunit hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa may naramdaman siyang humahalik sa labi niya. Pagmulat niya ng mata nakita niya si Keehan na agad niyang hinila.
"One kiss lang gising na si sleeping beauty pero ikaw 8 times na kita nahalikan hindi ka pa nagigising," ani ni Keehan. Bumangon si Bazile at hinalikan sa noo si Keehan.
"Kung hahalikan mo lang ako hindi agad ako magigising," natatawa na sagot ni Bazile matapos paupuin ang asawa sa mga hita niya.
"Masyado ka bang napagod? Dapat after ng work mo umuuwi ka na para nakakapagpahinga ka," ani ni Keehan at hinalikan ang likod ng palad ni Bazile kung nasaan ang wedding ring nito.
After ng graduation ni Bazile agad nila inasikaso ang kasal. Simple lang naman ang preparation pero talaga naman na napaka-memorable 'non para kay Keehan. Lahat kasi naging legal na sa araw na iyon like natanggap na siya ng family ni Bazile at nag-attend ito sa kasal niya.
Nang araw na din iyon nasa pangalan na nila ang pangalan ni Peach. Naging asawa na din siya ni Bazile hindi lang sa papel at sa mata ng tao pati na din sa mata ng diyos.
"Anong iniisip mo? Napagalitan ka ba ni Apollo?" tanong ni Bazile at sinilip ang asawa. Natawa si Keehan at umiling. Sumandal ito sa asawa.
"Si Jaxon at Elliseo ang ginisa 'non. Mga nakipag-away sa set," sagot ni Keehan. Lumingon si Keehan kay Bazile.
"Huwag mo ako tingnan ng ganiya. Baka makalimutan kong nasa opisina mo lang tayo at maya-maya babalik na dito si Peach," ani ni Bazile. Tumawa si Keehan at tinanong kung anong masama kung tingnan niya si Bazile.
"Keehan! May mga ini-order—"
Pagbukas ng babae ng pinto. Napatigil ito matapos makita si Keehan na nakaupo sa mga hita ni Bazile na hindi naman nag-abalang tumayo.
"Sino siya?" tanong ni Bazile. Nilingon ni Keehan si Bazile na nakakunot ang noo.
"Isa siya sa nga endorcer," sagot ni Keehan at tumayo. Napako ang tingin ng babae sa wedding ring ni Keehan at ni Bazile.
"Kate, this guy is my husband. Bazile this is Kate. Trainnee siya nakilala ko siya noong pumunta kami sa company na pinagtatrabahuhan niya for new project," pakilala ni Keehan. Napahawak ng mahigpit si Kate sa hawak nitong kahon ng pizza.
"I thought wala kang girlfriend," ani ni Kate at yumuko na parang iiyak na. Gustong-gusto niya si Keehan— compare kasi sa ibang miyembro ng TK ito lang ang hindo mahirap lapitan.
"Wala nga pero may asawa ako," sagot ni Keehan na may inosenteng expression. Sinigaw ni Kate na gusto niya si Keehan. Natahimik si Keehan— tumakbo palabas ang babae. Nabangga pa nito si Jaxon na patungo din sa opisina ni Keehan.
Nahilot ni Keehan ang sentido niya dahil doon. Tumawa si Jaxon na ngayon ay nakasandal sa pintuan.
"Sabi ko naman kasi sa iyo iwasan mo na page-entertain. Masyado kang mabait kaya nami-misinterpret na ng iba," ani ni Jaxon. Tumalikod si Bazile at kinuha ang coat niya.
"Hanapin ko na lang muna si Peach," paalam ni Bazile. Tinawag ni Keehan si Bazile ngunit hindi lumingon ang binata. Sinabing pupuntahan na lang siya doon after nila mag-usap ni Jaxon.
—
"Hindi ko inaagaw daddy mo! May sarili akong daddy!" sigaw ni Peach. Sinaway sila ni Grim."Inagaw mo nga sa akin si Mathias tapos pati daddy ko aagawin mo sa akin!" pikon na sambit ni CG. Sinigawan ni Peach si CG at sinabing hindi sa kaniya si Mathias.
Nanonood lang naman ang triplets kung paano mag-away ang dalawa. Maya-maya may dumating na mga bata. Endorcer ito galing ibang company at kaibigan ni CG.
"Bakit mo sinisigawan si CG?"
Nagulat si Peach matapos ito itulak ng mga bata. Napaupo si Peach. Nagulat si CG.
"Bakit niyo siya tinulak!"
Napaangat ng tingin si Peach matapos itulak palayo ang mga batang tumulak kay Peach kanina.
"Pero tinulak ka niya," ani ng isa sa mga bata na parang naiiyak.
"Pero hindi ko sinabing itulak niyo din siya! Huwag nga kayong mangialam! Isa pang tulak niyo sa kaniya kakalbuhin ko kayong lahat at itatapon sa rooftop!"
Nag-iyakan ang mga bata at tumakbo paalis. Napa-pokerface si Giovanni. Hinarang ang isang paa. Napangisi si Greco matapos madapa ang mga ito at nagkabanggaan.
Napasapo sa noo sina Elliseo na pinanonood lang ang mga bata kanina dahil doon.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan! Aminado ka ng mas maganda ako sa iyo?" ani ni CG at nag-cross arm. Napa-pokerface si Peach at pilit na tumayo.
"Kung hindi ko lang nakita ang baby picture mo kasama sina Greco. Iisipin kong adopted ka. Ang pangit mo na nga ang pangit pa ng ugali mo," banat ni Peach. Umusok ang ilong ni CG dahil doon. Kinuha ni CG ang laruan na robot ni Gerrero at hinabol si Peach pra hampasin.
"Grim, hindi mo na ba pipigilan iyong dalawa?" tanong ni Elliseo habang sinusundan ng tingin ang dalawa na naghahabulan sa loob ng lobby. Bumagsak ang dalawa sa likod ng kinauupuan na sofa nina Greco at nagsabunutan.
Hindi naman nangialam ang apat na lalaki at pinagpatuloy ang paggawa nila ng assignment.
"Hayaan mo na. Parte na siguro ng pagdadalaga nila iyan."
Tiningnan ni Elliseo si Grim na para itong kakaibang nilalang. Paano naging parte ng pagdadalaga ang pagsasabunutan ng anak nila ni Bazile. Isama pa na around 5 or 6 years old pa lang ang mga anak nila.
BINABASA MO ANG
Territorial Kings: His Perfect Innocence
Genel KurguBlurb "Sexsomnia is recognised as a rare sleep disorder in which a person engages in sexual activity during their sleep. In general they'll have no recollection of events during the act or when they wake up." Naisara ni Keehan Alvarez ang laptop m...