45

378 12 8
                                    

Chapter 45 
3rd Person's POV 
"Nasaan ang tunay na parents ko?" tanong ni Peach habang nakaupo sa gilid ng kama. Katabi nito si Keehan habang si Bazile naman ay nakasandal sa study table. 

"Kung kukuhanin ka ng mommy mo isang araw sasama ka?" tanong ni Keehan. Mabilis na umiling si Peach. Napatigil doon si Keehan at Bazile. Mabilis ito masyadong sumagot. 

"Ate ko ang tunay na mommy mo— ang daddy mo hindi ko alam kung sino. Basta isang araw pumunta siya dito sa pilipinas at sinabi nga niya na gusto ka niya ipaampon ngunit hindi pumayag si Keehan at kinuha ka nga namin," ani ni Bazile. Napatigil si Peach at tiningnan si Keehan. 

"Bakit mo ginawa iyon papa? Dahil ba wala kayong anak ni daddy? Naawa kayo sa akin," tanong ni Peach. Tumawa si Keehan. 

"No sabihin na natin na-love at first sight ako sa iyo. Nakita ka namin sa unit ng mommy mo at kapag hinahawakan kita. Niyayakap tumatahimik ka," ani ni Keehan. Ngumiti ang binata at sinabing kamukha niya din si Bazile. 

"Stop being silly okay? Kahit hindi ka nanggaling sa amin. Mahal na mahal ka ni papa at daddy," ani ni Keehan at hinalikan sa noo ang anak. 

"Kayo ang best parents daddy at papa. Mahal na mahal ko kayo," ani ni Peach. Napangiti si Bazile matapos tumayo si Peach at yakapin sila. 

Kinabukasan 
Inulit ni Peach ang report niya about sa family. 

"Hindi woman ang papa ko pero kaya niya kaming alagaan ng daddy ko. For me if he's a woman he will be a good wife and mother but Ipagluto kami ng breakfast, aayusin ang damit namin ni daddy at lagi niyang mini-make sure na gumagawa ako ng assignment. Madalas siya nala-late sa work dahil sa amin ngunit ni minsan hindi siya nag-demand or nagreklamo. Kahit late siya ihahatid niya pa ako sa school kahit nagi-insist ang daddy ko na siya na lang. Spoild ako dahil only child ako pero puno ako ng pangaral."

"Sinasaktan ako ni papa because I'm bad girl—"

Hindi natuloy ni Peach ang sasabihin dahil umiiyak na siya. Napangiti ang teacher doon. 

"But after 'non iiyak siya at iha-hug ako. Sasabihin niya kung gaano niya ako kamahal at ayaw niya natuto ako ng hindi magandang asal."

"He always taking care of me kahit na hindi niya ako tunay na anak. Lagi niyang sinasabi sa akin na blessing ako at kung gaano niya ako kamahal."

Humikbi si Peach. Marami din bata ang nagsimulang umiyak. 

"My daddy is a doctor. Spoild ako sa kaniya— lahat ng gusto ko binibigay niya. Iyon ang way ng pagmamahal sa akin ni dad na laging pinagtatalunan nila ni papa."

Tumawa si Peach at nilipat ang pahina ng paper na ginuhit niya. 

"Siya din nagsabi sa akin na huwag akong papaapi sa kahit na sino pero sinabi ni papa na bad ang manakit. By the way magulo silang dalawa but I love them."

May ngiti na sambit ni Peach. Sinabi ni Peach na support palagi ang daddy niya sa kaniya. 

"Hindi niya ako pinagagalitan except siguro kapag nakita niyang nasasaktan ako o si papa. Last time muntikan ng matumba si papa at dahil iyon sa akin. Nagalit daddy ko."

"Si daddy iyon super hero ko and first friend. The best daddy siya ever at ito lang masasabi ko. Kung papipiliin ako ng parents next life maging adopted 'man ako ulit at iwan ng real parents ko. I don't mind basta sila ang maging parents ko ulit kahit sa mga susunod ko pang buhay."

"Walang woman sa parents ko. Pero para sa akin the best sila— pamilya ko sila.  Kahit ano pang sexuality ng papa at daddy ko. Hindi mababago 'non na naging mabuti silang parents sa akin at pinuno nila ako ng pagmamahal."

Yumuko si Peach. Natawa ang teacher at pinahid ang nangingilid niyang luha habang hawak ang phone. 

Buong klase nagpalakpakan after ng speech na iyon ni Peach. 

Sa studio ng TK. Natawa si Keehan matapos ipakita sa buong TK ang speech ni Peach. Hindi mapantayan ang saya ni Keehan matapos marinig iyon mula sa sariling anak at naging proud ito sa kanila. 

Nagdalawang isip pa si Keehan at Bazile noong una sabihin kay Peach ang totoo. Natatakot sila kamuhian ng sariling anak ngunit kabalikataran 'non ang nangyari. Mas na-appreciate pa sila ng bata. 

Hindi na ni Keehan namalayan na naiiyak ito kaya agad siya inakbayan ni Jaxon. Sinabing masyado itong iyakin. 

— 
Maagang umalis si Bazile sa work at sinundo si Peach. Binuksan nito ang sasakyan at lumabas. Nakita niyang marami ng estudyante ang lumalabas ng gate. Masyadong nag-agaw pansin si Bazile doon ngunit hindi ito pinansin ng binata. 

Napatigil si Bazile at napaayos ng tayo matapos makita ang pamilyar na bata. Nakita niya si Mathias na napapalibutan ng mga batang babae. 

Hindi maganda ang expression ni Mathias na anak nina Miguel at Elliseo. Lumapit si Bazile. 

"Sabay ka na lang sa amin Mathias. Ihahatid ka nina mommy. Saan ka ba nakatira?" 

Maraming nag-offer kay Mathias. Nagtaka si Bazile. 

"Mathias," tawag ni Bazile. Agad na lumingon ang batang lalaki. Napatingin din ang mga bata at napa-wow. 

"Uncle," ani ni Mathias at lumapit. Nakapamulsahan na huminto si Bazile at tiningnan ang anak ni Elliseo at Miguel. 

"Kanina pa ba tapos klase mo? Nasaan ang sundo mo?" tanong ni Bazile. Tiningnan siya ni Mathias. Nakikipagsabayan talaga si Mathias sa karisma ng mga anak na lalako ng kapatid. Nagi-stand out din ito lalo na ang deep green eyes nito na talagang naggo-glow sa liwanag. 

"Nasiraan ng sasakyan si papa. Hanggang ngayon wala pa siya. Hindi ko makontak si daddy na naman," ani ni Mathias. Tumawa si Bazile at ginulo ang buhok ng lalaki. 

"Sabay ka na sa akin. Puntahan na din natin kung nasaan ang papa mo. Hintayin lang natin ng kaunti si Peach."

"Dad!"

Lumingon si Bazile. Nakita niya si Peach na kumaway sa mga kaibigan nito bago lumapit sa ama. Napatigil si Peach matapos makita ang crush ni CG na si Mathias. 

"Sabay ka na sa amin Mathias," ani ni Bazile at hinawakan si Peach. Alanganin si Mathias— hindi mahilig makipag-socialize si Mathias. 

Kinuha ni Peach ang kamay ni Mathias na kinatigil ng batang lalaki. Hinila ito ni Peach. 

"Patagal ka masyado. Hindi ka namin ki-kidnap-in okay?" ani ni Peach. Magkakahawak ang tatlo na tinungo ang sasakyan. Tiningnan ni Mathias si Peach na nakahawak pa din sa kamay niya.

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon