41

380 10 1
                                    

Chapter 41
Keehan Alvarez's POV
"What! Sinong may sabi na wala ng kumukuha sa inyo dahil sa issue na may sexomania ka," ani ni manager na naibaba ang hawak na dokumento. Napaiwas ako ng tingin. 

"Nasabi sa akin ni Bazile na balak nina Apollo magtayo ng sariling agency para sa TK. Pakiramdam ko dahil sa akin kaya wala ng may gusto na kumuha sa TK," ani ko. Biglang tumawa si manager kaya napatingin ako. 

"Keehan, kayo ang TK. For god's sake— walang sino 'man ang pipigil sa inyo para umangat. Kahit ano pang issue niyo— may mga tao pa din na naniniwala at sumusuporta sa inyo. Hangga't may mga tao na naniniwala sa talento meron kayo walang sino 'man ang makakapigil sa paglipad niyo. Nandito ako para patagin lahat ng daan niyo at isa sa mga move ko ang agency."

"Pumayag doon sina Apollo actually matagal ko ng sinabi iyon kina Apollo. Iyong nalaman ko na iyong sa condition mo at iyong kay Elliseo— sinabi ko na kina Apollo na mas maganda kung magkaroon tayo ng sariling agency."

"Hinihintay lang namin matapos ang contract niyo pero dahil mas maaga sa inaasahan ang paglabas ng issue about sa condition mo. Pinull out ko na ang contract," ani ni manager. Nagulat ako dahil doon. 

"Nasa taas na kayo kaya mas dadami ang mga taong hihila sa inyo pababa. Mas dadami ang trabaho ko pero alam kong magiging worth it naman dahil nakikita ko na ginagawa niyo ang best niyo," ani ni manager. Naiiyak na niyakap ko si manager. Actually, natatakot na ako pumasok sa kahit anong company dahil sa nangyari. 

"Maraming salamat manager."

3rd Person's POV
Napangiti si Gaizer matapos makita ang ngiti ni Keehan habang kausap sina Wax at si Bazile. Hinalikan ni Grim sa sentido si Gaizer at sinabing maswerte sila dahila naging manager nila si Gaizer. 

"Tapos asawa pa kita," ani ni Grim. Tumawa ai Gaizer at nilingon ang asawa. 

"In love ka na naman 'nan sa akin?"

Kung magkakaroon ng sariling agency ang TK wala ng magtatangka pang tumibag sa TK. Magiging malaya din ang mga ito at wala ng mga taong tatangkain hawakan sa leeg anv mga alaga niya. Gusto lang naman ni Gaizer ay mamayagpag ang TK sa stage ng malaya at masaya. 

Kumanta ang mga ito ng may puso— walang stress at preassure. Tiningnan niya sina Apollo na pinagkakaguluhan ang quad. 

"Bilib din ako sa asawa mo kuya," ani ni Bazile kalaunan matapos magkatabi sila ni Grim sa sofa. Napatingin si Grim. 

"Nagagawa niyang protektahan ang pamilya niyo at the same time barrier ng TK. Noong una naiinis ako kay manager dahil nakikita ko mas pinahahalagahan niya ang TK kaysa sa mga anak niyo."

"Sumusunod siya sa TK sa mga concert at naga-act na manager kahit may manager na ang TK," ani ni Bazile. Hindi umimik si Grim dahil minsan din iyon ang naging pakiramdam niya. Inaway niya pa si Gaizer doon minsan. 

Nagpupumilit ito sumama sa kaniya at dumating sa puntong dinala nito sa set ang mga anak nila. 

Then doon sa about sa agency. Sobrang tutol doon si Grim dahil siguradong sa balikat na naman mapupunta ang responsibilidad may mga anak sila at para bang hindi napapagod si Gaizer. 

Ngunit nang makita niya nga ang nangyari sa pagsabog ng issue 'nong kay Keehan at iyong mga ginawang sakripisyo ni Gaizer. Doon naintindihan ni Grim ang mga sinabi ni Gaizer sa harap nila ni Apollo at Elliseo. 

Flashback
"So? Ayan ang tingin mo sa lahat ng ginawa ko?" tanong ni Gaizer. Nagalit si Grim at pilit na pinakalma siya ni Apollo. 

Sinama ni Gaizer sa set ang anak nila. Nag-iiyak ang quad at muntikan ng mawala ang isa sa mga anak niya. 

"Bakit hindi ba? Mas mahalaga pa ba sa iyo ang TK kaysa sa mga anak natin! Gaizer! Hindi na ikaw ang manager namin! May pamilaya na tayo! Bakit kailangan mo pa pumunta dito imbis mag-stay sa bahay at alagaan na lang ang mga bata!" sigaw ni Grim. Napatigil si Grim at bahagyang napatakip ng bibig. Nasigawan niya si Gaizer. Umiyak si CG. 

Kinuha ni Gaizer si CG sa stroller at sinabing huwag ng umiyak. Kinarga ni Gaizer ang anak at pinatahan ito. 

"Parte din ng pamilya natin ang TK. Hindi ako kasing selfish ng iniisip mo. Napapagod din ako Grim," ani ni Gaizer. Lumingon kay Grim— doon nakita ni Grim na umiiyak si Gaizer. 

"Ngunit nagpapakatatag ako dahil sa pamilya natin. Kung sa tingin mo pabaya akong ama— wala na akong magagawa doon," ani ni Gaizer. 

End of the flashback

Doon nalaman ng buong TK na sinasabotahe ni Teressa ang concert ng TK. Maraming issue na kinakalat si Teressa ngunit ginagawan ng paraan lahat iyon ni Gaizer. 

Kasalanan ni Keehan bakit nalaman ng company ang condition ni Keehan na tinago din ni Gaizer ng ilang taon. Ngunit si Gaizer din pa din ang umayos— wala silang narinig na reklamo dito. 

Magaling manager si Gaizer— ngunit nakakadena sa grupo nila ang asawa. Kung hahayaan lang nila ang manager nila marami din agency and company ang kukuha dito. Marami din itong trainees na maiaangat. 

"Muntikan ko na siyang mapagkamalan na guardian angel kung hindi lang ako araw-araw binubungangaan ni Gaizer,"  ani ni Grim. Pinigilan ni Bazile matawa sa sinabi ng kapatid. Natural na kalmado si Gaizer except na lang sa harap ng asawa nito na si Grim. Nagiging asawa ang dating talaga ni Gaizer sa side na lagi nito pinagagalitan si Grim tuwing nasusuutan niya ng damit na pambabae si Giovanni dahil akala nito ay si CG. 

"Natagpuan na ang katawan ng matanda. Tumawag din sa akin si Jake kanina— nakita na din niya ang dalawang naging kaibigan ng ama ni Keehan," ani ni Grim at nilingon si Bazile. 

"Iniimporma din ako ni Jake about diyan," ani ni Bazile. Tinanong ni Grim kung anong binabalak niya. Kilala niya si Bazile— kung may koneksyon ito sa past ni Keehan hindi ito basta palalampasim ni Bazile. 

"Ginamit ko ang assets ng mga Vergara para pagapangin sa lupa ang dalawang angkan na iyon. Ilalabas ko ang baho nila at sisiguraduhin ko na nakaligatas 'man sila kay kamatayan nandito ako para gawing impiyerno ang buhay nila."

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon