34

345 12 1
                                    

Chapter 34 
3rd Person's POV 
Namangha si Keehan matapos makita na maraming nagpe-perform sa kalsada. Ang daming makukulay na bandaritas at mga banda. 

May ilan na nakikisabay sa mga parada. Bumaba si Keehan sa motor at tiningnan ang paligid. Ngayon alam na ni Keehan kung bakita siya pinagsuot ni Bazile ng disguise. 

"Paano mo nalaman na may ganito dito?" tanong ni Keehan at nilingon si Bazile na tinanggal ang suot na helmet. By barangay kasi iyon. 

"May kaklase ako na inimbitahan ako dito last time. Class president namin siya," ani ni Bazile at lumapit sa akin. Hindi nag-react si Keehan nang si Bazile na ang ang nagtanggal ng helmet niya. 

Marami ang napatingin sa direksyon nila ngunit hindi ang mga ito pinansin ni Bazile. 

"Ayos lang na pumunta tayo?" tanong ni Keehan. Lumingon si Bazile at sinabing inimbitahan siya kaya pwede iyon. 

Naglakad-lakad sila hanggang sa may mga grupuhan na dumaan at mas lalong dumami ang tao. 

"Bazile!" sigaw ni Keehan matapos siya madala ng mga tao palayo kay Bazile. Napalingon si Bazile at agad na nahawakan ang kamay ni Keehan. Bumalik si Bazile at inakbayan si Keehan habang hawak ang isang kamay ni Keehan. Pinauna niya si Keehan ngunit nakahawak pa din ito sa kamay ng binata. 

"Reynold, wala bang pupunta sa mga kaklase mo?" tanong ng matandang nasa 60s habang naglalagay ng spaghetti sa lamesa. Lumingon ang binata na nasa pintuan at nanonood ng parada. 

"Nay puro rich kid ang mga nasa klase ko. Kahit imbitahan ko sila malayong pumunta mga iyon dito.".

Sinabi niya iyon last-last week at nag-chat din siya sa group chat nila. Scholar siya sa isang elite school puro mayayaman ang mga estudyante na nandoon— kahit matinong kaibigan wala siya. 

"President!"

Muntikan na matumba si Reynold Torres sa kinauupuan matapos biglang sumulpot si Marco. 

"Marco! Putek! Bakit bigla ka na lang sumusulpot?" tanong ni Reynold na may hindi makapaniwalang expression. Tumawa ang lalaki at sinabing wala naman doorbell sa harapan ng bahay nila either gate. 

"Naikot ko na yata buong barangay niyo kahahanap ng bahay niyo. May pagkain ba diyan? Nagugutom na ako," ani ni Marco at sumilip sa loob. Tumawa si Reynold at sinabing pumasok na ang lalaki. 

Sakit sa ulo niya si Marco. Mas matindi pa ito sa kakambal niya. Madalas niya ito napapagalitan lalo na kapag wala itong pinapasa na assignments since sa kaniya naia-assign lagi ang pagpasa ng assignments sa faculty. 

Hindi niya akalain na pupunta ito sa unang beses na pangiimbita niya sa group chat nila. Actually medyo nahihiya siya part na iyon— handa na siya makatanggap ng sari-saring chismis sa mga kaklase dahil nga walang pumunta sa kanila. 

"Hi tit— wow! Mukhang masarap anv spaghetti. Maraming sauce!"

Naglakad papasok si Reynold. Agad siya sinita ng ina niya dahil nga sabi niya wala siyang ini-expect na bisita. 

"Hindi ko naman talaga ini-expect nanay lalo na at pumunta itong ulupong na ito," ani ni Reynold at tinuro si Marco na kumakain na ng pancake. 

"Nabasa ko iyong sa gc kanina eh. Sakto nasa labas ako at bored kaya pumunta na ako dito. Maraming foods at nakakita ako ng mga nagsasayawan sa labas. Ganito pala fiesta dito," ani ni Marco. Natawa ang ginang at sinabing nakakatuwa ang kaibigan ni Reynold. 

"President?"

"Wait Bazile. Sure ka na dito iyon?"

Napatigil si Marco matapos marinig ang pamilyar na boses. Lumingon sila sa labas at nagulat si Reynold matapos makita si Bazile at may kasama pa itong lalaki na 100% sure na kilala niya. 

"The heck," react ni Reynold. Biglang tumili ang kapagid na babae ni Reynold. 

"Kee—"

Tinakpan ni Reynold ang bibig ng kapatid at sinabing manahimik. Magkakagulo doon kapag may nakaalam na nandoon ang isa sa miyembro ng TK. Hindi lingid sa kaalaman ni Reynold ang relasyon ni Bazile at ng isa sa miyembro ng TK since kalat iyon sa internet. 

"Pasok kayo," ani ni Reynold. Sinaway niya ang kapatid na babae na manahimik. Humingi ng paumanhin si Keehan bago pumasok. Natulala ang ina ni Reynold. 

Bukod kasi sa gwapo ang mga bagong dating na bisita eh kilala niya ang isa sa mga ito. 

"Marco? Anong ginagawa mo dito? Dumayo ka pa dito para makikain?" tanong ni Bazile matapos makita ang kaibigan na nasa lamesa at kumakain ng pancake. 

"Bagong dating site niyo na ba ngayon ang mga ganitong fiesta?" tanong ni Marco na tumatawa. Nagulat siya dahil nandoon ang dalawa. Nagulat din sina Bazile lalo na at hindi kasama ni Marco si Marcus. 

"Reynold," sinamaan ng ginang ng tingin ang anak. Napakamot sa ulo ang binata. 

"Ako si Bazile Vergara. Kaklase ako ni Reynold at ito si Keehan. Nandito lang kami para bumisita since nag-imbita si president," ani ni Bazile. Todo ngiti ang ginang at sinabing umupo sila. 

Nilapitan ng kapatid ni Reynold si Keehan at sinabing kung pwede magpa-picture sa kanila. Agad pumayag si Keehan ngunit sinaway ito ng ginang. 

"Reina, mga bisita sila. Hayaan mo silang kumain muna," ani ng ginang at nagdagdag ng mga plato. 

"Reina, pwede ka kumuha ng picture pero please lang itago mo muna sa ngayon. Kasama siya ng kaklase ko at nandito sila bilang mga bisita," ani ni Reynold. Sumaludo ang babae at sinabing hindi niya sasabihin. 

"Ganito pala fiesta sa inyo ang ganda," ani ni Keehan at tumingin sa labas. Nagkakasiyahan ang lahat at nagsasayawan. Maingay din ang paligid. 

Sa mayayaman maliit na pagdiriwang lang ang mga iyon. Maliit na bagay ngunit sa mga taong nakaka-appreciate at ngayon lang nakakita ng ganoon na kasiyahan. Interesting iyon at maganda.

Kumuha si Bazile ng tinidor at inabot kay Keehan. Kumuha din ng plato si Bazile at kinuha ng spaghetti si Keehan na para bang gawain niya na iyon matagal na. 

Habang may subo na kutsara si Marco nakatingin siya kay Bazile. Alam niya wala na itong ala-ala kay Keehan. 

"Ha? Ayos lang ako Bazile. Kumain ka din."

Napatigil si Bazile. Kinuhaan niya ng mga pagkain si Keehan without thinking. Nagkibit-balikat na lang ang lalaki at kumuha na din ng pagkain. 

"Salamat sa pagkain," ani ni Bazile. Kabado ang ginang dahil baka hindi pasok iyon sa taste nina Keehan. 

"Ang sarap tita," may ngiti na sambit ni Keehan matapos kumaim ng spaghetti. Matamis kasi ang sauce at tama lang ang pagkakaluto ng noodles.

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon