Epilogue

1.1K 21 16
                                    

Epilogue
3rd Person's POV
"Dad!"

Napatigil si Bazile matapos makitang sabug-sabog ang buhok ng anak. Tiningnan nito si CG na punit-punit din ang white dress nito. 

"Nag-away na naman ba kayong dalawa?" gusot ang mukha na sambit ni Bazile. Sinabi ni Peach na si CG ang nauna. 

"Ikaw ang nuna hindi ako! Sinabihan mo akong panget!"

Tinakpan na ni Bazile ang bibig ng anak. 

"Ilang beses ko na ba sinabi sa inyo na iwasan niyo na ang pag-aaway na dalawa," ani ni Bazile. Sabay na umismid si Peach at CG. 

Maya-maya dumating sina Keehan at Jaxon. Sinabi ni Bazile na uuwi na sila. Hindi pinansin ni Bazile si Keehan. Nagpabalik-balik ang tingin ni Peach sa daddy niya at kay Keehan. 

"Dad! Gusto ko mag-overnight kina uncle Jaxon! Gusto ko makipag-movie marathon kay uncle Gori!" 

"Me too!" ani ni CG at nagtaas ng kamay. Napa-pokerface si Grim. 

"Weekend naman bukas diba?" ani ni CG at nilingon ang ama na si Grim. 

"May playstation sina uncle Marcus sa kanila. Overnight tayo?" ani ni Greco. Nilingon ang mga kakambal. Pumayag sina Giovanni. Gusto din ni Mathias sumama. 

"Oy Mat tara! Turuan ka namin mag-online games!" yaya ni Gerrero. Tumango-tango lang si Mathias. Napakamot sa ulo si Jaxon. Nandoon lahat ng mga bata at siguradong mababawasan na naman ng 40% ang life span niya. 

"Goodluck pre ikaw na bahala sa mga bata ah," ani ni Elliseo at nag-thumbs up pa. 

Hindi naman iyon ang unang pagkakataon. Sinabi lang nina Keehan sa mga bata na huwag pasaway doon. 

Hindi naman umapila si Jaxon dahil siguradong matutuwa si Marcus kapag dinala niya doon ang mga bata. 

Hinatid nina Grim at nina Bazile ang mga anak sa mansion nina Jaxon. Wala naman problema doon dahil magkakalapit lang ang bahay nila at nakasanay na din ng mga bata kung saan-saan ang mga ito natutulog. 

Para na din kasi silang maraming tatay at pamilya. Welcome sila sa lahat ng miyembro ng TK either sa Ikigai na nasa subdivision lang din na iyon. 


"Bazile, nagseselos ka ba?" tanong ni Keehan at niyakap ang asawa mula sa likod. Sumama ang mukha ni Bazile. 

"Hindi lang ako makapaniwalang may nag-confess sa iyo sa mismong harapan ko."

Tumawa si Keehan at iniharap ang asawa. Sinabi nitong hindi naman iyon ang unang pagkakataon. 

"Kapag may mga babaeng nagkakainteres sa akin tinataas ko lang ang kamay ko at pinakikita ko ang wedding ring ko," ani ni Keehan at tinaas ang kamay niya. 

"Hindi ko naman ito hinuhubad eh."

Lumambot ang expression ni Bazile at hinapit ang bewang ni Keehan. Tiningnan siya ni Keehan sa mata. 

"I love you Keehan," bulong ni Bazile at binigyan ng mabilis na halik si Keehan sa labi. Napangiti si Keehan at nilagay ang mga braso sa batok ni Bazile. 

"I love you more Bazile. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya dahil dumating ka. Kung hindi dahil sa iyo mananatili akong takot sa lahat— hindi ko magagawang mag-stand at harapin ang lahat. Tanggapin kung sino ako at unahin ang sarili ko.".

"Kung hindi dahil sa iyo. Hindi ko makikilala si Peach," ani ni Keehan at puno ng pagmamahal na tiningnan ni Keehan si Bazile. 

"Hindi ko din makikita ang sarili ko ngayon na may asawa, may pamilya, may anak— kuntento at masaya," natatawa na sambit ni Keehan. Napangiti si Bazile at dinikit ang noo sa noo ni Keehan. 

"Tuwing nakikita kita Keehan— hindi ko maiwasan na paulit-ulit mahulog sa iyo. Nakakatawa 'man sabihin pero tuwing sinusubukan kitang hawakan napapaso ako ngunit in some reason gusto kita i-keep para sa sarili ko."

"Katulad mo hindi ko din nakikita ang sarili ko kung kanino. I want my freedom at para sa akin ang makulong sa relasyon at responsibilidad ay walang pinagkaiba sa sitwasyong ni-locked ko ang sarili ko sa loob ng rehas."

"Pero ng makilala kita— nakakatawa pero I don't mind kung makulong ako sa rehas na iyon habang buhay kasama ka. But this past few years— na-realize ko hindi ang ibang tao ang nagkukulong sa akin kung hindi ako mismo."

"You always be my side and support me in everything. Gusto ko tumigil sa pagiging doctor para makasama mo at makapag-focus ako sa entertainment industry. Wala akong ibang gusto kung hindi makasama ka pero hindi ka umagree either tumutol. Tinanong mo lang sa akin kung sa tingin ko doon ako magiging masaya. Kung sa tingin ko after 'non magiging kuntento ako," ani ni Bazile. Tiningnan ni Bazile si Keehan. 

Napangiti si Keehan at niyakap si Bazile. 

"Kasi asawa mo ako Bazile. Kahit ano pang maging desisyon mo. Makakasama at nasa side mo ako— hindi ko hahayaan ang sarili ko na maging sagabal sa daan na tinatahak mo. Nandito lang kami palagi ni Peach— maging doctor ka 'man o dumating sa time na makasama kita sa stage. Magiging masaya ako para sa iyo."

Natawa si Bazile at nagpasalamat. Hinalikan niya si Keehan. Kasabay 'non ang nga fireworks sa harapan ng bahay nila. 

"CG at Peach! Sinabi ko ng huwag niyong pakialaman ang mga fireworks sa stockroom!" sigaw ni Jaxon. Nagsimulang magturuan ang dalawa kung sino ang naglabas at nagsindi ng fireworks. 

Napatingin sina Jaxon at Marcus sa langit. Ang daming fireworks. Natawa na lang si Marcus at sinabing hayaan na ang dalawang bata. 

"Here, mag-ingat kayo sa paggamit okay?" bilin ni Marcus at nagbigay pa ng fireworks sa dalawang batang babae na agad nagtatalon.

Lahat ng tao sa subdivision na iyon ay nakatingin ngayon sa langit kung saan bigkang nagkaroon ng fireworks display na alam naman nila kung sino ang may mga pasimuno. 

End of the Epilogue.

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon