26

439 13 2
                                    

Chapter 26 
3rd Person's POV 
"Sundan mo si Keehan," ani ni Gaizer at sinabing siya na muna ang bahala sa bata. Agad na umalis si Bazile para puntahan ang kasintahan. 

Pagbukas niya ng pinto. Nasa ibabaw na ng kama si Peach at umiinom ng gatas habang nakapo ea sahig si Keehan at sapo ang mukha. 

"Keehan," tawag ni Bazile at umupo sa tabi ng lalaki. Humingi ng sorry. 

"Patawarin mo ako. Masyado akong sensitive pagdating sa pamilya. Wala akong kinilalang pamilya tapos isang araw may bata na pupunta dito at sasabihin na kapatid ko."

Hindi umimik si Bazile at niyakap si Keehan. Naalala pa ni Keehan kung paano nangako ang lolo niya na balang araw ay pupuntahan siya ng daddy at mommy niya para i-surprise. Noong nag-21 siya doon niya tinanggap na wala siyang pamilya. Tuluyan niya ng iniwan ang buhay bilang Keehan Alvarez. 

Iniyukom ni Keehan ang kamao. Nanatili lang naman tahimik si Bazile. Hanggang sa maya-maya may kumatok sa kwarto. Napalingon ang dalawa. 

Bumukas ang pinto at nakita nila si Grim. Pinalalabas sila ni Grim. 

Tiningnan ni Bazile si Keehan. May pag-alala sa mukha nito. Hinawakan ni Keehan ang kamay ni Bazile na para bang kumukuha siya ng lakas doon. 

Tumayo ang dalawa. Kinuha ni Bazile si Peach at sinabing dadalhin muna nila sa playroom ang bata. Tulog si Peach at hindi nila pwede iwan sa kwarto ang batang babae. 

— 
Pagpasok nina Bazile sa unit nina Gaizer at Grim. Nakita nila ang bata— hindi na ito madumi at may suot na malaking damit. Wala naman kasing bata sa unit na iyon na kasing edad ng batang babae na nasa 8 years old na. 

"Sino ang humahabol sa inyo?" tanong ni Apollo. Grabe ang kaba nila matapos maabutan iyong mga sasakyan na humahabol sa sasakyan ni Grim. Noong humarang sila at bumaba— akala nila aatake ang mga ito ngunit umalis ang mga ito. 

Masama ang kutob nila sa mga ito dahil alam nilang miyembro ang mga ito ng yakuza. Kumikilos ang mga ito ayon sa utos ng boss nila— pamilyar sina Apollo dito dahil kay Elliseo. 

Nakumpirma na din iyon ni Elliseo dahil mga chinese ang nakita niya sa loob ng sasakyan. 

"Hi-hindi ko kilala ngunit sila ang pumatay sa mommy, daddy at kuya ko. Lagi nila kaming hinahabol ni mama at gusto nila ako makuha," bulong ng batang babae. Sinapo ni Elliseo ang noo at tiningnan si Keehan.

"Sinasabi mo na kuya mo si Keehan?" tanong ni Elliseo. Tumango ang batang babae at tiningnan si Keehan. 

"Kamukha niya si kuya Kendrick kaya hindi ako pwede magkamali. Sinabi din iyon ni mama," ani ng batang babae habang nakatitig kay Keehan na hindi nagsasalita. 

"Wala akong pamilya— wala akong naalala. Paano kung ginagamit lang iyan ng mga sindikato!" sigaw ni Keehan. Tiningnan lang siya ng batang babae. 

"Iyan din naisip ko 'nong biglang magpakita sa akin ang mommy natin 3 years ago. Pinaampon tayo ni mom noong 3 year old ka pa lang at 6 years old si kuya Kendrick para sa safety niyo then after 4 years sinilang din ako at pinaampon. Binigay niya tayo sa tatlong pamilya na mabibigyan tayo ng magandang buhay at identity."

"Wait! After 4 years? Ilang taon ka na ba ngayon?" naguguluhan na tanong ni Jaxon. 

"18 years old," sagot ng batang babae. Nagulat ang lahat at napasigaw ng 'what'

"Lokohan na ito. Bata hindi kami nakikipaglokohan sa iyo. Yakuza ang humahabol sa inyo for god's sake," ani ni Elliseo at nag-cross arm.

"Scientist si daddy at miyembro ng yakuza si mommy. Hinahabol kami ng grupo na iyon dahil sa drugs na tinatawag na IG207. Which is ang gamot na pinainom sa akin ni mommy last time para itago ako at iligtas. Ginagawa  ng drugs na iyon na panatilihin kang bata," ani ng batang babae at tiningnan ang sarili. Tiningnan ng babae si Keehan. 

"Kung ayaw niyong maniwala pwede tayo magpa-DNA test. Magkapatid tayo," ani ng batang babae. Tumulo ang luha ng bata at sinabing gusto niya humihingi ng tulong. 

"Ayaw ko pa mamatay kuya," umiiyak na sambit ng batang babae. Agad ito inalo ni Gaizer. 

Agad na ginawa nina Apollo ang DNA test. Gusto nila malaman kung totoo ba ang sinasabi mg batang babae. 

Nakaupo si Keehan kaharap ang batang babae at lahat ng miyembro ng TK. Nakuyuko ang batang babae dahil kita niya sa expression ni Keehan ang pagkadisgusto. 

"Ibang tao din ang nagpalaki sa akin. Nagulat din ako ng malaman ko na iyong ina na kinilala ko ay hindi ko pala talaga ina. Noong una hindi din ako makapaniwala ngunit nang makumpirma ng taong umampon sa akin na hindi niya ako tunay na anak. Na-frustrate din ako— iniwan tayo ng tunay natin na parents sa ibang tao tapos iyong childhood friend ko na halos kasabayan ko na din na lumaki. Kapatid ko pala talaga at— at namatay siya kasama si mommy sa mismong harapan ko."

"Iniligtas nila ako— ayoko din naman pumunta dito at idamay ka pero iyon ang huling hiniling sa akin ni kuya Kendrick. Ibigay ko sa iyo ang picture at ipakita sa iyo ito," ani ng batang babae. Hinubad niya ang suot na kwintas. Para iyong isang capsule at binalot sa isang silver na papel. 

"Ayaw ko mamatay kuya pero mas lalong ayaw ko mapunta sa kanila ang mga drugs na pinotrektahan nina mom ng buhay nila."

"Hah! Buti pa iyong drugs pinotrektahan nila. Iyong mga anak nila pinaampon nila then ngayon ibibigay nila sa atin ang drugs na iyan para ipasa sa atin ang responsibilidad?"

Kita sa mukha ni Keehan ang galit. Maya-maya dumating na si Apollo. Pumasok ito at nilapag ang result. 

"Positive. Kapatid ni Keehan ang batang iyan. Sinearch ko din ang identity ng batang iyan at naka-register nga siya sa Family Cruz. 18 years old siya at 4th year highschool."

Mas sumama ang mukha ni Keehan dahil doon. Tumayo si Keehan at lumabas muli ng kwarto. 

"Keehan," tawag ni Gaizer ngunit pinigilan siya ni Jaxon at sinabing intindihin na lang. 

"Hindi niyo masisisi kung ganoon ang naging reaksyon niya matapos malaman ang lahat. Walang nakilalang magulang si Keehan ng mahabang panahon. Walang pamilya at paulit-ulit na nag-expect."

"Madali sigurong makalimot ngunit mahirap tumanggap. Hayaan na muna natin siya at gawin iyong mga bagay na alam natin magagawa natin."

Territorial Kings: His Perfect InnocenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon