30

412 13 8
                                    

Chapter 30 
3rd Person's POV 
Natawa si Bazile matapos malaman na pinagpaplanuhan na pala ni Keehan ang kasal nila. Gusto ni Keehan na magpakasal sila 3 days after maka-graduate ni Bazile. Gusto niyang maging ring barrier si Peach. 

Nakahiga si Bazile sa kama habang pinakikinggan at tinititigan si Keehan sa gusto nitong theme sa magiging kasal nila. Lumingon si Keehan. 

"Bakit? Hindi ba maganda naisip ko? Anong gusto mong idagdag sa kasal o baguhin?" tanong ni Keehan at tumagilid. Nagkaharap sila. Ngumiti si Bazile. 

"Basta ikaw pakakasalan ko kahit sa gitna pa gitna ng kalsada o sa ilalim ng dagat. I don't mind," ani ni Bazile. Tumawa si Keehan at sinabing gago si Bazile. Seryoso siya sa pagtatanong tapos sasagutin siya ng ganoon. 

Hinaplos ni Bazile ang pisngi ni Keehan. Tumama ang tingin ni Keehan sa mga mata ni Bazile. Hindi iyon ang unang nakipag-eye to eye si Keehan ngunit iba ang dating ni Bazile sa kaniya. Pakiramdam niya nilalamon siya ng tingin nito at sinu-suffocate siya. 

"I love you, Keehan," bulong ni Bazile at niyakap ang katawan ni Keehan. Natawa si Keehan at tinanong kung naglalambing ba si Bazile sa kaniya. 

Kinabukasan,  
Nagising si Keehan na tanghali na. Napakamot sa ulo si Keehan. 

"Hindi ba ako ginising ni Bazile?" kunot noo na sambit ni Keehan at bumaba ng kama. Lumapit siya sa crib— nandoon si Peach at gising. Hindi ito umiiyak at mukhang inasikaso na ito ni Bazile bago umalis. 

"Hey baby! Kamusta na tulog mo?" tanong ni Keehan sa bata. Humagikhik si Peach at gumawa ng mga ingay. 

Aalis na si Keehan nang may makitang sobre sa study table. Lumapit siya doon at nakita niya na may nakasulat. 

'Goodmorning, Keehan. Nauna na ako umalis may practice pa kasi kami ngayon araw. By the way may pera sa loob gamitin mo mamaya pag-grocery. Pasama ka kay Jaxon kapag lalabas ka okay? I love you.'

"Wait, hindi ko nasagot iyong i love you ni Bazile kaninang umaga," ani ni Keehan na parang kinikilig. Na-shocked kasi siya kagabi matapos marinig iyon at nakatulog na si Bazile. 

Kinuha ni Keehan ang phone niya. Tiningnan ng binata si Peach at ngumiti. 

"Cheer mo si papa okay? Maga-i love you too ako," biro ni Keehan sa anak. Naglakad sila palabas at nagsimulang mag-type. 

'I love—'

Bumukas ang pinto at napatigil si Keehan matapos makita si Jaxon na puno ng pag-aalala ang mukha at takot. 

"Keehan! May nangyari kay Bazile nasa hospital siya ngayon!"

Naibaba ni Keehan ang phone matapos marinig iyon. Pilit itong tumawa. 

"Ja-Jaxon hindi magandang bi-biro iyan. Sinong nasa hospital? A-Anong ginagawa doon ni Bazile?"

— 
"Gising na kaya si Keehan? Nakita niya ba iyong pera?" tanong ni Bazile habang nakaupo sa backseat ng sasakyan. Maaga siyang umalis sa unit dahil nakatanggap siya ng text kay Marcus na magpa-practice sila. 

Naghikab si Bazile. Inaantok pa siya gusto niya pa matulog at bumalik sa higaan para tabihan si Keehan. 

Napangiti si Bazile matapos maalala na nag-i love you na siya kay Keehan. Medyo akward lang dahil hindi iyon nasagot ni Keehan. 

"Wait na lang ako sagutin niya iyon," bulong ni Bazile. Masyadong mahiyain si Keehan. Siguradong kukuha pa ng lakas ng loob iyon o baka mag-i love you too na lang iyon sa text kasi hindi nito masabi ng harapan.

Tumingin si Bazile sa bintana at napatigil si Bazile matapos magmura ang driver. 

"Boss, nasiraan yata tayo. Huminto na ang sasakyan," ani ng driver. Parehong napahinto ang dalawa matapos may makita silang four wheeler truck na patungo sa direksyon nila. 

Hindi nakagalaw si Bazile at bigla niyang naisip si Keehan at Peach. Tuluyan nang nanlabo ang lahat kay Bazile matapos bumangga iyon sa sasakyan at nahila sila patungo sa kabilang kalsada. 

"Bazile!"

Nasalo ni Gaizer si Keehan nang harangan niya si Keehan matapos nito subukan pumasok sa emergency room. 

"Sabihin niyo! Ayos lang si Bazile diba! Mabubuhay siya!" sigaw ni Keehan. Napatigil si Keehan matapos makakita ng maraming dugo sa hallway at patungo sa emergency room. 

Bumagsak si Keehan. Tiningnan niya ang mga kamay na naihawak niya sa mga dugo na nasa sahig. Hinawakan iyon ni Gaizer at sinabing magpakatatag. 

"Pull yourself together Keehan. Kailangan ka ni Bazile please. Magdasal na lang tayo na maging ayos siya."

Napahagulhol si Bazile at niyakap si Gaizer. Paulit-ulit na tinawag ni Keehan si Bazile. Naiyukom ni Grim ang kamao at aalis ito nang pigilan siya ni Elliseo at hinarang ni Apollo. 

"Huwag ngayon Grim. Kailangan tayo dito," ani ni Apollo. Nilingon ni Grim sina Gaizer na nagsisimula na din umiyak.

Sobrang dami ng dugo na nakita nila kanina mula kay Bazile. Hindi din nila gusto ang expression na binigay sa kanila ng doctor matapos makita ang katawan ni Bazile.

Lumipas ang halos limang oras. Lumabas na din ang doctor. Agad sila tinanong ng TK. 

"Ilang beses huminto ang heartbeat niya ngunit lumalaban ang pasyente. May awa pa din ang diyos dahil tagumpay ang operation," ani ng doctor. Napaluhod si Keehan at paulit-ulit na nagpasalamat sa doctor— niyakap siya ni Gaizer at sinabing may awa sa kanila ang panginoon. 

Dinala si Grim sa isang private room. Nagpadala ng magagaling na doctor si Apollo doon at personal na dapat obserbahan si Bazile. 

Hindi natutulog si Keehan. Wala si Bazile ay hindi alam ng TK ang gagawin doon. 

"Keehan, umuwi ka na muna then matulog. Kami na bahala sa iba— matulog ka," puno ng pag-aalala na sambit ni Jaxon. Sinabi ni Keehan ma hindi pwede. 

"Gusto ko ako unang makita ni Bazile kapag nagising siya. Ako dapat," ani ni Keehan. Hindi alam nina Wax kung pwede ba talagang hindi matulog si Keehan nang straight na isang linggo. 

Tumayo si Keehan. Napasigaw sina Jaxon matapos biglang bumagsak si Keehan ngunit bago pa tumama ulo ni Keehan sa gilid ng kama nasalo ito ni Grim na nakatayo lang din kanina sa gilid ng kama. 

"Jaxon at Marcus. Pakiuwi na si Keehan— hayaan niyo siya matulog doon at gawin niyo lahat para hindi siya magising habang nasa biyahe," bilin ni Grim. Nagtaka si Marcus ngunit sumunod siya. Sumama din sa kanila si Marco at binigyan ng huling tingin si Bazile na kasalukuyan pa din walang malay.

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon